Chapter 48

1.9K 31 0
                                    

(After 3 Days)

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ng asawa ko. Gabi-gabi akong lasing, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Ang hirap pala. Nandito si Joseph ngayon, may dala syang pizza para kay Trisha.

Ngayon ko na lang ulit sya nakitang tumatawa, narinig ko na ulit ang halakhak nya. Pero dahil kay Joseph yun, aww :( Parang dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito.

Nakaupo lang din ako malapit sa kanila at nakikinig.





"Kamusta ang baby?" Joseph.

"Malapit na syang mag-six months, panay pa ang sipa. Ewan ko ba!" Nakangiting sabi ng asawa ko.

Bakit, bakit si Joseph pa? Atsaka iba ang tingin nya kay Trisha, may gusto ba sya sa asawa ko? Akala ko ba ATE ang turing nya, baka naman paraan nya lang yun.

Hinika ko si Joseph papunta sa garden, kailangan kong malaman kung bakit nagkakaganun si Trisha!





"Alam kong may sinabi sayo si Trisha kung bakit sya naglayas. Now tell me!" Ako.

"Kasalanan mo yun." Joseph.

Gusto ko na syang sapakin, bakit ang lakas ng loob nyang sabihan ako ng ganyan? Sino ba sya sa akala nya?

"Kasalanan ko? Paano mo naman nasabi?" Ako.

"Feeling nya kasi mag-isa na lang sya, wala na kayo sa tabi nya. Masakit yun para sa side ni Trisha kasi buntis sya, she need all of you! Pero nasaan nga ba kayo? Buti na lang nandito ako para makinig at damayan sya. E ikaw Blake, napaka-walang kwenta mo talaga!" Galit na sabi ni Joseph.





*boogsh!*





Sa sobrang inis ko ay sinapak ko na sya, AKO WALANG KWENTA? Ang kapal ng mukha nya. Kinaladkad ko palabas si Joseph at tinulak sa kotse nya.

"Akala ko napaka-bait mong tao, demonyo ka din pala!" Sabi ko.

Nagmadali na syang umalis, bumalik naman ako para tingnan si Trisha. Pero ang sama ng tingin nya sa akin, para nya akong kakainin.

Sinubukan kong lumapit sa kanya pero umiwas sya.

"Gusto mo na bang sumama sa lalaking yun?!" Inis kong sabi.

Tumingin sya sa akin na parang naiiyak na sya. May masama ba akong nasabi?

"Alam mo Blake, hindi ko na alam kung saan pa pupunta ang relasyon na 'to. Kasalanan mo 'tong lahat e, kasalanan nyong lahat!" Malakas nyang sabi.

Anong ibig nyang sabihin? Naririnig ba nya ang sinasabi nya? Is she out of her mind? Nababaliw na talaga sya.

Nag-start nang umiyak si Trisha, niyakap ko naman sya ng sobrang higpit. Ayoko na, hindi ko na kayang makita syang umiiyak nang dahil sa akin.

"Patawarin mo na kasi ako my queen." Sabi ko habang yakap sya.

Naririnig ko ang kanyang hikbi, ngayon pa ba nya itataas ang pride nya?

"My queen." Sabi ko.

Humarap sya sa akin, tiningnan nya ako. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi, unti-unti nyang inilapit ang kanyang labi sa aking labi.

Yeah, and she kissed me.

"Sorry." Bulong nya.

Niyakap ko sya ulit. Thank you and she's back, hindi na sya galit. Akala ko ilang araw pa akong magtitiis na hindi nya ako kakausapin.

Umakyat na kami sa kwarto dahil masama daw ang kanyang pakiramdam.

My poor pretty queen, ano na naman kaya ang inaarte nya? But I'm so happy right now, bati na kami. Wala nang iiyak, wala nang magsisigawan :)

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon