Chapter 111

1K 25 0
                                    

Habang tahimik na nakaupo ay bigla akong nakarinig ng hagulgol mula sa likuran. Nandyan na pala ang parents ni Blake. Agad akong tumayo para salubungin sila.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay sinampal ako ni Mommy sa harap ng mga tao.





"How dare you?!" Galit nyang sabi.

"M-mommy, wala po akong kasalanan." Ako.

Agad naman syang inawat ni Daddy, si Shawn naman inakay ako palayo. Bakit ba?! Wala naman akong ginawang mali ah.

Ano ba 'to?! Parusa ba 'to ha? Grabe naman, hirap na hirap na ako tapos ganito pa ang mangyayari?!

"Anak!!" Umiiyak na sigaw ni Mommy.

Hays! -____- Kasalanan ko ba 'to lahat? Ako ba ang dapat sisihin dito? O di kaya sumunod na lang ako kay Blake para wala nang problema.

Pero hindi ko pa din matanggap na sinampal nya ako, anong gusto nyang palabasin? Argh!

"Hayop ka!" Mommy.

"Ano ba?! Pare-pareho lang tayong nawalan dito." Ako.

Pumagitna si Shawn sa amin, naririnig ko naman ang iyak ni Blunt. I can't believe this!

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa akin, sana pala hindi na lang ako pumayag na ikaw ang pakasalan ng anak ko! Ano ngayon ang nangyari sa kanya?!" Mommy.

Bakit ba kailangan pa nyang gumawa ng ganitong eksena? Pagod na pagod na ako -___- Blake nasaan ka na ba kasi?! Tulungan mo naman ako oh, tara na dito.

Pagkatapos nya akong sabihan ng mga masasakit na salita ay naupo sya at umiyak nang umiyak.






"Mommy, okay ka lang?" Trixie.

"Oo anak." Sabi ko.

Pinuntahan nya ang lolo at lola nya, nasaan na ba sila Papa? Bakit ang tagal nila :(

"Best, hayaan mo na lang sila. Maiintindihan ka din nila." Saad ni Ebony.

Naiiyak na naman tuloy ako, parusa ba 'to huh?! Kapalit ba 'to ng mga pinagsamahan namin ni Blake noon?! Sana kasi ako na lamg e, sana ako na lang yung namatay!

Aaahhh! Nakakasawa nang masisi, ayoko na talaga 😭 Blake, susundan kita promise.

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon