Chapter 10: Jealous of that Girl

2.7K 48 0
                                    

[Trisha's POV]

Dumating na nga ang araw ng reunion, lahat kami nandito na sa resort. Si Blake naman ay pinagyayabang ang wedding ring namin, yung iba nakikipag-selfie sa kanya.

Nakaupo lang ako sa sand habang umiinom ng watermelon juice, wala pa ako sa mood makipag-kwentuhan e. Hinayaan ko muna si Blake dahil obligasyon naman nya yun, si Alex naman puro babae ang kasama.

Maya-maya ay may dumating na babae. Napatayo naman ako, lumapit sya kay Blake at hinalikan ito sa pisngi. Agad naman akong lumapit para makita kung sino ang malanding yun.

"Ikaw?!" Gulat kong tanong.

Nginitian nya lang ako at tila nang-aasar pa.

"Yeah, ako nga. Nabalitaan ko bagong kasal daw kayo? Can I be your mistress?" Sabi ni Carby.

Oo tama, si Carby Santos na bruha at demonyo sa buhay namin ni Blake noon pa man. Nandyan naman si Alex e, di ba ex naman nya yun? Bakit yung asawa ko pa?

Naiinggit sya kasi hindi nya akalaing aabot kami ni Blake sa ganito. Kaya grabe sya makapag-salita.

"Ano bang ginagawa mo dito? Di ba nasa France ka?!" Sabi ko.

"Ayoko na doon, nabalitaan ko kasing mag-asawa na daw kayo so I decided na sumali dito sa reunion nyo." Carby.

Susugudin ko dapat sya pero agad akong kinapitan ni Blake sa braso, pasalamat ka madaming tao. Kundi kinaladkad na kita palabas ng resort na ito!

"Carby stop, heto na naman ba tayo?!" Blake.

"Bakit?" Tanong ni Carby.

"Tigilan mo na kami, tahimik at masaya na kami ng asawa ko so don't you dare to make us broke again." Sabi ni Blake.

Nanahimik na si Carby at naghanap na lang ng ibang kausap. Naupo naman kaming dalawa, sabi na nga ba e. Kanina pa hindi maganda ang kutob ko.

Nandito na naman ang bruha sa buhay namin. Dumaan yung waiter sa harap ko kaya kumuha ako ng isang baso ng vodka.

Straight ko yung ininom, kumuha pa ulit ako. Alam ko sa loob ng tatlong araw puro away ang mangyayari, basta nandito si Carby laging maingay ang paligid.

"Hey, dahan-dahan lang." Blake.

"E keysa naman panoorin ko si Carby, maiinis lang ako." Sabi ko.

Inakbayan nya ako, maya-maya ay kinuha ni Alex ang microphone. Napunta na tuloy sa kanya ang lahat ng atensyon.

"Guys, salamat sa pagpunta nyo dito sa reunion. Hindi magiging successful 'to without this very important persons in my life, si Shawn and Ebony Reyes na kasama ang inaanak kong si Syred, and syempre ang newly wed na sina King Blake at ang kanyang Reyna na si Trisha Hidalgo. Salamat sa inyo ha? Enjoy the party guys!!" Sabi ni Alex.

Napangiti naman ako sa sinabi nya kasi nakuha pa nyang isingit yun sa kalagitnaan ng party.

Maya-maya ay lumapit na naman si Carby sa amin. I rolled my eyes on her, she's such a flirt. Ang kati nya sobra, hanggang ngayon ba naman naghahabol pa din sya Blake.

"Alex, OMG! Nandito ka din pala at kasama mo na naman ang mga friends mo?" Sabi ni Carby.

"Hoy ikaw ah, nagsisisi akong pinayagan pa kita na sumama dito. Akala ko nagbago ka na, kasi ilang taon na ang nakalipas pero wala e. Sobrang kati mo pa din!" Galit na sabi ni Alex.

Tama ba yung naririnig ko? Grabe si Alex, natatawa na lang tuloy ako sa kanila. Tumingin sa akin si Carby, syempre tiningnan ko din sya.

"Nasa 'yo na ang lahat ah, alam mo ikaw ang tunay na makati dito." Sabi ni Carby sa akin.

Hinawakan ako sa kamay ni Blake dahil alam nya kung anong gagawin ko. Inawat na din ng iba pa naming mga kasama si Carby.

Lumalalim na ang gabi, lalo pa kaming nalalasing. Sayaw dito, sayaw doon, tawanan, harutan at tulakan, hilaan papunta sa beach. Kami naman ni Blake at iba pa nyang kasama ay nagbabad sa beach habang nag-iinom.

Nag-aya na din akong umahon kasi medyo malamig na. We saw Carby na nakabulagta na sa sahig.

Agad naman syang nilapitan ni Blake, huhu selos ako!

"Guys, saan ba ang room nito? Tulungan nyo 'ko." Sabi ni Blake.

Tumabi naman ako kay Ebony at Shawn.

"Nagseselos ka no?" Shawn.

"Hindi ah." Palusot ko.

"Aminin mo na Best." Ebony.

Dahil busy ako kay Ebony at Shawn ay hindi ko namalayang wala na pala si Blake at Carby dito.

Agad naman akong sumunod, baka may masamang balak si Carby! Hindi pwede, papatayin ko talaga sya. Pinilit ko talagang habulin sila, and I saw them na pumasok sa room na katapat ng room namin ni Blake.

Dahan-dahan akong sumunod, hindi naman nilock ni Blake yung pinto kaya naglagay ako ng uwang para marinig ko sila.

"Blake." Sabi ni Carby.

Hindi naman ako nakapag-pigil at pumasok na ako sa loob. Nakatago ako dito sa likod ng closet, nakita kong yakap yakap ni Carby ang asawa ko.

Nanginginig ang buong katawan ko sa inis, selos at galit. Blake ano ka ba, umalis ka na dyan. Gustong-gusto mo pa ata e.

"Stay with me." Dugtong pa ni Bruha.

Hindi ko na kayang tiisin pa 'to, baka kung saan pa umabot yan!

"Blake?" Sabi ko.

Agad naman silang pumiglas sa isa't isa, halatang sobrang nagulat si Blake. Lumapit sya sa akin.

"W-why are you here?" Tanong nya.

"Ang usapan ihahatid mo lang sya, oh tara na." Sabi ko.

Tumayo naman si Carby, akala ko ba lasing na 'to?!

"You're disturbing us!" Inis nyang sabi.

"Ang kapal ng mukha mo! Asawa ko ang nilalandi mo." Ako.

Hinila na ako palabas ni Blake. Ang kapal-kapal talaga ng pagmumukha! Hindi na nahiya, nakaka-bwisit.

Bumalik na kami ni Blake sa beach, agad namang lumapit sina Ebony.

"Oh anong nangyari?" Shawn.

"Ano pa ba, e di gaya ng dati. Hmp, kainis!" Sabi ko.

"Ha?" Nagtatakang sabi ni Ebony.

Tiningnan ko ng masama si Blake at hiyang-hiya sya, kasalanan mo yan e. Isa ka ring makati!

"Alam nyo mag-enjoy na lang tayo, sayang yung gastos natin e tara!" Sabi ko.

Nagpunta kami sa gitna at nagparty party kasama ng iba pa naming batchmates. Nakakatuwa kasi after how many years may kanya-kanya na kaming pamilya. Yung ang yayaman na.

May super model, accountant, teacher, nurse, engineer and many more. May kanya-kanya na ding real estates, mga malalaking companies. Dati hirap kami sa thesis, pero worth it naman.

Hays, ang drama ko na sobra. Tama na 'to, party party na lang tayo mga Beshies! Wooooh!

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon