Chapter 61

1.8K 30 0
                                    

[Trisha's POV]

Maaga na naman akong pumasok ngayon. Exam day kasi! So sad dahil sa ibang section ako magbibigay ng test, kung kailan 4th Grading e. Pero okay na din, para hindi masyadong nakaka-miss.

Nandito ako sa section LUNA, medyo magulo ang klase nila. Hmm- dahil mabait ako, magiging kalmado at hahabaan ko na lang ang pasensya ko.

"Okay guys, your first test is Mathematics. Get your answer sheets, may isang oras lang kayo para magsagot." Sabi ko.

Dinistribute ko na ang test booklet sa kanila, yung tingin nila parang mangangain. Dati ata silang zombie e, haha.

Naupo ako at binantayan sila ng maigi, I HATE CHEATERS! Alam nyo yan :) Paikot-ikot din ako, sampu lang sila kaya madali kong mahuhuli kung sino ang mandaraya.






After 1 hour ay nag-recess muna sila, doon din ako nakakuha ng pagkakataong puntahan ang mga paborito kong estudyante.

Agad nila akong niyakap, aww!

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Ang daya kasi e." Danica.

"Ganun talaga, nakakatakot nga sa LUNA e." Sabi ko.

Nagtawanan naman kami, pero kailangan ko ding bumalik agad sa room na binabantayan ko.

"Kita na lang tayo mamaya." Ako.

Kinawayan nila ako, pagbalik ko kumakain na silang lahat. Buti may baon akong lasagna, kumain na din ako.

Bakit ganyan sila makatitig sa akin? Anong problema nila? Gusto ba nila ng kinakain ko? Ano?

"G-gusto nyo?" Nauutal kong sabi.

Umiling sila, e ano ba? Bakit ganyan kayo sa akin? Huhu 😭 Hindi ko na kaya 'to.

"Kayo po ba ang adviser ng EINSTEIN?" Girl 1.

"H-hindi, subject teacher lang ako." Sabi ko.

"Pero parang ang lalim na po ng relasyon nyo sa kanya, sayang kasi hindi ka po namin naging teacher." Girl 2.

Aww :( Yun naman pala e. Kung kanina pa nila sinabi e di sana hindi ako natatakot ng ganito ngayon.

Ipinagpatuloy ko na ang pakikipag-chikahan sa kanila, mabait din naman sila. Mukha lang masusungit, pero ang saya nila kasama.

Nagbell na, hudyat na tapos na ang recess. Magbibigay na ulit ako ng test.

"Your next test is SCIENCE." Ako.

After mag-distribute ay naupo na ako ulit, ang sakit ng paa ko. Nag-heels pa kasi ako e, arte ni Ma'am noh? Hihi.




















[Blake's POV]

Nandito kami ng aking prinsesa sa bahay nila Shawn, sobrang bored na kasi kami sa Mansyon. Ang laki-laki tapos wala manlang kalaro si Trixie, pwede ka ba?

"Nasaan si Ebony?" Tanong ko.

"Sinundo si Syred." Shawn.

Maya maya ay dumating si Alex at kasama nya si Francesca, aba mukhang may nagbago sa taong 'to. Hindi na sya mukhang tanga.

Kilala ko ang babaeng yan, school mate ko yan e. May dala silang pagkain, wow naman.

"Salamat ha?" Alex.

"Wala yun, para naman maging matino na yang buhay mo!" Ako.

"Sya ba si Trixie?" Sabi ni Francesca.

Binuhat nya ang anak ko at kiniss sa pisngi. Oo nga pala, isa sya sa magiging ninang ng anak ko.

Mukhang komportable naman si Trixie sa kanya dahil hindi sya umiiyak, minsan kasi kapag iba ang kumakarga sa kanya she is crying. Akala mo kinakatay.

"Hello Baby." Francesca.

"Gusto mo ba?" Biro ni Alex.

Natawa naman kami ni Shawn, hindi namin maiwasang humalakhak. Gago talaga!

"Just wait for the right time Alex, hindi pa nga kita sinasagot e. You're so excited!" Francesca.

*boooooooo!*

"E hindi pa nga kita nililigawan e." Alex.

Natawa na naman kami, bagay sila ha? Pareho silang jolly type of a person, may sense of humor din 'tong si Francesca e.

Mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa.

"By the way, nasaan nga pala si Trisha?" Francesca.

"Nasa school pa, teacher na sya ngayon." Sabi ko.

Tumango sya, hindi pa din nya binibitawan ang anak ko. Sinenyasan ko si Alex na "ANAKAN MO NA", tumatawa lang sya.

Subukan nya lang lokohin yan lagot sya kay Trisha.

Nagdecide kami na dito na lang kumain, so tinext ko ang asawa ko para dito na sya dumeretso.

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon