[Trisha's POV]
Maaga pa akong papasok 😱 Anong oras na ba?! Teka, late na ata ako.
"Oooppss, wag kang malikot makakasama sa baby." Sabi sa akin ni Blake.
Nanlaki ang mga mata ko, BABY?! Teka, nasa ospital pala ako? Humawak ako sa tyan ko, may baby na kami? Magiging mommy na ako?!
"Two weeks pregnant ka, sumabay pa yung allergies mo pero okay na. I'm so excited my queen!" Dugtong pa ni Blake.
Aaaaaaaaahhhhh! OMG. Tugs, tugs, tugs. Partaaaaaaaaaaaay!!
Hindi ako makapaniwala, may baby na kami.Hinalikan ko naman sa lips si Blake na nakaupo sa tabi ko.
"This is it, finally!" Sabi ko
Sobrang saya naman ng pagmumukha ni Blake, nandito din sina Ebony at Shawn kasama si Syred.
Iisa lang yung expression ng mukha nila, hindi ako makapaniwala grabe. Akala ko simpleng allergy lang, pero nandito na pala talaga yung gift na galing kay God.
Siguradong excited si Papa, syempre pati na din si Mama ko na nasa heaven na lagi akong binabantayan.
"Alam mo bang kagabi pa walang tulog si Blake?" Sabi ni Shawn.
Tiningnan ko ang asawa ko, sus nagpa-cute pa. Niyakap ko sya ng napaka-higpit.
"Salamat." Bulong ko.
"Basta para sa reyna at sa magiging baby namin, gagawin ko ang lahat." Sabi ni Blake.
Yiiiih. Kilig na naman ako sobra, nagba-blush pa din ako kahit asawa ko na sya. Haha bakit ganun?
"Kailan daw ako pwedeng umuwi?" Tanong ko.
"Bukas pa daw e." Sagot ni Ebony.
Ay :( Hindi na naman ako makakapasok. Pano na yan? Kawawa naman yung mga bata hindi makakapag-review, baka bumagsaka sila. Highest section pa naman yung mga yun.
Buti na lang at follower ko silang lahat sa IG so nag-decide ako na imessage sila.
"My queen, next week ka pa pwedeng pumasok. Pasensya ka na pero yun ang sabi doktor sa akin." Blake.
"Oo na, masyado ka namang ano e." Sabi ko.
Nginitian nya ako. Shocks! Hindi ako makaget-over, magkaka-baby na talaga kami? Ang cute pakinggan no, two weeks pregnant? Hihi. Katuwa.
Maya-maya ay dumating na si Dok.
"Pwede ka nang umuwi bukas Mrs.Hidalgo, okay na naman na ang lagay mo atsaka ligtas naman ang baby. Remember, always eat vegetables and fruits atsaka bawasan ang fats okay?" Sabi ni Dok.
Nakangiti naman akong tumango. Paniguradong madaming ipagbabawal sa akin si Blake pag-uwi namin, hindi na rin sya basta-basta papayag sa mga bagay na lagi kong ginagawa noon.
Panganay 'tong dinadala ko kaya sobrang iingatan nya 'to. Lalo na ang mga magulang namin, mas excited pa yun.
Binigyan ako ni Shawn ng vegetable salad at fresh orange juice para sa aking lunch.
"Salamat sa inyo ha?" Sabi ko.
"Kulang pa yan sa pag-aalaga mo sa akin noong buntis ako." Sabi ni Ebony.
Sus, wala yun. Haha! Kumain na ako ng napaka-dami, sobrang gutom na kaya ako. Nakangiti naman akong pinapanood ng asawa ko.
Hindi ko alam kung natatakam ba sya or naiinlove na naman sa akin 😊 ang landi!
"Hi Syred!" Bati ko sa batang makulit na kagigising lang.
Tumingin sya sa akin, medyo nagtataka pa sya. Pero maya maya din ay lumapit at tumabi sya sa akin.
"Tita Ninang, are you pregnant na?" Tanong nya.
"Yes baby. You will have a playmate na." Sabi ko.
Excited nyang hinawakan ang tyan ko, aww ang sweet naman sobra! Kiniss ko ang noo nya, naiiyak tuloy ako. Huhu, haha.
"Is she a girl?" Tanong nya.
"We don't know yet baby." Ako.
"I want baby girl, kasi Tita Ninang para may princess na ako." Sabi nya.
Wow naman, natuwa naman kaming apat. Lalo tuloy akong na-excite sa sinabi ng batang 'to.
O baby, kailangan girl ka ha? Kasi may prince nang naghihintay sayo 😊😊😊
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss