It's our last day here in resort.
Inaayos na ni Trisha yung mga gamit namin, nakadungaw lang ako sa bintana habang umiinom ng tea.
"Papasok ka ba kaagad bukas?" Tanong ko.
"Kailangan e, atsaka ilang lessons pa lang ang naituturo ko sa mga bata." Sabi ni Trisha.
Ang sipag talaga ng asawa ko, kaso baliw at moody lang minsan. Hays! Nakaka-miss sa States, yung photoshoots, shooting lalo na yung concert na sobrang saya.
Pero pahinga muna ako 'cause I need to fulfill my duties. Ito pa namang asawa ko masyadong tampuhin, nagiging selosa na din minsan.
Lumapit ako sa kanya para tulungan sya sa ginagawa nya. Napapansin kong panay ang hawak nya sa tyan at ulo nya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Nahihilo lang ako, dala na rin 'to ng puyat." Sagot nya.
Bigla syang tumakbo papasok sa CR. Naririnig ko ang pagduwal nya, huh? Baka naman panis na yung kinain naming scallop?!
Yuck. Kaya pala masakit din ang tyan ko, agad ko naman syang pinuntahan.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
Hindi sya sumasagot dahil panay ang duwal nya, mabilis ko namang pinuntahan yung mag-asawa at si Alex.
----*
"Naku Blake!" Bungad ni Ebony.
Natutuwa si Ebony, ha? Baliw ba sya? Nakakain ng panis yung asawa ko tapos pinagtatawanan pa nya.
"Panis na kasi ata yung scallop na kinain namin e." Sabi ko.
Pinatayo ni Ebony si Trisha, pinaupo nya ito sa kama at binigyan ng warm water.
Sobrang nag-aalala naman ako.
"Pag-uwi natin dumeretso ka kaagad sa ospital." Ebony.
Tumango naman si Trisha, baka naman nafood poison na sya? Naku naman, nakakamatay pa naman yun. Ayoko pang mabyudo Trisha please lang.
"Okay, I will bring her agad-agad." Sabi ko.
Tinapos ko na ang pagliligpit at bumaba na kami para sa last lunch namin. Hindi ko na pakakainin kung ano si Trisha baka masuka na naman sya.
Inalalayan ko sya habang papunta kami sa kainan. Pansin ko din na medyo nanghihina sya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko.
"Oo, okay lang ako. You don't need to worry." Sagot nya.
Kiniss ko ang noo nya, muli na naman akong nabadtrip dahil iba na naman ang tingin ni Carby sa akin.
Agad naman syang nilapitan ni Alex at binola, natawa tuloy ako. Lakas kasi mang-asar ng lalaking yan e.
Naupo na kami ng asawa ko, panay talaga ang hawak nya sa ulo nya. Pati ako hindi na mapakali sa kalagayan nya, so I decided na mauuna na lang kami umuwi para maipatingin ko na si Trisha.
----*
Nasa byahe na kami ngayon.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nya.
"Sa ospital." Matipid kong sagot.
Talagang hinang-hina sya at tamad na tamad, ni hindi na nga sya nagsuklay e. Nag-ipit na lang sya ng deretso, tapos ang putla pa nya.
----*
Nandito na kami sa ospital. Akay akay ko sya, para syang lantang gulay. Pumasok na kami sa loob para icheck sya.
"Wow, look at that." Doctora.
May nakikita akong bilog sa tyan, nakikita kasi sa screen e. Ano yun? Baka lumunok sya ng buong scallop. Haha.
"Buntis po ba ako?" Tanong ni Trisha.
"As you can see, that is a one week fetus. Bumalik ka dito next month kapag hindi ka nagka-period ngayon para sure tayo okay?" Doctora.
Medyo napapangiti ako, may possible na buntis sya. Waaah! Pero hindi pa daw sigurado, ano yun?! Pano naman nyang nasabing fetus kung hindi nya sigurado.
Tsk. Tumayo na si Trisha, inakay ko sya ulit palabas.
"Baliw yung ob-gyne mo." Ako.
"Haha, oo nga e." Sabi ko.
Sumakay na kami sa kotse para makauwi na kami. Kailangan na nyang magpahinga.
----*
Nandito na kami sa condo unit at agad syang nahiga, inayos ko naman yung mga dala namin.
"Makapasok ka kaya?" Tanong ko.
"Oo, kaya ko." Mahina nyang sabi.
Nangiti talaga ako, wala e mapilit sya e. Wala naman akong magagawa kasi magagalit lang yan kapag pinigilan ko pa sya, mataas pa naman ang pride nya.
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss