[Carby's POV]
Aahh! Wala na talaga ang lahat sa akin. And now, buntis pa ako. Hayop ka talaga Shawn! I can't take this anymore, mas mabuti kung mamamatay na lang ako.
Wala naman kasi sa plano ko ang mabuntis ng kung sino lang.
"Paano na yan?" Nag-aalalang tanong ni Tita Gina.
"Hindi ko alam Tita, pwede bang ipalaglag ko na lang?" Saad ko.
Nalukot bigla ang mukha nya, e papangit naman ako nito atsaka tataba. And ayokong lumaki ang batang 'to na walang tatay, and baka asarin pa sya sa school na "anak sa labas".
Anak na nga sa labas si Shawn pati ba naman ang ipinagbubuntis ko? Shocks! Baka ito na nga ang karma ko -____- pinilit ko namang magbago kahit mahirap e.
"Kakausapin ko si Shawn, hindi pwedeng walang mananagot sa bata." Tita Gina.
"A-ako na kakausap." Sabi ko.
Agad akong nagbihis para makipagkita kay Shawn, I need to fix this.
----*
Nandito kami ni Shawn sa isang restaurant, halata sa kanya ang pagka-dismaya. E bakit? Hindi ko din naman ginusto 'to.
"Shawn, anong gagawin natin dito?" Sabi ko.
Nagbuntong hininga na muna sya.
"Doon ka muna tumuloy sa resthouse namin sa Tagaytay. Pupuntahan na lang kita doon every sunday." Shawn.
Whaaaaaaat?! Mag-isa lang ako doon? No way, mas mabuti nga na ipalaglag ko na lang 'to.
"Ayoko! Ipapalaglag ko na lang 'to, bahala ka sa buhay mo." Ako.
Tumayo na ako para umalis pero hinabol ako ni Shawn at pinasakay sa kanyang kotse. Ano na naman ba?! Nagmaneho sya ng napaka-bilis.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, nawawala na ata sya sa sarili.
"Kumapit ka." Shawn.
Napansin kong panay ang tapak nya sa break pero hindi kami tumitigil. Ito na ba ang katapusan namin? Okay, magiging handa na ako. Patay na kung patay, bahala na!
[Trisha's POV]
Naka-tambay lang kami ng asawa ko dito sa pool habang kumakain ng APPLES!
"My queen, malapit na ang baby shower. Excited ka na?" Blake.
"Oo naman, nasabi mo na ba kay Alex?" Ako.
Speaking of the playboy ..
Maya maya ay dumating si Alex and he bought some apples. Aba, alam na nya ang paborito ko ha?
Naupo sya sa tabi namin at kung anu-ano na naman ang sinasabi. Tungkol sa babae na naman ang problema nya, haha. Tatanda syang binata kapag hindi sya nagtino.
"Ano kaya Bro kung akuin ko na lang ang pagbubuntis ni Carby? Instant wife, instant baby." Alex.
Natawa naman kami sa sinabi nya.
"Hindi yun papayag." Sabi ko.
"Payag yun." Alex.
-calling: Ebony-
Narinig ko ang hagulgol ng best friend ko. Agad naman akong kinabahan.
"Best bakit?"
"Trisha .. *iyak* S-si Shawn, si Shawn naaksidente! *iyak* kasama nya si Carby .. Best please puntahan natin sya." Ebony.
"Ano?! O-okay, sige sige pupunta na kami okay? Kumalma ka lang, papunta na kami."
-call ended-
Agad kaming umalis kasama si Alex. Juice colored! Bakit ba nadagdagan na naman kami ng problema? At nadamay pa ang buntis na si Carby?
Habang nasa byahe ay nanginginig ako, kinakabahan, iniisip kung ano ang lagay nila.
Nandito na kami sa ospital at sakto nandito na din sila Ebony, kasalukuyang nasa operation room pa ang dalawa.
"Best!" Umiiyak na sabi ni Ebony.
"Ssshhh, kumalma ka nga Ebony. Magiging okay na din sila." Ako.
After an hour ay lumabas na ang doktor, bakas sa kanyang mukha na hindi maganda ang lagay ng pasyente. Kinakabahan ako sa resulta.
"Si Shawn po ay kritikal pa ang lagay, matindi ang tama nya sa ulo. Si Carby naman, nakunan. Bali ang kanyang paa't kamay, hintayin nyo na lang po sila sa kani-kanilang kwarto." Doc.
Napahagulgol si Ebony sa kanyang narinig, kawawa din naman si Carby dahil namatay ang batang dinadala nya.
Naupo na muna kami, bakit? Bakit kami pa? Madami namang masasamang tao dyan ah, bakit hindi sila? Wala naman kaming kasalanan para bigyan ng ganitong problema.
Nandito kami sa kwarto ni Carby, two months pa syang di makakalakad. Kailangan pa nya ng therapy, bali din ang kanang kamay nya.
Hinintay na muna namin ang Tita ni Carby sabay nagpunta kami sa kwarto ni Shawn.
"Pa, kailan sya gigising?" Ako.
"Hindi pa natin alam anak. Pwede ka na umuwi, baka makasama sa baby mo." Papa.
Niyakap ko sya, ang bait talaga ng papa ko :) Bago kami umuwi ng asawa ko ay nagdasal na muna ako sa chapel.
Kahit may galit ako kay Shawn, kapatid ko pa din sya at hindi na magbabago yun.
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss