Chapter 123

1K 26 0
                                    

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang bisita ng asawa ko, hindi rin maipinta ang mukha ni Blake. Wala din akong balak alukin sya ng pagkain or inumin.

Halos isang oras na kaming hindi nag-iimikan .. Kaya naman mas pinili ko na lang na magpunta sa kusina. Nakasilip pa din naman ako sa kanila, baka kasi kung ano na naman ang mangyari.

"Bryan." Saad nya.

Napatayo naman si Blake, bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong nawawalan ng pag-asa.

"Who's Bryan?" Blake.

"Ikaw! Alam mo bang hindi mo maalala ang pangalan mo noon, Bryan please." Giselle.

"So ikaw yun? Ikaw yung sinasabi ng asawa ko, nainlove ako sayo?" Blake.

Napangiti si Giselle sa sinabi ni Blake kaya naman nya niyakap ang asawa ko. Tatakbo dapat ako para pigilan sila pero yung mga paa ko .. Bakit ayaw nila gumalaw?!

Bakit ko sila hinahayaan na gawin yan mismo sa harap ko? Hindi 'to pwede Trisha!

"Bryan mahal kita." Giselle.

Hinawakan ni Giselle ang magkabilang pisngi ng asawa ko, doon na ako nainis at biglang pumasok sa eksena.

Agad ko syang sinampal.

"Ang kapal mo!" Sabi ko.

"T-trisha, ipaubaya mo na sya sa akin." Giselle.

Lalo pa akong nainis sa sinabi nya kaya muli ko syang sinampal. Inawat ako ni Blake, ang sama ng tingin nya kay Giselle.

"Umalis ka na. Wag mo nang guluhin ang pamilya ko." Blake.

"Ano?! Bryan alam kong mahal mo ako." Giselle.

"Hindi ako si Bryan!!!" Malakas na sabi ni Blake.

Napahagulgol ng iyak si Giselle, and so am I. Tumakbo ako pataas ng kwarto at doon umiyak nang umiyak.

Waaaaaahhhh 😭😭 This fucking problems! I really hate this life.






























[Blake's POV]

SINO BA KASI SYA?!





Hindi ko talaga sya naaalala.





Nagmamakaawa sya sa akin ..






"Bryan, please!" Sabi nya.

"Hindi nga ako si Bryan. Bakit ba ang kulit mo?" Ako.

"Si Giselle 'to! Naalala mo ba, nagtitinda tayo ng isda di ba? Bryan hinalikan mo pa nga ako e!" Sabi nya.

Whaaaat?! Hinalikan ko sya?

"Noon yun! 'Nung pansamantalang limot ko ang lahat, but now hindi na kita kilala. So please lang umalis ka na." Ako.

Sa sobrang tigas ng mukha nya ay lumuhod pa sya, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kaya naman napilitan akong tumawag ng village guard at palabasin sya. Sakto at dumating na sina Trixie and Syred kaya naabutan nila ang eskandalo.

Agad na yumakap sa akin si Trixie.

"D-daddy, sino sya?" Trixie.

"Bryan! Bryan, please mag-usap tayo." Giselle.

Alam kong nagtataka ang anak ko, pero hindi ito ang oras para magpaliwanag sa kanya.






----*





Sa ngayon nasa police station na si Giselle at doon muna sya for one week. Hays, ewan! Hindi na natapos ang gulo sa buhay namin.

Nasa garden kami ngayon to have some merienda.

"Talaga?! Oh my god." Ebony.

"Nagmamakaawa pa nga sya e, aish! I can't imagine." Ako.

Tahimik pa din ang asawa ko, siguro iniisip nya na pinagbigyan ko si Giselle .. Haha, hell no! Sya lang ang mahal ko.

Siguro nga hinalikan ko sya and I fell inlove to her pero noon yun. E ngayon normal na ulit ang lahat, bumalik na ang ala-ala ko.

"Dad sya ba yung kasama mo noon?" Trixie.

"Sabi nya. Pero don't worry dahil hindi ako sasama sa kanya, mahal ko kayo." Sabi ko.

Ngumiti sya at niyakap ako .. Hays! Itong asawa ko talaga napaka-tampuhin. Inakbayan ko sya and nagpapakipot pa sya.

Sinubuan ko sya ng carbonara at medyo nangingiti na sya :) Hmm- kunwari pa kasi e.

"Bro, paano yun? Sino magpapyansa sa kanya?" Shawn.

"Ako." Matipid na sabi ni Trisha.

Napatigil naman kaming lahat at napatingin sa kanya. SYA? E akala ko ba galit sya doon?! Hays, tapos ano?

"B-bakit?" Tanong ko.

"Pinsan ko sya, obligasyon kong tulungan sya. And wag kayong mag-alala hindi ko naman sya patutuluyin dito." Trisha.

"Best naman. Welcome sya dito, sasamahan kita." Ebony.

Ngumiti lang ang asawa ko then pumasok na ulit sya sa loob. Susundan ko dapat sya kaso naisip kong baka awayin na naman nya ako.

"Daddy, magkaaway po ba kayo ni Mommy?" Blunt.

"No baby." Ako.

Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain .. Hays! Here we go again, nakakaasar na talaga. 😣

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon