Chapter 31: Japan, wait for me!

1.9K 34 0
                                    

Waaahhh! Good bye Philippines for now. Babalik din naman kami e, hihi. Nandito na kaming lahat sa Airport, kanya-kanya silang bitbit ng mga DSLR camera nila. Syempre meron din ako, hindi magpapahuli si teacher.

Nakita ko si Oscar na nakayuko at parang may problema, lumapit ako sa kanya.

"Oscar." Saad ko.

Iniangat nya ang kanyang ulo at tumingin sa akin, binigyan naman nya ako ng pekeng ngiti.

"Bakit po?" Tanong nya.

"May problema ba?" Ako.

"W-wala po." Oscar.

Kitang kita sa mga mata nya ang lungkot, ano na naman kaya ang nangyari sa bahay nila? Hindi ko na mapigilang magtanong, dahil hindi pwedeng may bumabagabag sa kanya kapag nandoon na kami.

"Tell me." Pilit ko.

"Si Mommy at Daddy po kasi e, hindi nila ako naiintindihan. I already show them the proof na isang big and international contest ang pupuntahan natin sa Japan. Pero, they did'nt support me." Sabi ni Oscar.

Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Hays! Bakit ngayon pa? Bakit hindi nila kasi inintindi yung anak nila kahit ngayon lang? Argh, lalo tuloy akong kinakabahan.

Oras na para umalis kami, dinala naman ng asawa ko ang maleta namin. Nakaakbay naman ako kay Oscar, kailangan ko syang icomfort.






----*






Nandito na kaming lahat sa airplane. Magkakatabi lang naman kami kaya wala na akong problema.

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon