Chapter 39

1.9K 34 1
                                    

[Trisha's POV]

Friday na, last day ko na din. Medyo late ako ngayon kasi nga masama ang pakiramdam ko. Buti na lang nandyan ang nurse slash gwapong hari ng buhay ko.

Magdamag syang gising para bantayan kami ng baby namin, si Baby din ata hindi nakatulog ng maayos. Ang laki tuloy ng eyebags ng asawa ko, pero bagay sa kanya nakakatawa sya.

Nandito na ako sa school, agad namang umalis si Blake dahil babawi sya ng tulog. Pagpasok ko ng room ..






"Have a safe delivery Ma'am Doll!"






Yan ang naka-paskil sa board, may mga gifts din sa lamesa. Wow ang sweet naman ng mga students ko :)

May pacake pa si Mayora, petmalu talaga.

"Ang aga ng baby shower ha? Thank you so much, I really appreciate your efforts. I love it promise." Sabi ko.

Binuksan ko na ang unang gift, wow feeding bottle. Mayroon ding lampin, baby towels, baby bath soap and shampoo, baby cologne, baby socks and dresses and many more.

Sobrang saya namin ni Baby :) Madami na syang magagamit, hindi na namin kailangang bumili ni Blake. Nandito din si Ma'am Fely at mga co-teachers ko. Ganun ba kami ka-VIP ng anak ko?

But thankful ako kasi kahit paano they celebrate my ano .. Basta ano :) Hahaha. Tama na, nose bleed na ako. Kakausapin ko pa mga estudyante ko english speaking pa naman sila.

"Ma'am, salamat po kasi you teach me how to be a good son and student again." Sabi ni Oscar.

Aww :( Nagpapa-miss naman sila lalo e. Naiiyak na tuloy ako!

"Wala 'yun, isa yun sa mga misyon ko kung bakit ako dito nakapagturo." Ako.

Ngumiti naman sya, binigyan nya din ako ng bracelet at may pangalang "Doll". Naaalala ko tuloy si Blake, kinikilig na naman ako.

"Sana makabalik po kayo bago kami grumaduate." Rob.

"Hahaha, sana nga e. Depende din kung babalik agad kami sa States or hindi pa." Sabi ko.

"Ay!" Sabay sabay nilang sabi.

Natatawa naman ako sa reaksyon nila, talagang ayaw nila akong paalisin. Niyakap ko sila isa-isa, ooopppsss! Nababangga si Baby. Naupo na kami para kumain.

Nagpadeliver pa sila ng pizza, di na tuloy kami nag-lesson. Ano ba yan? :( pero okay na din para hindi ako masyadong mapagod.

"SALAMAT po ha?" Sabi ko.

"Wala yun Ma'am, ang laki laki kaya ng achievement na dinala mo dito sa school." Ma'am Fely.

Aaahhh! Ayoko na umalis, pero kailangan e. Bad trip pa naman ang asawa ko ngayon kasi .. Argh! Oo nga pala, inalala ko pa kasi e. Erase, erase, erase.

Well, I need to enjoy this! This is my day, kaya natin 'to mga beshies party lang tayo. Go, go, go! 😂😹😻

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon