Chapter 33: Celebration

1.9K 36 0
                                    

Here we go again.





Another kaba.





Another nerbyos.





Another nginig.





Another pawis sa kamay.





Nauna nang mag-present ang Korea, mas lalo pa silang gumaling ngayon ah infairness. Kita sa mga mukha ng aking students ang kaba, kailangan naming manalo.

Nandito ako sa tabi nila, sanay na sanay na ang mga kalaban namin. Aaahhh! Gusto kong tumakbo, mas kinakabahan pa ako keysa sa kanila.

"Guys, no matter what happened keep smiling okay?" Sabi ko.

Tumango naman sila. Si Ashley naman hinawakan ang tyan ko.

"Baby, ikaw ang lucky charm namin." Sabi nya.

Ngumiti naman ako, baka si Baby ang sisihin nyo kapag natalo tayo. Sumunod na ang Indonesia sa magpe-present, ayan na malapit na kami!

Blah, blah, blah. Magaling sila magsalita infairness, para lang silang nakikipag-sales talk.

"Kailangan mas higitan nyo sila okay? We need to be more active, keep smiling atsaka alternate kayo ng pagsasalita." Paalala ko.

Nagsign of the cross muna ako sabay bumaba at naupo sa tabi ng asawa kong kanina ay ini-interview. Sino ba ipinunta ng mga media dito?

Baby, sana manalo tayo. Sabi nila ikaw daw ang lucky charm okay? I-cheer mo sila baby -_____-"

"Okay ka lang?" Blake.

"Oo naman, may tiwala ako sa kanila." Sabi ko.

Maya-maya ay pumwesto na sila dahil it's their time to present. Ang ganda ng strategy nila, naglagay sila ng konting gimik dahil masyadong seryoso ang mga tao.

Unti-unti na akong kumakalma dahil nakikita kong dedicated sila sa ginagawa nila.






----*






Oras na para malaman kung sino ang panalo. Nandito na kaming lahat ng stage, aaahhh! Naiihi na ako, lagi na lang ganito.






"To recieve a bronze medal and trophy, 3rd place is goes to Shinwa High School!" Korea.






Waaaahhh! Sino kaya, sino kaya? Kapit-kapit kami ng kamay, lahat ay naghihintay.






"To recieve gold medal and trophy, our champion in International Investigatory Competition goes to .. St.Joseph Memorial School!"






😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨😨






😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱






Talaga ba? Totoo ba? Hindi nga? Joke ba 'to?






WE ARE THE CHAMPION!!






"Aaahhh! Ang galing nyo, salamat and congrats. You make me cry and proud." Sabi ko.






Isa isa nilang hinawakan ang tyan ko, aww baby you're the lucky charm! Tama nga si Ashley.

Nagpicture muna kami bago umalis, I can't believe this! Uuwi kaming dala ang gold medal and trophy na 'to.

"Okay, kakain ulit tayo. And bukas gagala naman." Blake.

"Yehey!! Salamat po." Sabay sabay nilang sabi.






Nandito ulit kami sa restaurant and this time punong-puno na ang mesa namin. Nakaktuwa sila, I can't wait to see my co-teachers. Sigurado akong proud na proud ang buong SJMS sa amin.

And proud din ako sa asawa kong matiyagang sumuporta at sumama sa amin, pati si baby sa aking tummy na nagdala ng swerte!

"Ma'am, sabi ko sayo sa inyo e. Hays! Kaso next year college na kami." Rob.

"Oo nga po, hindi ka na namin makakasama." Ashley.

"Salamat po Ma'am and sayo po Kuya Blake." Danica.

Oo nga pala, it's their last year sa school at malapit na silang maging college. Tapos lilipat na kami sa States kapag nanganak na ako.

Kaya ba ganito kami kasaya kasi maghihiwa-hiwalay na kami? Pero mahaba ang panahon, marami pa kaming pwedeng gawin.

"Ano ba kayo? Kumain na nga lang tayo, ang drama ha?" Biro ko.

Tapos na ang mga nakaka-stress kong araw at gabi. Makakatulog na ako sa wakas ng maayos, and sobrang happy ko talaga kasi ito na yun, ito na yung gusto kong patunayan sa kanila bilang bagong teacher :)

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon