This chapter is dedicated to LeeJongSuk16 maraming thank you sayo ☺😉 keep reading and voting!
×××××Lumipas nang lumipas ang mga araw, papalapit na din nang papalapit ang pagbabalik ng anak ko dito. Kaya naman naisip kong ngayon pa lang ay ayusin ko na ang mansyon.
Nasa kwarto si Blunt kasama ang daddy nya, hindi sya nagpunta sa shop dahil tinatamad daw sya.
Kaya naman special ang araw na ito, hindi ko lang sigurado kung busy si Trixie. Kaya nag-message na muna ako sa kanya.
To Trixie:
"Hinihintay ko ang tawag mo."Hindi ko na aasahang magrereply sya kaagad, pero ang mahalaga nasabi ko sa kanya na hinihintay ko ang tawag nya.
Nag-bake na muna ako ng home made pizza then naglinis ng buong bahay, ang sarap ng buhay ng mag-ama sa kwarto. Sisigaw na lang kapag kailangan ng inumin at pagkain.
Naglalaro kasi sila sa X-BOX na bigay ni Syred kay Blunt :)
[Trixie's POV]
Huhuhu! Bugbog sa pag-aaral tapos bugbog pa sa trabaho. Sa ngayon nasa photo shoot ako, kasama ko si Mamita.
Naiinis na ako, ano ba kasing gusto nyang mangyari sa akin? Bakit kailangan ko pang gawin 'to? Wala na bang pambili ng gamot si Papito?
E bakit ayaw nya sabihin sa akin? E di sana alam ko di ba, hindi yung kung saan-saan nya ako ipinapasok wala naman akong ideya kung anong ginagawa ko.
After ng first ever shoot ko ay nagpunta ako sa dressing room, nakita ko ang message ni Mommy. Ano kaya kung sabihin ko na sa kanya ang totoo? Hindi ko na kasi kaya e, hirap na hirap na ako.
"Hija!" Mamita.
Bigla naman akong napatayo.
"Que?" Tanong ko.
"Pupuntahan natin ang music teacher mo, may sinumbong kasi sya tungkol sa ginawa mo." Mamita.
Kinabahan naman ako, naku po! Hindi nila talaga ako naiintindihan, agad kaming umalis at nagpunta sa music school.
Nakaupo kami at hinihintay ang teacher ko.
"Bonjour!" Mamita.
Nang makita nya ako, nanlaki ang mga mata nya. Oh problema? Hindi mo ako malimutan no? Itong mukhang 'to.
Agad na kumunot ang noo nya, tumingin naman sandali si Mamita sa akin.
"What is the problem of my grand daughter?" Mamita.
Aish, wag mo nang sabihin please. Malalagot ako sa matandang yan! Bubuga na naman ng apoy yan mamaya.
"She's hard-headed." Teacher.
Napatingin naman ako sa kanya, what?! Sinungaling sya.
"Mamita no! Hindi naman kasi ako marunong tumugtog ng violin e." Sabi ko.
"Shut up!" Sabi sa akin ni Mamita.
Konti na lang sasapakin na kita, aaahh! Isusumbong kita kay Daddy mamaya :(
"What do you mean?" Mamita.
"Her lessons are not yet finished, but she ran away!" Teacher.
Tumayo naman si Mamita at hinila ako palabas, nakatingin tuloy ang mga tao sa paligid namin :( Nakakahiya!
----*
Pag uwi namin ay tinulak ako ni Mamita sa sofa, sumosobra na sya! Tumayo naman ako at tiningnan ko sya ng masama.
Hindi na tama 'tong ginagawa nya, sobra na! Ito na ang tamang pagkakataon para gumanti sa kanya.
"Walang hiya! Trixie what is happening to you?!" Mamita.
"Gusto ko nang umuwi, ayoko na dito." Umiiyak kong sabi.
Napatingin naman sya sa akin, bahala na! Basta ang mahalaga masabi ko ang matagal ko nang tinatagong hinanakit sa kanya.
Mas mabuti pa nga kung sa Pilipinas na lang ako, keysa naman dito na walang kwenta ang kasama ko!
"Uuwi ka?! Hahaha, go! Tingnan natin kung maging maganda ang buhay mo." Mamita.
"Bakit? Dito ba maganda ang naging buhay ko? No, it became miserable!" Sabi ko.
Alam kong naiinis na sya, kaya naman umakyat na ako sa kwarto para hindi na humaba ang pagtatalo namin.
Tatawagan ko dapat si Mommy, kaso baka mag-alala sya. Hindi ko din naman pwedeng tawagan si Syred kasi baka busy sya sa girlfriend nya.
Kaya dumapa na lang ako sa kama at humagulgol ng iyak.
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss