Maaga akong ginising ni Mommy dahil may orientation ako sa school. And sobrang malas ko today dahil si Syred ang pinasama nya sa akin. Busy daw kasi silang lahat ngayon! At sobra-sobra na talaga ang kamalasan ko as in overload na dahil isinama pa nya si Kristel.
Naupo ako sa backseat ng kotse nya habang nasa harap silang dalawa. Tahimik lang akong nakikipag-chat sa mga kaibigan ko. Habang sila ay tawa nang tawa.
"Toots, paamoy nga ng kili-kili mo." Kristel.
TOOTS? Ano yun, aso lang? Haha eiw talaga as in kadiri sila.
"Ikaw ha, yung sayo nga e. Uhm- Trixie?" Syred.
Tiningnan ko lang sya sabay cellphone ulit. Muli nyang tinawag ang pangalan ko at this time nagbingi-bingihan na lang ako.
Bahala kayong dalawa dyan! Nakakadiri kayo sobra yuck eiw.
Nandito na kami sa school at nauuna akong maglakad sa kanila. Harutan kasi sila nang harutan, ang lalandi!
At last nakarating na ako sa AV ROOM, iniwan ko na sila sa labas.
Naupo ako sa bandang unahan, laking gulat ko naman dahil maya-maya ay nakasunod na agad sila."Toots ano ba?" Syred.
Kinikiliti sya ng malanding Kristel, aaahhh! Ayoko na talaga. Nag-start na ang orientation and busy na ako sa pakikinig.
"Trixie." Syred.
Tiningnan ko lang sabay irap.
"Please shut up." Sabi ko.
Tumahimik na sila, konting hiya naman oh? Gaaaaawd!
[Trisha's POV]
Busy kami ngayon dahil bibili kami ng damit na gagamitin sa party ni Carby. We need to attend dahil alam naman natin ang ugali nya, isasama ko na din si Blunt.
Nandito na kami sa isang dress shop, sa ngayon namimili na si Ebony ng isusuot nya.
"Mommy saan po ba tayo pupunta? Why do we need to buy that kind of clothes?" Blunt.
Nagkatinginan kami ni Blake .. Agad nyang iniharap si Blunt sa kanya.
"May party kasi tayong pupuntahan." Blake.
Napangiti naman sya, baka akala nya children's party. Hahaha! Sunod na akong namili ng damit, simple lang naman ang isusuot ko. Pinilian ko na din ng damit si Blunt.
Sumunod na sina Shawn at Blake. Maya-maya pa ay dumating na sina Francesca at Alex kasama ang kanilang anak na si Xian.
"Hi Baby!" Sabi ko.
Medyo malaki na din ang anak nila.
"Hi Blunt, how are you?" Saad ni Francesca.
Ngumiti naman ang anak ko and I know na nag-eenjoy sya kay Xian. Baka humingi pa sya ng kapatid .. Haha wag naman sana.
After bumili ng mga damit ay nag-decide kaming kumain lahat sa restaurant ni Syred, and naalala kong wala nga pala sya.
Nandito naman ang kanyang assistant kaya naasikaso naman kami ng maayos at mabilis.
"Nasaan na nga pala sila Trixie at Syred? Don't tell me na nagkasundo na kayo?" Biro ni Alex.
Nagtawanan naman sila. Anong nakakatawa doon? That's not a good joke.
"Hoy Alex! Bata pa si Trixie, and ayoko pang mag-boyfriend sya kaagad." Ako.
"Ito naman, joke lang yun. E nasaan ba kasi sila?" Alex.
"Sinamahan nya si Trixie na mag-orientation." Shawn.
Tumango naman si Alex then kumain. Ang baby boy ko naman nag-eenjoy din sa pagkain, habang ang asawa ko ay todo hawak sa kamay ko.
I know how much he miss me :) Kilig na naman ako sobra!
"E si Kristel?" Francesca.
"Hay naku. Wag na nating pag-usapan ang mga bata." Ebony.
Tama! Nananahimik na sila e, ito naman kasing si Alex masyadong ano e.
Habang tumatagal ay lalo din namang lumalayo ang topic namin, hanggang sa umabot na nga kay Giselle ang usapan.
"Kamusta na yun?" Alex.
Sandali naman akong nanahimik, naalala ko nga pala sya .. Hays! Bakit kailangan pa syang isingit sa usapan?! Bakit?!
Tumingin sa akin si Blake and I feel na nag-aalala sya sa akin.
"Okay ka lang?" Blake.
"Umuwi na tayo." Sabi ko.
Binuhat ko na si Blunt palabas ng restaurant sabay sumakay sa kotse. Agad namang nakasunod ang asawa ko na tila naiinis sa inasal ko.
----*
"Anong problema?!" Bungad nya.
Inakyat ko muna sa kwarto si Blunt.
Pagbaba ko ay agad ko syang nilapitan.
"Hindi mo ba sya naaalala? Yung babaeng nakasama mo noong nawalan ka ng ala-ala?" Naiiyak kong sabi.
Nagsalubong ang kanyang kilay. Heto na! Magagalit na sya, naiinis na sya, e di saktan nya kung gusto nya.
"Naaalala ko sya, pero yung nakasama ko sya .. Hindi." Blake.
"Malamang Blake! Kasi nga may amnesia ka noon at inabuso nya yun, nainlove ka sa kanya and sya rin. Blake alam mo bang halos mabaliw na ako when I saw you kissing her?!" Sabi ko.
Lalo syang nainis sa sinabi ko. Maya-maya ay may kumakatok sa pintuan, agad nyang binuksan ito ..
😱😱😱😱😱😱😱
Meron ba syang inaasahang bisita?
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss