Chapter 30

2K 38 0
                                    

This is our last day here in Philippines, waaah excited na talaga ako. Nandito kaming mag-asawa sa isang book store para bumili ng mapaglilibangan.

Nahihilig na kasi si Blake sa mga books e, nahawa na siguro sa akin.

"Gusto ko 'to SciFi." Blake.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako, kailangan pa kasi nyang sabihin sa akin e. Tatlong romance books ang binili ko, samantalang sya ay yung scifi at romance lang.

Pabalik na kami sa condo ngayon para mag relax na lang maghapon. Umorder na din kami ng isang box ng pizza at isang extra large fries.

Ang bait ng asawa ko hihi. Sya kasi gumastos lahat e, tapos binilhan pa nya ako ng new dress and new bag.

"Thank you so much my king and I love you." Sabi ko.

Humarap naman sya sa akin.

"Basta para sa reyna ko." Blake.

Eeehh, kinikilig na naman tuloy ako. KILIGERA ako no? Haha ano daw? New word from QUEEN TRISHA -- "KILIGERA" ang tawag sa babaeng mahilig kiligin.

Hahaha, nababaliw na ho ako pasensya na. Pero new lesson po yan ha, lagi nyo pong tandaan yan.




----*




Nandito na kami sa condo, syempre nahiga na ako kaagad at kumuha ng isang slice ng pizza. Aahh, I love myself. Yung asawa ko nagbabasa ng binili nyang book, nakaupo sya sa tabi ko.

Ikaw na seryoso sige. Hindi pa ako nakunento sa kinain ko kaya kinuha ko na yung fries, tiningnan ako ni Blake. Ewan ko kung manghihingi ba sya or aangkinin nya sa akin yung fries.

Inalok ko sya, nginitian nya lang ako.

"Baliw?" Sabi ko.

"Sayo." Dugtong nya.

Aaaahhh! Kenekeleg na naman ako. Sa sobrang kilig ko ay nahampas ko na sya sa braso, ang landi kasi ng asawa ko sobra.

"Wilab." Sabi ko.

"You." Dugtong ulit nya.

Binato ko sya ng isang pirasong fries sa mukha, e sakto ngumanga sya kaya na-shoot. Grabe ang kabaliwan nya ngayon.

"Wala na akong naintindihan sa binabasa ko, promise." Reklamo nya habang nakangiti.

Kinuha ko yung libro sa kanya sabay pinaghahalikan sya. Itong asawa ko masyadong ewan, ewan talaga e. Haha.

It's for our pizza, nagfood trip na kami.

"Kukunin nga pala akong tutor ni Ebony." Sabi ko.

"Oh, pumayag ka?" Tanong nya.

Tumango ako sabay tumingin sa kanya.

"Pano kayo ni Shawn?" Sabi nya.

"Bahala na, anak naman nila ang pupuntahan ko hindi naman sila e." Ako.

Tumango si Blake sabay akbay sa akin. Ang supportive nya, ito naman kasing si Shawn hindi maintindihan. Siguro nag-aadik na din yun, sama kasi nang sama kay Carby e.

Pero bago ko isipin yun, inuna ko muna ang competition. Bukas na kami aalis!! Napag-usapan na namin na sa airport ang meeting place.

Sayang kasi ang oras kapag naghintayan pa kami sa school. Panay din ang dasal ko dahil this is my first competition, kailangan maipanalo dahil sa akin ang sisi kapag natalo sila. Ako kasi ang coach e.

"My queen, namumutla ka. Wag mong sabihing-"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita, ang OA nya mag-react.

"Kinakabahan lang ako." Sabi ko.

Hindi na sya nagsalita pa at kumain na lang. Papalag pa e, hahaha.

"Nandun naman ako e, I will support all of you." Blake.

Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi sabay halik sa kanyang labi. Pumikit pa sya tapos ngumiti, aahh kinikilig na naman ako. KILIGERA TALAGA.

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon