(After 1 Week)
Huhuhu 😭 Tulungan nyo ako, tulong! Everyone, I really really need your help. Pleeeeeaaasse!
Isang linggo na akong mag-isang nag-aalaga sa anak ko, and malamang one week na ding hindi umuuwi dito ang asawa ko.
Tinawagan ko na sila Ebony, Shawn, Alex at Francesca. Pero wala silang alam kung nasaan ang asawa ko, hindi naman daw nagtetext sa kanila at hindi rin nagpapakita sa shop.
Sobra na akong natatakot at kinakabahan para sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, tinawagan ko na din sina Mommy and Daddy tungkol sa hindi maipaliwanag na paglalayas ng asawa ko.
'Nung umalis naman sya wala naman syang dala, maliban na lang kung nakapag-empake na sya bago pa ako dumating tapos tinago na lang nya.
Aaahhh! 😰 sobra na akong naiiyak, hindi ko na talaga alam kung ano, saan, kanino ako magtatanong.
Nandito kaming mag-ina sa bahay nila Ebony, hindi ko na talagang mapigilang umiyak dahil isang linggo mga Beshies! Isang linggo na syang hindi nagpaparamdam sa amin, hindi na maganda yun.
"Kumalma ka nga, ito tubig oh. Tinawagan ko na ang mga pulis." Sabi ni Alex.
"Paano ako kakalma? One week ko nang hindi nakakasama si Blake." Sabi ko.
Hawak naman ni Ebony ang anak ko, buti na lang nandito sila para damayan ako.
"Ssshhh, Best tama na." Ebony.
Nanginginig na ako, hindi ko na talaga kaya. Paulit-ulit kong sasabihin 'to .. HINDI KO NA KAYA! 😫😫😫😫😫
"Mas maganda kung puntahan na namin ni Shawn sa condo si Blake." Alex.
Nag-isip muna ako, oo nga no? Baka nga naman nandoon sya.
"Ako na!" Sabi ko sabay tayo.
Nagmadali na akong magmaneho patungo sa condo kung saan kami tumutuloy dati.
----*
Nandito na ako ..
Kinakabahan ako ..
Nagbuntong-hininga muna ako, baka kung anong maabutan ko doon. Aaaahhhh! Natatakot ako.
Nasa tapat na ako ng pinto, hays! Inhale .. Exhale .. Blah, blah, blah! Aaahhh, wahhhh!
Binuksan ko na ang pinto ..
Aba, hindi naka-lock.
Pagpasok ko ..
Naka-kalat ang mga damit ng asawa ko, ano bang ginawa nya? May naapakan akong bote ng beer, shocks! Naabutan ko syang nakahiga sa kama, tila nagunaw ang mundo ko.
Nakayanan nyang mag-isa dito? Hays, Blake. Tumabi ako sa kanya, naiiyak naman ako.
"My king." Bulong ko.
Sandali naman syang humarap sa akin, bigla syang tumayo sa nakita nya. Magagalit ba sya?
"What are you doing here?" Sabi nya.
"One week ka nang wala sa bahay, what is wrong with you?! Alam mo bang sobra na akong nag-aalala sayo?" Naiiyak kong sabi.
Tumayo naman sya at tila iniiwasan ako, kailangan ko syang kulitin para bumalik na sya.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Umuwi ka na." Blake.
"Paano kami ng anak mo?" Ako.
Natigilan sya sandali at parang nag-iisip, hindi nya kami matitiis alam ko. Sasama na sya sa akin ngayon :(
[Blakes's POV]
I'M SO MAD AT HER!
Alam naman nya siguro kung ano ang rason at hindi ako umuwi ng one week sa bahay.
"My king." Sabi nya.
Kapag ako napuno ewan ko lang kung ano ang mangyayari, hindi ako pumapatol sa babae alam nya yan.
Humarap ako sa kanya.
"Saan mo na naman iniwan si Trixie?" Inis kong sabi.
Umiiyak na sya, naiinis ako lalo sa pag-iinarte nya. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at talagang napipisil ko na ito.
Iyak sya nang iyak, hindi ko na kaya! Gusto ko na syang saktan dahil nababadtrip na talaga ako sa kanya.
"Umalis ka na!" Malakas kong sabi.
Humagulgol pa sya lalo ng iyak. Itinulak ko sya kaya napahiga sya sa kama, I don't know kung ano ang nangyayari, hindi ko na alam ang ginagawa ko.
Gigil na gigil na gigil na gigil na ako sa kanya.
"Ano bang nangyayari sayo ha?! Nagsasawa ka na?" Trisha.
Tiningnan ko sya ng masama.
"Umalis ka na please, bago pa kita tuluyang masaktan. I want some space Trisha." Sabi ko.
Tumayo sya, tumingin muna sya sa akin sabay tumakbo palabas. Argh! ANO BANG SINABI KO? ANONG GINAWA KO?!
😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱
Sobra ko syang nasaktan.
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss