Chapter 35: Ayoko na (Shawn's POV)

2.2K 33 0
                                    

Nandito kami ng asawa ko sa isang restaurant, iniwan na muna na namin si Syred doon sa magaling kong kapatid.

Ngayon din kasi ang uwi nila Daddy, hays! Magkakaroon na sya ng kakampi. Gusto ko na talaga makipag-bati sa kanya noon pa, kaso iwas sya nang iwas e.

E di bahala na sya sa buhay nya. Ako na nga humihingi ng pasensya ayaw pa, damn! She is such a PABEBE.

"Babe, itigil nyo na ang pag-aaway. Hindi na tayo naubusan ng problema." Sabi ni Ebony.

Hinawakan ko ang kanang kamay nya, kaawa-awa ang mukha nya oh? Pasalamat si Trisha at di ko matiis ang asawa ko, kundi matagal na kaming nagpalitan ng kandila. Masyadong malalim di ba? :)

"Basta para sayo, aayusin ko na ang lahat." Ako.

"Salamat Babe." Ebony.

I kissed her forehead. Dumating na ang order namin kaya kumain na muna kami.






             -calling: Blake-

"Nandito na ang mommy at daddy mo." Blake.

"Ah ganun ba, sige. Magkita kita na lang tayo sa bahay."

              -call ended-






Pati ba naman si Blake galit? Aish. Nagsabay-sabay naman, pero mas natatakot ako ngayon kay Mommy and Daddy, I'm sure sesermonan nila ako.

Nagmadali na kami ni Ebony para makauwi na agad kami. Mabilis akong nag-drive, bumili din ako ng cake para kahit papaano may ipapakain ako sa Mommy kong madaldal.






----*






Pagdating sa bahay ay nandoon na nga sila, katabi ni Daddy ang paborito nyang anak.

"Shawn, ang laki-laki na pala ng apo ko." Daddy.

Ngumiti lang ako at dinala ang cake sa kusina, malaki na daw pero ang hawak tyan ni Trisha.

Aish! Shawn, wag ka ngang ano. Kailangan nyong magbati ni Trisha para maging okay na ang lahat, ayoko na nang mga ganitong problema. Nakakabaliw!

"Hijo, sino ba ang nagtututor sa apo ko?" Tanong ni Mommy.

"S-si Trisha po." Mahina kong sabi.

Dumaldal na naman sya, pero kahit papaano nginingitian na ako ni Trisha. Aba, aba, ang bait naman ng kapatid ko ah.

Lumapit ako sa kanila si Daddy, niyakap ko ng sobrang higpit si Trisha.

"Sorry." Bulong ko sa kanya.

Muli na naman syang ngumiti, so it means okay na kami :) Haaaaaaaaaaaay! Sana nga hanggang dito na lang ang mga problema namin, sana wala nang kasunod.

Kasi sobrang hirap e, nakakapagod mag-isip ng solusyon. Mababaliw ka sa kaiisip. Buti na lang madali akong napatawad ni Trisha.

"Excited ka na?" Tanong ko.

"Oo naman, lalo pa't babae ang magiging anak ko." Sagot ni Trisha.

Nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan namin hanggang sa inabot na kami ng gabi.

SANA LAHAT 😂

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon