Patuloy pa din si Mamita sa pagpapapasok sa akin sa music and dance school. Ngayon nandito ako sa coffee shop na paborito kong tambayan.
I try to call Mom and Dad pero di nila sinasagot, baka busy or tulog. Habang nagchecheck ng social account, nakita ko ang post ni Syred na kasama si Kristel at may status na:
"With my favorite person."
Hmm, bagay sila. Ni-like ko naman yun, mabait kasi akong kaibigan. Scroll na naman, scroll.
-calling: Syred-
"Problema?"
"Wala naman, bakit parang galit ka? Atsaka ilang araw ka nang hindi nagcha-chat." Syred.
"Busy kasi ako."
"Lagi naman e. Pwede ba kitang makausap bago ako matulog? Please." Syred.
Nagbuntong-hininga ako, bakit hindi nya kausapin si Kristel? Tutal inlove naman sya doon, alam kong sya ang tinutukoy ni Syred.
"Depende."
"Ano ka ba naman Trixie? Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin." Syred.
"I need my Mom and Dad. Bye!"
-call ended-
Lumabas na ako ng coffee shop at pupuntahan ko ang best friend ko, si WISHING FOUNTAIN ⛲
Naupo ako at naghulog ng isang coin, pumikit naman ako.
"I'm back my friend, this is my 50th coin. Sana naman ma-grant mo na ang wish ko, sana makauwi na ako. Please! Ilang coins pa ba ang ihahagis ko ha? Sana matupad na 'to, gusto ko nang makasama ang mommy and daddy ko."
Pagtapos ay naupo ako, hays! Sabi nila wag daw ako maniniwala sa mga wishing well or wishing fountain. Pero wala namang masama at mawawala kung susubukan mo di ba?
Malay mo naman magkatotoo, ako kasi 50 times na akong nagwiwish dyan pero never pang natupad. Naisip ko baka sa dami ng nagwiwish, hindi pa nila nagagawan ng schedule ang hiling ko kung kailan matutupad.
Pero hangga't hindi yun nangyayari, hindi ako titigil na magwish nang magwish. Nag-vibrate naman ang phone ko, I saw mom's message.
Mommy: Anak, busy ka?
Me: Wala po ako sa bahay Mommy.
Mommy: Oh, nasaan ka?
Me: Nasa wishing fountain po.
Mommy: Aww 😞 Umuwi ka na maya-maya ha, baka kung mapaano ka.
Me: Yes Mom.
Mommy: Sige, matutulog na kami.
Hmp. Ang hirap naman kasi ng oras namin e, hindi sabay.
Naglakad na ako papunta sa isang street kung saan nakalatag ang mga magagaling na pintor.
Wow, ang gaganda naman ng mga master piece nila. Sana magaya ako sa kanila, hihi.
"I like it!" Sabi ko.
Tumango naman yung isang painter sa akin, ngumiti naman ako. Dumeretso na ako ng paglalakad at uuwi na din ako.
Baka bumuga na naman ng apoy ang demonyo sa bahay. Mahirap na, alam mo pa naman yun!
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomantizmBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss