Maagang nagising ang asawa ko, syempre papasok sya. Next week maternity leave na sya, matagal kong makakasama ang reyna ko. Inihatid ko na sya sa school.
"My king, maaga kong uuwi ha? Hintayin mo na ako ng 11 okay, bye love you!" Sabi nya.
Ang sexy pa din kahit buntis :) Haha. Kung anu-ano na naiisip ko, kumain ka na lang ng ice cream Blake doon sa park.
[Trisha's POV]
Nasa faculty ako ngayon at nagko-compute ng grades. Third grading period is finally ended! Kasama ko si Ma'am Daisy, she treat me some pizza :)
"Pumunta kayo sa baby shower ko next month ha?" Sabi ko.
"Oo naman Ma'am. Excited na nga kami makita ang baby girl mo e." Ma'am Daisy.
Ngumiti naman ako, next week leave muna ako. Hindi ko na muna makakasama ang mga students ko, hindi ko na muna sila masusubaybayan. Okay Trisha, tama na ang drama.
Dapat happy lang tayo mga Beshies, smile lang smile :) Yan, nakakaganda di ba?
Nagpunta na ako sa Einstein para ipaalam sa kanila ang aking pag-alis, akala mo naman kung saan pupunta.
"Guys, mawawala na muna ako simula next week until manganak ako. Magpaka-bait kayo and wag na wag nyong babastusin ang papalit sa akin. Kung ano ang trato nyo sa akin, ganun din dapat sa kanya. I miss you already guys!" Naiiyak kong sabi.
Hindi naman dapat ganito e. Ano ba? Naiiyak na ako, wala na. Tumayo naman sila at binigyan ako ng yakap na talagang mamimiss ko, lalo na si Ashley na sobrang daldal. Bago ako lumabas ay nag-picture taking muna kami.
"Salamat po ulit." Oscar.
Ginulo ko ang kanyang buhok. Sana mas maging okay na sya, tapos na ang pagiging fairy ko sa kanya kaya sana hindi na sya magbago ulit.
Lumabas na ako ng classroom at bumalik sa faculty para mag-ayos ng gamit, nandito na din ang iba ko pang co-teachers. Mag-iibang bansa ba ako? Bakit sila umiiyak? Babalik naman ako e. Ang dadrama masyado.
----*
Nandito ulit kami ni Blake sa venue ng baby shower para i-finalize ang lahat. Nakapili na din ako ng cake and give aways.
"My queen." Hinawakan ni Blake ang kamay ko.
Ano na naman kaya ang problema nya? Pinaupo nya ako, ang seryoso ng mukha nya. Hala, kinakabahan na naman tuloy ako. Hindi ko gusto ang ganyang reaksyon ni Blake.
I can't wait to know kung ano ba ang sasabihin nya. Tsss! Blake naman e binibitin pa ako.
"Lalabas na kasi si Carby ng rehab next week." Sabi nya.
"Tapos?" Tanong ko.
Nagbuntong hininga na muna sya, ano ba Blake? Hindi na maganda ang pakiramdam ko ha. Nagtatayuan ang mga balahibo ko, I hate this feeling!
"B-buntis sya." Nauutal nyang sabi.
O_____O Ganyan ang reaksyon ng mukha ko. B U N T I S ? ? ?
Paano? Sino? Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko, pero sa mukha ng asawa ko he looks so disappointed.
"Paano mo nalaman, atsaka sino ang nakabuntis sa kanya?" Ako.
"Hays, Tita Gina told me. Trisha wag kang mabibigla ha?" Blake.
Argh! Ano ba 'to? Humihigpit ang kapit ko sa kamay nya, ang mga binti at braso ko ay nanginginig.
"Sabihin mo na." Naiiyak kong sabi.
"S-si Shawn." Sabi nya.
😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱
😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨
Agad kong niyaya si Blake para puntahan ang walang hiya at hayop na si Shawn, akala ko okay na ang lahat. Aaahhh! Dinagdagan na naman nya ang problema. He is so bullshit!
Habang nasa kotse ay gusto ko na talaga syang sapakin.
----*
*pak!*
"Hayop ka!" Malakas kong sabi.
Inawat naman kami nila Papa, nagtataka sila kung bakit ako galit na galit.
"Buntis si Carby, malamang ikaw ang ama Shawn. Wala na, sira na talaga ang pamilya mo." Galit kong sabi.
Lahat sila ay napatingin kay Shawn. I saw my best friend's face, naiiyak na sya. Pati si Papa at ang kanyang asawa ay galit na galit din, hmp!
Concern lang naman ako kay Syred at Ebony, dahil kawawa naman sila. Saan kaya natuto si Shawn na mambabae? At bakit naman kaya nya yun nagawa?
Lumuhod si Shawn sa harap naming lahat habang umiiyak.
"Patawarin nyo ako." Shawn.
"Nung una ayos lang sa akin kasi nag-sex lang kayo at hindi na nasundan pa. Pero Shawn iba na 'to e, nabuntis mo sya!" Naiiyak na saad ni Ebony.
Maya maya ay nakaramdam ako ng kakaibang pagkahilo, parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Naupo na muna ako, gusto kong matulog. Ipinikit ko ang mga mata ko hangga't sa ..
[Blake's POV]
Nawalan ng malay ang asawa ko. Agad naman namin syang isinugod sa ospital, hays! Ano bang nangyayari sa amin? Bakit pati asawa ko nadadamay?
Maya maya ay dumating na ang OB-GYNE ni Trisha na si Doctora Helen.
"Mr.Hidalgo, sobrang stressed ang asawa mo kaya sya nawalan ng malay. Masama sa buntis ang nagagalit ng sobra, okay naman ang baby. Basta next time wag na wag mo syang gagalitin okay?" Sabi ni Doctora.
Dumating naman ang Papa ni Trisha at kasama si Shawn. Nang dahil sa kalokohan nya pati asawa at anak ko nalalagay sa masama. Hinila ko si Shawn palabas ng kwarto.
Isinandal ko sya sa pader, I want to kill him right now!
"Bro sorry." Sabi nya.
"Utang na loob lang layuan mo na kami ng asawa ko, and don't you ever show your face again! Ayusin nyo ang gusot nyo ng asawa mo, and I don't want to see you on our baby shower. Sobra na ang ginagawa mo kay Trisha, pati anak ko nadadamay na!" Inis kong sabi.
Pinakitaan nya ako ng kawawang mukha, psh! Lalo akong naiinis sa kanya. Bumalik na ako sa loob para bantayan ang asawa ko.
Gising na sya :) And I'm so happy for her. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"My queen." Sabi ko.
"Okay lang ba si baby?" Tanong nya.
Hinalikan ko ang kanyang noo.
"Yes my queen." Ako.
Ngumiti naman sya, bumabalik na naman ang pagiging makulit ng asawa ko. But I think babalik din ang galit at inis nya kay Shawn, kaya mabuti pang umuwi na kami kaagad.
Nasa byahe na kami ngayon. Medyo namumutla pa sya, hays! Sana ayos lang sila ng baby ko. Hindi na muna kami aalis ng bahay, pagpapahingahin ko muna ang asawa ko.
Ayoko nang sumali kami sa problema ng iba, mahirap nang madamay e. I don't want my wife to be stressed, all want is to make her safe.
And I will do anything para maalagaan sila ng baby ko :)
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss