Ramdam ko na ..
Nai-imagine ko na ..
Hindi magiging masaya ang nalalapit na baby shower ..
Hays! -____- Baka naman pati sa panganganak ko wala din sila. Kawawa ka naman baby, bakit ka nila iniiwasan? Hindi naman siguro :( Baka sadya lang talagang itinadhana ang lahat.
Nagpapahinga ako ngayon dito sa kwarto, nanonood lang ako ng TV. Habang ang asawa ko ay nagluluto, sina Mommy at Daddy kasi nasa ospital.
"Baby, kung wag na lang kaya natin ituloy ang shower?" Sabi ko.
Nakaramdam ako ng kung ano sa tyan ko, sumipa ba sya? Ay, hindi sya pumapayag. Kasi nga naman naka-final na ang lahat, sayang naman ang mga ginastos namin.
Argh! Ang malas malas ko.
"My queen, let's eat." Blake.
Tumabi sya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Napansin nyang naka-simangot ako kaya kiniliti nya ako, enebe?!
Binawian ko din sya ng kiliti. Syempre madali akong mapagod, kaya bumaba na kami para kumain.
"Wow, spicy adobo my favorite! Salamat my king." Sabi ko.
Abot-tenga ang ngiti ng asawa ko, first time kasi mapuri e. Unang sandok ko ng rice medyo madami. Naririnig kong pinagtatawanan nya ako.
Tumingin ako sandali sa kanya pero ibinalik ko din kaaga ang atensyon ko sa pagkain.
"My queen, kain yan or lamon? Haha. Grabe!" Blake.
"E keysa naman hindi ako kumain, layasan kita dyan e." Sabi ko.
Tumigil sya sandali at sumimangot. Nakakatawa yung mukha nya :) Takot syang maiwan ganun? E di wag sya gumaya kay Shawn, simple lang naman ang gusto ko .. HAPPY AND COMPLETE FAMILY.
"Kawawa si Carby no?" Blake.
"Oo nga e, namatay pa yung baby nya." Malungkot kong saad.
Hays! -_____- Pero kahit galit ako kay Shawn, naaawa pa din ako sa kanya. Hindi ko din matanggap na ganun ang lagay nya ngayon. Kahit anong galit ko naman kasi magkapatid pa din kami, wala namang nababago e.
Pero ang point ko lang ..
Bakit kailangan pang mangyari ang lahat nang 'to?!
Bakit kailangan pang magloko ni Shawn?!
Bakit pamilya at kaibigan ko pa?!
Mababaliw na ako, hindi ko na kaya. Palala na nang palala ang mga nangyayari sa amin. Pati ang mga inosenteng bata nadadamay, ang anak ni Ebony at ang anak ko.
Aaahhh! Hindi ko na kaya talaga.
"My queen, bakit? Maanghang ba masyado?" Tarantang sabi nya.
"H-hindi, hindi. Naisip ko lang na puntahan natin si Shawn sa ospital." Ako.
Tumango naman si Blake, aahh! Buti na lang understanding ang asawa ko, pero baliw minsan. Pagtapos kumain ay agad naman kaming umalis.
Bumili ako ng fruits para sa dalawa, isa din kasi yan si Carby e. Kahit naman mang-aagaw yun may awa pa naman akong natitira para sa kanya.
----*
"Anak, sabi ko di ba magpahinga ka na lang?" Salubong sa akin ni Papa.
Lahat sila ay naka-bantay kay Shawn, pati Mommy at Daddy ni Blake. Ganun nila kamahal ang kapatid ko, e sakin? Ganyan din kaya sila sa akin?
Aish. Tama na drama, dapat happy lang 😒
"Okay na ba sya?" Tanong ko.
"Wala pa namang nagbabago, he is still sleeping." Papa.
Naupo kami ni Blake, nauna na naming tingnan si Carby. Gising na sya at .. Sobrang galit sya kay Shawn dahil nga patay ang bata.
Ang lulungkot nila! Hindi naman sa ano, pero .. Bakit feeling ko wala nang pumapansin sa akin? NAGSESELOS NA BA AKO?!
Argh, Trisha wag kang mag-isip ng ganyan. Madami ding nagmamahal sayo, nandyan si Blake.
Si BLAKE :)
Tumingin ako sa kanya .. Busy sya sa cellphone nya na puno ng games. Sobrang naaadik na sya promise, hindi na sya masyadong sweet gaya 'nung nasa condo pa kami.
BAKIT BA LAHAT SILA NAGBAGO? ANO BANG NAGAWA KO HA! PINAPARAMDAM NILA SA AKIN NA HINDI AKO IMPORTANTE 😭😭
ANG LAKI-LAKI NA NG PROBLEMA KO!! I REALLY HATE THIS FEELING. I wanna die right now 🔪🔫
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomantikBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss