Chapter 104

2.1K 47 24
                                    

Magkasama kami ng asawa ko ngayon, nandito kami sa bahay nila Alex. Napag-usapan kasi nila na mag-iinom daw sila, si Shawn naman kasama si Ebony. Ewan namin kung saan sya nagpunta.

Karga ko ang baby ni Francesca, ang cute cute nya grabe :)

"Kamusta naman ang baby Xian?" Sabi ko.

"Alam mo bang one week sya nagkasakit, grabe sobrang natakot talaga ako." Alex.

Hmm, ganun talaga ang buhay. Naalala ko tuloy si Trixie kapag nagkakasakit noon, iyak sya nang iyak. Hindi ko alam kung anong masakit sa kanya, baby pa naman kasi sya.

Pati ako naiiyak din ng time na yun, so nagalit sa akin si Blake kasi nga sinasabayan ko pa yung iyak ng anak namin. Haha 😂

"Malapit nang umuwi si Trixie! Nakaka-excite naman." Francesca.

"Oo nga e." Sabi ko.






























[Trisha's POV]

Nandito ako sa dance studio, ang sakit ng hita at tagiliran ko. Argh! Nakakainis na sobra, siguro nga kailangan ko na talaga isumbong ang lahat nang ito kay Mommy and Daddy.

Alam ko namang magagawan nila ng paraan kapag sinabi kong uuwi na ako doon e, hindi na kasi tama ang mga nangyayari.

Abuso na si Mamita. Ginagawa nya akong Cinderella. Biruin mo na ba naman, kung kailan 2nd semester na tsaka pa ako inilipat sa culinary school!

Aaahhh 😾 Hindi ko matiis ang mga ito, hirap na akong sumunod at umintindi.

After ng dance lesson, nagpunta ulit ako sa wishing fountain.




"Nandito na naman ako, sawa ka na ba?" Sabi ko.

Hays! -___- Ito na ang huli nating pagkikita, kailangan ko na kasing sabihin kila Mommy and Daddy ang totoo e.

Naupo ako at kinain yung sandwich na ginawa ni Mamita para sa akin.

Habang kumakain .. Naisip kong tawagan na si Mommy, nagriring pa lang pero naiiyak na agad ako.





"Oh, anak? Kamusta?" Mommy.

"*iyak* M-mommy."

"Bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo, or may nang-bully? Ano anak?" Mommy.

"M-mommy ayoko na po dito! Gusto ko na pong umuwi dyan, *iyak* alam nyo po bang sobra na akong pinapahirapan ni Mamita? Lahat ng gusto nya sinusunod ko, pinag-model nya ako, pinasok sa music and dance lesson. Mommy please sunduin nyo na po ako!"

"T-teka lang anak, sasabihin ko muna kay Daddy mo tapos tatawagan kita." Mommy.

"Sige po."

"Okay sige, bye love you!" Mommy.

                -call ended-





Ang drama ko -__- Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko, dahil mula dito sa kinauupuan ko ay natatanaw ko na si Mamita.

Hays! Tatakbo dapat ako kaso mukhang nakita na nya ako.

"Bakit ka nandito?!" Mamita.

Nagbuntong-hininga na muna ako, sana hindi nya mahalatang umiiyak ako.

"Uhm- favorite tambayan ko po kasi ito." Sabi ko.

"Okay. Tara na!" Mamita.

"Mamaya na po ako uuwi, gagala pa po ako." Sabi ko.

Humarap naman si Mamita sa akin at tila naiinis, agad naman akong sumunod sa kanya. Hmp! This old witch makes me annoyed everyday! Nakakainis.

Sumakay kami ng taxi. Aba, at nagshopping pala sya?

"Kamusta ang pag-aaral mo? Natuto ka na bang magluto? Baka naman inaasar mo na naman ang mga teacher mo, Trixie you need to obey Mamita okay? Para naman sa ikabubuti mo ang ginagawa ko." Mamita.

I rolled my eyes, I WISH! Wag kang mag-alala tanda, hindi mo na ako makikita. Tingnan lang natin kung may alilain ka pa.

Malapit na kami sa bahay kaya naman pinahawak nya sa akin ang apat na shopping bags nya.




























[Trisha's POV]

"Ano?! Bakit naman yun ginawa ni Mommy sa anak ko?! Okay, tawagan mo si Trixie and tell her na magpapadala tayo ng pera pambili nya ng plane ticket. Call her now!" Galit na sabi ni Blake.

Agad-agad tinawagan ko ang anak namin. Sino ba naman kasing magulang ang papayag na ganun ang gawin sa anak nila?

Atsaka apo nya yun .. Kaya naman pala takot na takot tumawag yung bata sa amin. Shit! At sinabi ko pa man din na ayoko pang ipasok sa pagmo-model ang mga anak ko.

Pero lintek! Hmp. Nakakabadtrip talaga.

"Ayaw nya sagutin." Sabi ko.

"Baka kasama na nya si Mommy. Sige mamaya na lang." Blake.

Tumango naman ako.

"Naku Best, dapat mapauwi na si Trixie." Ebony.

"Oo nga e." Ako.

Gagawin namin ang lahat para lang mabawi ang anak namin. At hinding hindi ko na talaga igagalang ang matandang yun! Ang laki ng pinagbago nya.

Porket ba yumaman na sya? Hindi naman sya aabot sa ganun kundi dahil kay Blake e 😣

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon