"My queen, wala naman kasi akong mapag-libangan. Pumayag ka na!" Sabi ni Blake.
Hindi pwede 'to >____< Mawawalan sya ng atensyon kay Trixie, ako nga walang masyadong time para alagaan sya e. Tapos magtatayo pa sila ng Car Shop!
Ayokong lumaking sutil si Trixie dahil lang sa busy ang parents nya sa work.
"Paano si Trixie?" Ako.
"Dadalhin ko sya sa shop, or iiwan ko muna sya kay Ebony. Tapos pag-uwi mo sunduin mo na sya." Blake.
Tiningnan ko si Trixie, tahimik syang naglalaro. Kawawang bata, dapat hindi ka namin pinagtatalunan nang ganito e.
Ito kasing Blake napaka-ano! Okay na nga kami kasi tutok sya sa pag-aalaga, nademonyo na naman sya kaya naisipan nyang mag-negosyo.
"Bakit nalulugi na ba ang bakeshop natin?" Tanong ko.
"Hindi. I want an extra income para sa trust fund ng anak natin." Blake.
Napatigil ako, TRUST FUND? Naisip kong kakailanganin nga pala yun ng anak namin. Tumayo ako at niyakap ko si Blake.
Ramdam kong galit sya, hindi kasi ako nagtanong e. Hindi agad ako sumang-ayon, dapat kinausap ko sya ng maayos para hindi na kami nagsagutan ng ganun.
Ang tanga-tanga mo kasi Trisha! Napakalaki mong TANGA. Pumiglas na si Blake sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Magpapahangin." Mariin nyang sabi.
Napaupo naman ako at humawak sa aking mukha. Ano bang ginawa ko?! Lagi na lang kaming nag-aaway, nagtatampuhan, ARGH! Ayoko na.
Kinarga ko na si Trixie at binihisan, mas magandang iiwas muna kami kahit sandaling oras lang.
Nagbihis din ako ..
"Saan kayo pupunta?" Blake.
Tumingin ako sa kanya, tapos ibinalik ko din ang atensyon ko sa pag-aayos kay Trixie sa kotse.
Pagsakay ko, tumingin ulit ako sa kanya. Ang sama na ng mukha nya, para syang bubuga ng apoy.
----*
"Bakit na naman?" Ebony.
"Hindi ko naman kasi alam na para sa trust fund ang perang maiipon nya, yun nagalit sya sa akin. Kaya naisip kong umiwas muna baka sakaling mawala ang galit nya." Paliwanag ko.
Nandito kami kina Ebony, wala naman na kaming ibang pupuntahan e. Nandito din si Alex pero hindi nya kasama ang kanyang jowa.
"Nasaan si Blake?" Shawn.
"Nasa bahay." Ako.
"Yayain ko munang mag-inom, ano tara Shawn?" Sabi ni Alex.
Binato ko sya ng laruan. Ulol talaga 'to! Imbes na tumulong lalasingin pa yung asawa ko.
"Mag-usap kayo." Ebony.
"Hindi ko kaya Best, baka bigla nya akong sigawan or what. And para na din yun kay Trixie, di ba baby?" Sabi ko.
"Alam mo Trisha, iwan mo muna ang anak mo dito. Bumalik ka doon mag-usap kayo ng maayos. Alam mo naman siguro kung ano ang best na solution sa galit ng asawa mo." Alex.
Tumawa naman si Shawn, huh ano yung solution na sinasabi nya? Alam ko? E hindi nga e.
Baka bagong damit, perfume, alahas. Ah, baka babalik sya sa showbiz! No, ano nga ba?
"Di mo alam?" Shawn.
Umiling ako habang naka-pout. Natatawa talaga sila, tiningnan ko si Ebony.
"Alam mo ba?" Sabi ko.
"Hindi e, asawa mo yun dapat alam mo." Ebony.
Bigla kong naalala yung sa kusina. AAAHH! Yun ba?
"Tama ba ang iniisip ko?" Ako.
Tumawa na naman sila ng napaka-lakas, naiinis na talaga ako ha. Pinagkaka-isahan nila ako.
"Ano na?" Alex.
"Ako na muna bahala kay Trixie best." Ebony.
Nagmadali naman akong umuwi, iniisip ko din kasi baka wala si Blake doon. Binilisan ko na ang pagmamaneho.
Wag kang aalis Blake, papayag na ako sige na!
----*
Wala sya sa labas, wala sa kusina at sala. Malamang nasa kwarto yun, kaya naman tumaas ako.
Tama! Nandun nga sya at nakahiga, tinabihan ko sya na nag-cause nang pagka-gulat nya. Sa reaksyon ng mukha nya halatang nagtataka sya.
"S-si Trixie?!" Tanong nya.
Hinalikan ko sya sa lips.
"Sorry na." Sabi ko.
Ayaw pa nyang ngumiti e, pero kiliting-kiliti na yan. Hindi ko din alam kung anong ginagawa ko, demonyo kasi yung tatlo e.
AT NANGYARI NA NGA ANG SOLUTION NA SINASABI NI ALEX.
Magkasama na kaming bumalik kina Ebony, this time ang harot na ng asawa ko sobra. Biglang bumalik ang Blake na sweet at maharot.
"I told ya!" Salubong sa amin ni Alex.
Nagtatawanan pa din sila. Hala, nahihiya tuloy ako :( Agad namang kinarga ni Blake ang anak namin at naupo.
Naghanda naman si BFF ng merienda, nahihiya ako promise.
"Ano Bro, kamusta?" Shawn.
"I don't know kung masusundan si Trixie." Biro ni Blake.
Sige lang ang tawanan nila, hmp! Fine. Nakakahiya talaga, ang sarap nilang batuhin ng baso sa mukha.
Pero infairness kay Alex ha, alam nya yung mga ganun. Minsan nakakatulong din ang lalaking yan e, demonyo nga lang minsan.
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss