[Trisha's POV]
Kasama ko si Blunt ngayon sa shop ng daddy nya, kagagaling lang namin sa school. May ipapakita kasi sya sa daddy nya.
"Daddy, tingnan nyo po ang ribbon na 'to." Blunt.
Tiningnan naman yun ni Blake, agad naman syang napangiti sa nakita nya.
"Wow! Top 2? Dahil dyan, magdi-dinner tayo ni Mommy sa isang sosyal na restaurant!" Blake.
Ngumiti naman si Blunt at kinuha ang cellphone sa akin, tatawagan daw nya ang ate nya. E kaso hindi sinasagot, baka tulog or busy.
Hindi pa din nakakalabas sa ospital si Daddy e, hindi pa sya okay. Sayang nga at hindi kami makabisita doon, isa pa galit sa amin si Mommy.
"Ano na naman yang iniisip mo? Dapat nga masaya tayo e." Sabi ni Blake.
"Iniisip ko lang si Trixie." Ako.
Inakbayan naman ako ng asawa ko, hanggang ngayon kinikilig pa din ako sa kanya.
"I love you." Bulong nya sa akin.
"I love you too." Sabi ko sabay halik sa labi nya.
Tumawa naman ng malakas si Blunt, aba gago 'to ah :) Anong nakakatawa doon?
Pagkasara ng shop ay nagpunta na kami sa restaurant, hanggang ngayon pala madami pa ding nakakakilala sa kanya. King Blake pa din ang tawag sa kanya.
"Daddy, bakit ka nila kinakausap?" Blunt.
"Dati kasi akong artista." Blake.
"Sakto! Gusto ko din maging kagaya mo dad." Blunt.
Heto na naman kami! Napag-usapan na naming dalawa 'to e.
"Anong sabi ko?" Tanong ko.
Humarap sa akin si Blunt at ngumiti. Umorder na kami, hindi mawawala sa menu ni Blunt ang chicken, hihi.
Gaya ng kinakain ko dati, garden salad and overloaded cheesecake. Ang asawa ko naman steak, tapos umorder din sya ng dessert.
Sinubukan ko ulit tawagan si Trixie pero hindi nya talaga sinasagot. Wala akong magagawa, baka busy talaga sya.
[Trixie's POV]
Aaahh! Subsob na ako sa pag-aaral, may music lesson pa ako, may dance lesson pa ako, tapos si Mamita ipinasok pa ako sa isang modeling agency.
Ayaw pa naman ni Mommy na pumasok pa ako sa mga ganito. Kailangan ko muna matapos ang pag-aaral ko, pero kailangan kong sundin si Mamita :(
Nasa music school ako ngayon, actually kaninang umaga pa. Yung phone ko shut down na, hindi pa ako kumakain ng lunch.
Hindi naman kasi ako marunong tumugtog ng violin e, pilit pa sila nang pilit.
"Please, I want to go home." Ako.
Tiningnan ako ng masama ng music teacher ko. Agad naman akong tumayo at tumakbo ng mabilis.
"Hahahaha! I'm free!" Malakas kong sabi.
Naglalakad na ako pauwi, hay salamat! 5:00 PM na pala :(
Kumukulo na din ang tyan ko, nag-aaway na ang mga bituka sa tyan ko.Nagmadali na akong maglakad, sana may pagkain pag-uwi ko :(
Gagawa pa ako ng home work!Huhuhu 😭😭😭😭 Kawawang Trixie.
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss