Chapter 75

1.7K 38 3
                                    

[Blake's POV]

Wala na akong ibang magawa. Nakakatamad sa condo, sa Mall, sa Bar! Kahit saan. Hinahanap-hanap ko tuloy yung pag-aalaga ko sa anak ko, yung lambingan namin ng asawa ko.

Bakit pa kasi ako nanghingi ng space e, ang tanga tanga ko talaga sobra!

Inempake ko na ang mga gamit ko dahil babalik na ako sa asawa ko, napagsisihan ko na ang lahat. Naintindihan ko na ang lahat, mali ako. Nasaktan ko sya, binigo ko sya.





----*





Nandito na ako sa labas ng mansyon, napansin kong mukhang aalis ang asawa't anak ko at may mga dala silang boxes.

Kasama din nila si Ebony at ang anak nito. Hindi na muna ako lumabas sa kotse, saan kaya sila pupunta?

Nasa labas na sila, oras na para magpakita ako sa kanila.





"Sorry!"





Humarap sila sa akin, unti-unti akong lumapit sa asawa ko. Tulala sya at tila nakakita ng multo.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil hindi ko naman alam kung anong gagawin nya sa akin.

"Sorry." Sabi ko.

Hindi sya nakapagsalita kaagad. Kinuha ko sa kanya si Trixie, I smiled at her.

"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko ba ano-" Sabi nya.

Nginitian ko lang sya, akala nya ano? Na kaya ko silang tiisin, sa totoo lang hindi sobra!

Ang hirap pala kapag wala sa tabi mo ang pinaka-importanteng tao sa buhay mo. Kulang na kulang ako, durog na durog.

"Let's fix this." Ako.

"Uhm. Magdedeliver pa ako, mamaya na tayo mag-usap. Kung gusto mo sumunod ka na lang, may kotse ka naman." Trisha.

Ouch! Ang sakit naman ng sinabi nya, full drama na ako e. Kahit kailan talaga 'tong si Trisha!

Umalis na sila .. Naiwan naman ako sa labas, pumasok na ako sa loob para hintayin ang asawa ko. But first, magluluto muna ako.





Bakit nandito ang Ipad nya? At teka, Trisha's Sweet Treats? May online business sya? Kailan pa?

Aish! Masyado nyang binubugbog ang sarili nya, niligpit ko muna ang mga gamit nya sa pagbabake.

Ipagluluto ko muna ang asawa ko at magkakaroon kami ng special dinner mamaya. Ibabalik ko ang dating saya namin, ang dating KING AND QUEEN HIDALGO.























[Trisha's POV]

Habang nasa byahe ay iniisip ko ang biglaang pag-uwi ni Blake. Totoo ba yun? Atsaka sa kanya pa mismo nanggaling na ayusin na namin 'to.

I can't believe na nagsisi na sya, na natauhan na sya, na bumalik na sya sa pagiging MATURED.

Natatawa na lang ako dahil sya na ang nanghingi ng space pero sya rin pala ang hindi makakatiis.






Nandito na kami sa coffee shop, agad naman kaming sinalubong ni Francesca.






"Wow, I think my customers will like it." Francesca.

"Ofcourse!" Sabi ko.






Hindi naman kami nagtagal dahil medyo maghahapon na, atsaka mukhang bored si Trixie sa trip na ito.

Si Ebony dumeretso na pauwi, kami din ng baby ko :) Nakatulog na sya sa haba ng byahe namin.






----*






Pagdating sa bahay ay patay ang mga ilaw, pero may nakasinding kandila. Dahan dahan naman akong pumasok sa loob, naku po baka pinatay na ang asawa ko.

Pagbukas ng pinto ay agad kinuha ni Blake ang tulog naming anak at inihiga sa crib.

Niyaya naman nya akong magpunta sa dining, wow! Candle dinner? Tumingin ako sa kanya, nakangiti sya.

"Maupo ka." Blake.

Naupo naman ako, nagulat ako nang bigla nyang isuot ang wedding ring namin sa daliri nya.

"Huh?" Ako.

"Pasensya ka na ha?" Blake.

Tumango na lang ako, ayoko nang pag-usapan pa ang singsing. Baka humaba lang e. Ang special naman ng mga niluto nya, naiinlove na naman ako, kinikilig na naman ako.

Maya maya ay tumayo sya at nagpatugtog ng sweet song.






(Now Playing: A Thousand Years by: Christina Perri)






Hinawakan nya ang aking kamay at pinatayo ako, isasayaw pala nya ako. Hindi ko na nararamdaman pang muli ang galit at inis ko sa kanya.

Napaka-kalmado ko na ngayon, nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Blake habang sinasabayan namin ang beat ng kanta.

"Sorry for what I have done to you my queen, I promise that I will never leave you again. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin." Naiiyak na sabi ni Blake.

Omagad! Ano ba 'to? Kailangan ba naming magdrama?

"Don't cry my king, ang oa mo naman e. Okay na tayo, I love you so much!" Sabi ko.

Tumingin sya sa akin habang hawak nya ang magkabilang braso ko, unti unti nyang inilalapit ang mukha nya sa akin.

Hindi ako makagalaw, dahil sobra na naman akong kinikilig. Naramdaman ko na lang na nakahiga na pala ako sa lapag, HALA ANO 'TO?!

Papalag na dapat ako pero hindi tumigil ang asawa ko.

THIS NIGHT IS VERY UNFORGETTABLE .. Bukod sa ano, hahaha 😂 Okay na ulit kami ng asawa ko, at hindi na kami mag-aaway ulit.






---

A/N: Sorry po ha, may pagka-SPG ang chapter na ito ✌✌

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon