[Trisha's POV]
Kasama ko si Trixie ngayon sa Mall, para mabawasan ng konti ang stress ko.
Habang naglalakad ay may nakasalubong ako ..
"Wala kang kasama?"
Napatigil ako sa paglalakad, si Joseph pala -_____- Nginitian ko sya, kinuha naman nya sa akin si Trixie.
"W-wag na." Sabi ko.
"Sasamahan ko na kayo, saan ba kayo pupunta?" Joseph.
"Uhm, kakain kami sa fast food e." Sabi ko.
Yun at sumama nga sya sa amin. Sya na ang umorder at nag-asikaso sa amin, aww :( Naalala ko tuloy bigla si Blake.
Ang dami nyang inorder. Bibitayin na ba kami? Haha.
"Nasaan si Blake?" Joseph.
Hindi ako nakapagsalita agad, ngumiti muna ako.
"Nag-away kami, isang linggo na syang hindi umuuwi sa bahay. Nanghingi sya ng space." Ako.
Hinawakan ni Joseph ang kamay ko, ano ba yan? Naiiyak na ako. Bakit ko pa kasi sinabi sa kanya e, ayoko ng drama.
Tumingin ako sa kanya, ang seryoso naman ng mukha nya.
"Gusto mo bang punan ko muna ang mga pagkukulang nya?" Sabi ni Joseph.
"K-kaya ko naman e. Baka nakakaabala pa kami." Sabi ko.
"No, hindi ka naman iba sa akin e." Joseph.
Wala na akong choice kundi pumayag na lang, bahala na si BATMAN.
Pagtapos namin kumain ay naglibot pa kami, dinala nya sa kid's playroom si Trixie. Bumili kami ng mga damit, laruan, diapers and gatas ng anak ko.
Sinamahan nya din akong mag-grocery at magpa-laundry ng mga damit naming mag ina.
----*
Nandito na kami sa bahay, magluluto muna ako ng makakain namin. Habang nasa kusina ay naririnig ko ang malakas na halakhak ni Trixie.
Nahahawa tuloy ako sa tawa nya, naririnig ko din ang boses ni Joseph.
Tumagal ng kalahating oras sa pakikipaglaro nya sa anak ko. Pagtapos magluto ay bumalik na ako sa sala.
"Omg." Sabi ko.
Tulog na kasi si Joseph at ang anak ko. Haha :) Nakakatuwa lang, nakahiga kasi si Trixie sa dibdib ni Joseph, agad ko naman syang ibinalik sa crib.
Naupo na muna ako at nanood, tulog pa yung kasama ko e.
"Sorry."
Napatingin ako sa kanya.
"Ang kulit pala nya." Joseph.
"Baka bitin ka pa sa tulog, sige na mamaya na lang tayo kumain." Sabi ko.
Hinawakan nya ang mga kamay ko, tumingin sya sa akin. Anong binabalak nya? Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hindi ako makagalaw.
Unti-unti syang lumalapit sa akin. Itinulak ko naman sya, nag-away lang kami ng asawa ko pero hindi kami naghiwalay.
Tumayo naman ako para maghanda ng pagkain. Kalimutan mo yun Trisha, wag mong hayaang pumasok si Joseph sa buhay nyo!
Babalik si Blake, babalik sya! 😖
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss