Chapter 16: Annoyed

2.7K 36 1
                                    

[Trisha's POV]

Nandito kami ng asawa ko sa bahay nila Ebony. Sobrang bored naman kasi doon sa condo e, kaya dito na lang kami nag-tambay.

As usual, apples na naman ang kinakain ko ngayon.

"Tita Ninang you eat all my apples!" Galit na sabi ni Syred.

Natatawa naman kaming apat, haha para kasi akong bata.

"You know what, I ate all your apples because the baby in my tummy is so hungry." Palusot ko.

Tumango si Syred at binigyan pa nya ako, haha. Ang bilis talaga mauto ng mga bata no? Tiningnan ko naman si Blake na nag-eenjoy sa panonood sa akin.

Baka naman tumaba ako nito, di ba ganun kapag buntis ang babae tataba? Hala, baka naman pumangit na ako. Hindi na ako magustuhan ni Blake, huhuhu.



Sa kalagitnaan ng kasiyahan namin ay biglang dumating si Carby, wooooh! Kumulo na naman ang dugo ko.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Blake.

"Wala lang, masama bang bumisita?" Carby.

Tatayo dapat ako pero hinawakan ni Blake ang kamay ko, talagang babasagin ko na ang mukha ng bruhang yan!

"Please lang Carby, umalis ka na. Baka nakakalimutan mo nandito ka sa pamamahay ko." Sabi naman ni Ebony.

Wow, tapang naman ng best friend ko. Clap, clap, clap, PAWER! Haha. Pero ibalik natin ang usapan kay Carby, hindi pa din talaga sya umaalis at nang-aasar pa.

Wala bang magawa sila Shawn at Blake? Bakit hindi nila hilain palabas? Parang takot na takot silang saktan si Carby.

"Ano ba kasing kailangan mo para tigilan mo na kami?" Inis kong tanong.

Tumingin sya sa akin na nakataas ang isang kilay, aba ang tigas naman talaga ng babaeng 'to ah.

"Paano kung sabihin kong si Blake?" Sabi nya.

Napatingin ako kay Blake, pare-pareho kaming nanlalaki ang mga mata. Hanggang ngayon pa ba naman?!

Alam ni Blake na naiinis na ako. Argh! Gusto ko na syang sapakin.

"Please lang Carby, buntis ang asawa ko at ayaw kong naiistress sya." Sabi ni Blake.

"What?!" Gulat na tanong ni Bruha.

Kitang kita sa nanlalaki nyang mga mata ang pagkagulat. Pailing iling pa sya habang nanlilisik ang mga mata nya.

"Kaya umalis ka na." Sabi ni Blake.

Inis na lumabas si Carby at padabog na sinara ang pinto. Napabuntong-hininga naman ako, hindi talaga matapos-tapos ang mga problema namin.

Naghiwalay man kami ni Blake noon inaaway pa din ako ni Carby, e ano ba kasing gusto nya ha?! Mamatay ako, mawala ako sa buhay nila?!

Hindi sya maintindihan, noong hinahabol sya ni Blake pabebe sya. Ngayong sawa na sa kanya, sya naman ang humahabol.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Shawn.

Tumango naman ako.

"Best, ipakulong nyo na kaya si Carby." Sabi ni Ebony.

Natatawa naman akong tumingin sa kanya, seryoso sya?

"Ano namang kaso?" Tanong ko.

"Bahala na." Sagot nya.

Baliw, ipakukulong ko ng walang kaso. Hindi naman pwedeng mag-imbento e, syempre hahanap pa ng ebidensya.

"Alam nyo, matindi na tama ng utak nyan e." Sabi ni Shawn.

Lahat kami ay naging interesado sa sinabi nya, mukhang may alam sya ha?

Nakatingin kaming tatlo sa kanya, ano kayang ibig nyang sabihin?

"What do you mean? M-may alam ka ba?" Tanong ni Blake.

Inabot nya sa amin yung phone nya, may article at merong photo ni Carby na may posas sya at akay ng dalawang pulis.

At nasa States?!





"Super model Carby Santos arrested; Last month, California Police Department found a bunch of drugs and ecstasy in her condo unit."





Napahawak naman ako sa dibdib ko, kaya ba nagkakaganun sya? Naku, baka kapag na-overdose sya baka patayin nya ako at madamay pa ang baby namin.

Lord, wag naman po sana 😨😱

"Pasensya na kung ngayon ko lang nasabi ha, akala ko kasi hindi totoo. Pero 'nung nasa resort tayo, nakita ko syang uminom ng ecstasy." Sabi ni Shawn.

Halatang nagalit at nainis si Blake, intindihin natin si Shawn mga beshies.

"We need to send her in rehabilitation center." Blake.

Paano naman namin magagawa yun, I mean "nila"? Sa sobrang takot ko ay nagbalat na lang ako ng apples at kumain, haha. Nakuha ko pang isingit yun no?
















[Carby's POV]

Nakakaasar! Bakit ba lagi na lang akong nirereject? Ang tanga ko naman kasi, noon hinahabol ako ni Blake masyado akong paano pabebe .. Tapos ngayon ako naman 'tong nagmumukhang tanga.

Nandito na ako sa paborito kong Bar na pagmamay-ari ni Alex. I really hate my life! Kaya nga dumating ako sa point na sinubukan kong mag-drugs, kaya ngayon nagkanda leche-leche na ang buhay ko.






Flashback:
"Nagpunta ako sa States para makita si Blake. But it's too late, sobrang sikat na pala sya at wala na din syang pakialam sa akin. Tumutuloy ako sa isang condominium sa California. Dahil sa sobrang depressed, kasi inayawan na ako ng mga sponsors ko sa France. Nagkaroon ako ng mga adik na kaibigan, tinuruan nila akong mag-drugs, magdamag ako sa clubs at sa mga bars. Minsan pa nga nahuhuli akong nagda drive ng lasing e. Isang gabi sa condo unit ko, mag-isa lang ako at kakabreak lang namin ng mayaman kong kanong jowa .. Habang umiiyak ay isinabay ko na ang pagtutulak ng drugs. Ewan ko kung sinong walanghiya ang nagsumbong sa mga pulis. Ni-raid nila ako sa condo ko at pinosasan, kinaladkad nila ako palabas. Ang daming media na nakapalibot sa akin, gulong-gulo ako ng mga araw na yun, bakit ba kasi masyado akong nagpaka-tanga? Madami akong sinayang. Kaya heto ako ngayon, lahat ng tao ilag sa akin."
                 :End of Flashback






Hays, ang gulo na talaga. Maya maya ay dumating si Alex.

"You're here again." Alex.

"Yeah, obviously." Sabi ko.

Binigyan nya pa ako ng isang baso ng alak, itong lalaking 'to ay minsan ko na ding minahal. But past is past, nakakadiri na sya ngayon.

Oh well, nakakainis lang kasi di ako invited sa kasal ni Shawn pati rin ni Blake.

Kaibigan din naman nila ako e di ba? But, nah! Itinuloy ko na lang ang pag-iinom.

"Panay ang inom mo ah?" Sabi ni Alex.

"Wala na namang kwenta ang buhay ko, so kung concern ka thank you ha?" Sabi ko habang kumakain ng fries.

"Nakakatawang sabihin pero hindi ako concern sayo." Alex.

Okay, fine! Sabi na nga ba e, I really hate this life na talaga! I want to die right now! Argh!

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon