[Trisha's POV]
Hays, salamat. College na si Trixie at dalawang taon na lang uuwi na sya dito :) Si Blunt naman kinder na.
Ang asawa ko't mga kaibigan nya ay nananatili pa ding malakas ang kita sa shop.
Sa ngayon hinihintay ko si Blunt sa labas ng school nya, tapos pupunta kami sa Mall dahil bibili kami ng gagamitin nya sa dance contest na sinalihan nya.
"Mooooommy!" Sabi ni Blunt.
Sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap at madaming halik sa mukha.
"Tara na sa Mall?" Sabi ko.
Nagmadali syang sumakay sa kotse and he looks so excited. Itinaas nya ang kamay nya at nakita ko ang star sa kanyang kamay.
"Wow, ang galing naman ng baby ko!" Ako.
"Kasi Mommy nagtanong si teacher e, about sa mga animals." Pagyayabang nya.
"That's nice, are you excited to show that star to your Ate?" Ako.
Nakangiti naman syang tumango. Traffic pa kaya for sure anong oras na kami makakauwi nito.
"Mommy bakit ang tagal umuwi ni ate?" Tanong ni Blunt.
Napatingin ako sa kanya, ngumiti ako at hinawakan ko ang kanyang mukha. Ang bata bata pa chismoso na :) Kanino kaya nagmana 'to?!
Hindi ko na sinagot ang tanong nya, kasi syempre may follow up question pa yun. Daig pa nya si Boy Abunda e, akala mo naman naiintindihan na nya yung mga nangyayari sa paligid nya.
Nandito na kami sa Mall, bibili ako ng black leather jacket dahil yun ang gusto ni Blunt.
"Mom, I want that black scarf so that I can put it on my forehead." Sabi nya.
Wow naman :) May sense of fashion naman pala 'tong anak ko e. Wala na pala akong problema kapag bibili kami ng mga damit nya.
Binili ko kung ano ang gusto nya, sya naman ang sasayaw e hindi naman ako.
"Do you want ice cream?" Ako.
Umiling naman sya. Okay madali akong kausap ..
Pagsakay sa kotse ay nagmadali na akong magmaneho dahil paniguradong nasa bahay na si Blake.
"Baby, promise me na gagalingan mo bukas ha." Sabi ko.
"Yeah, because it's my dream. To be a dancer!" Blunt.
Aww :( Nakaka-touch naman, may nalalaman na syang ganun. Kiniss ko ang kanyang noo.
"Aside from being a dancer, what is your other dream?" Ako.
Tumingin sya sa akin at tila nag-iisip.
"I want to be a singer." Blunt.
Or for short .. MAGING ARTISTA! Naku, mukhang hindi ito makakatapos ng pag-aaral nya.
Ngayon pa lang nararamdaman ko na ang kahihinatnan ng mga pagsali nya sa iba't ibang contest.
"But before that, magtatapos ka muna ng pag-aaral." Sabi ko.
"E bakit?" Blunt.
"Kailangan yun." Ako.
Nag-pout si Blunt, aba aba! May nalalaman na syang ganyan ah. Ang bata bata pa sawa na mag-aral. May pinagmanahan nga talaga.
----*
Nandito na kami sa bahay at naabutan kong nagluluto ang mahal kong asawa.
"Daddy!" Blunt.
Agad syang humalik kay Blake, ako na ang nagpatuloy ng niluluto nya dahil magyayabang na naman si Blunt sa kanya.
Habang nagluluto ay tinawagan ko na si Trixie, baka sakaling di sya busy.
(Ringing ..)
(Video call activated ..)
"Hi Mom, anong ginagawa mo?" Trixie.
"Hi anak, nagluluto ako ng pagkain namin."
"Ah okay. Nasa school po ako ngayon, it's 10:19 in the morning here!" Trixie.
"Ah ganun ba, osige sige bye na muna."
"Love you Mom." Trixie.
-video call ended-
Busy pala sya -___- Hays! Pagtapos magluto ay nagpunta na ako sa sala para tingnan ang mag-ama, yun at nagyayabang pa din ang bunso namin.
"Ang galing pala ng baby natin sumayaw e." Blake.
"Mommy, akala ko ba tatawag si Ate?" Blunt.
"Nasa school pa ang ate mo, kaya mamaya na lang." Ako.
Nagtaka naman si Blunt, haha. I like his face!
"Why? E hapon na e." Blunt.
"Late kasi sila ng seven hours, kaya kapag gabi sa atin, umaga naman doon kila Ate." Sabi ko.
Tumango tango naman sya. Okay, oras na para kumain :) Maaga kaming kakain ngayon dahil mamaya may movie date kami!
Habang kumakain ay di talaga maiwasan ni Blunt na dumaldal, kaya ang payat payat e. Hindi magfocus sa pagkain, puro pa junk foods <(ˍ ˍ*)>
"Baby, don't talk when your mouth is full. Lagi ko na lang yan pinapaalala sayo." Ako.
Tumahimik naman sya at itinuloy ang pagkain, natatawa naman si Blake.
"My queen, pupunta bukas sina Francesca at ang anak nya dito. Wala kasi silang kasama sa bahay nila." Blake.
Oo nga pala, ang gwapong anak nila Alex at Francesca na si Xian, ang cute ng batang yun.
"E pano si Blunt? Bukas na ang dance contest." Sabi ko.
"Isama mo na lang sila." Blake.
Hindi na ako nagsalita pa, okay fine! Ano pa bang magagawa ko? Alangan naman iwan ko sila dito. E di mas lalong nabored ang mga yun!
Pagtapos kumain ay kanya kanya na kaming upo sa sofa, it's movie time! Samahan na din natin ng favorite naming ICE CREAM 🍨
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomansaBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss