Chapter 55

1.9K 31 0
                                    

Napag-usapan naming magpunta sa beach para naman makapag-relax outdoor. Ang baby namin naka-swimsuit na naman, tapos binilhan pa sya ni Blake ng pink swan floater.

Enjoy na enjoy naman kami, kaso si Alex wala pang mahanap na kadate :) Yun at kung sinu-sino ang pinagtitripan nya.

"Hoy Alex!" Blake.

Tumingin lang sya sa amin sabay tumawa. Baliw talaga! Si Trixie at Syred naman naglalaro lang ng sand, aba nakaupo pa sa lapag ang prinsesa namin.

Si Ebony naman nag-iihaw ng barbecue and hotdogs, si Shawn binabantayan ang anak nya at ganun din kami ng asawa ko. Si Alex nangha-hunting ng babae, at foreigner pa talaga ang nilalandi nya ha?

"Baby Trixie!" Blake.

Kinuhaan nya ng picture ang anak namin, ganun din naman ako.

"My queen tara ligo tayo." Blake.

"Paano si Trixie?" Sabi ko.

"Kami nang bahala, sige na at baka sakaling masundan agad si Baby!" Biglang sulpot ni Alex.

Nilaro nya nang nilaro si Trixie kaya naman nakapag-solo din kami ng asawa ko. Agad nya akong binuhat papunta sa beach at hinarot.

Parang ngayon nya lang ako nayakap ah? Haha :) Halik sya nang halik sa akin.

"I love you." Bulong nya.

"I love you too!" Sabi ko.

He kissed my lips. Tumingin kami kina Alex na nag-eenjoy sa pakikipaglaro sa aming anak.

"Sundan na natin?" Blake.

Tumingin ako sa kanya, parang nang-aakit pa sya sa boses nya e. Kinikilig tuloy ako! Enebe?!

"Tumigil ka nga." Sabi ko.

Hinawakan nya ang aking bewang at niyakap.

"Please?" Blake.

"Baby pa si Trixie." Sabi ko.

Tumingin sya sa akin ng nakakaloko, bigla nya akong tinulak kaya napahiga ako sa tubig at dumagan naman sya sa akin. Ay ang hard!

Tawa sya nang tawa. Maya maya ay tinawag na kami para kumain, agad namang kinarga ni Blake ang aming prinsesa.

"How was your playmate? Is he kind?" Blake.

"Hoy pare, kung anu-ano sinasabi mo dyan ha. Tuwang-tuwa nga sa akin yang si Trixie e." Alex.

Naupo na kami para kumain. Wow! Hindi talaga nawala ang spicy adobo sa mesa. Fruits lang ang pinakain ko kay Trixie dahil baby pa sya, ayokong ano .. Basta! Haha.

"Ano Bro, nasundan na ba?" Biro ni Alex.

"Ayaw pa nga eh!" Gatong ni Blake.

Nagtawanan naman sila, ay grabe ha? Pati si Trixie napapangisi din kahit hindi naman naiintindihan ang pinag-uusapan.

"Sa susunod Singapore naman tayo!" Alex.

"Lakas magyaya ah?" Shawn.

"Why? I have a lots of plan mga Bro." Alex.

Wow ha, di bale sana kung libre nya okay lang. Tutal mayaman naman sya e, malakas din ang kita ng Bar nya.

Bakit hindi na lang nya kami ilibre? Para atleast hindi sa mga babae nya nasasayang ang pera nya kundi sa mga kaibigan nya.

"Sa bahay na lang tayo." Blake.

"Magdadala ako ng babae ha. Pwede ba Trisha?" Alex.

Tumingin ako sa kanya. Alam naman nya siguro ang sagot ko.

"Ako nang bahala sa babae mo, ako na ang bahalang humanap. Basta tatawagan ka namin kapag nakapag-set na kami." Sabi ko.

Naghiyawan sila, natakot naman si Trixie kaya umiyak sya ng malakas. Akala nya kasi kung ano ang nangyayari, agad naman syang nilibang ng daddy nya.

Dinala nya sa shore si Trixie at nilaro.

"Hindi ko akalaing ganyan kabait na daddy si Blake." Alex.

"Oo nga e. Ang laki ng pinagbago nya." Shawn.

"Pansin ko din yun, mas nagiging concern na sya sa mga bagay bagay. He is a loving father and husband." Sabi ko.

Kinuhaan ko sila ng photo, ang ganda naman. Agad ko yun pinost sa IG Account namin ni Blake, and may nag-offer agad ng commercial.

Naalala ko nga pala, artista ang asawa ko -____- Pero ayoko muna ma-exposed si Trixie kasi baka habang bata pa ay magbago na ang ugali nya.

Ayokong maging palasagot sya paglaki nya, ayokong mawalan sya ng respeto sa nakatatanda sa kanya. Gusto ko lumaki sya as a RESPECTFUL, BEAUTIFUL AND EDUCATED LADY ☺☺☺☺☺

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon