Chapter 28

2.1K 37 1
                                    

Papalapit na nang papalapit ang araw ng competition. Lalo tuloy akong kinakabahan, yung mga students ko naman chill lang. Nandito sila sa condo namin ng asawa ko para sa aming lunch.

Nagluto si Blake ng lasagna, spaghetti and paella. Paborito yun ng sampu kong estudyante.

"Wow, salamat po!" Sabay sabay nilang sabi.

Agad naman silang nagsi-sandok, sunod na inilabas ni Blake ang chicken wings na maanghang. Wow, sarap! Gumawa din sya ng chocolate shake, ang special naman ng araw na 'to.

"Ang galing at ang sarap nyo po magluto." Kinikilig na saad ni Ashley.

Naupo naman si Blake sa tabi ko para kumain. Nakakatuwa sila, para lang kaming magbabarkada.

"Galingan nyo ha, manonood ako." Sabi ni Blake.

"Syempre naman po, hindi namin ipapahiya si Ma'am Doll na sobra ang effort for us. Promise, gagalingan po namin talaga." Rob.

Aww, ang sweet naman. Halos maubos na nila yung niluto ng asawa ko, yung iba naman nagtake out pa. Hahaha, ang yayaman pero ang tatakaw.

Pagtapos kumain ay nanood naman kami ng movie, gumawa naman si Blake ng fruit salad. Sobra na ang effort ng asawa ko, sipag nya talaga.

"Wow, thanks po." Ashley.

Crush na crush nya kasi ang asawa ko e, haha. Kaya madalas syang biruin ni Blake para makita namin ang pamumula nya.






Inabot kami ng 2:30PM sa panonood, isa-isa na din silang nag uwian. Tinulungan ko namang magligpit ang asawa ko na pagod na ata.

"Ako nang bahala." Sabi ko.

"Ako na, magpahinga ka na. Kaya ko na 'to." Blake.

Hindi na ako nagsalita, naupo na lang ako sa kama at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng PREGNANCY BOOK. Sa sobrang sipag ng asawa ko nag serve pa sya ng jasmin tea para sa akin.

Ang bait naman, kiniss ko sya sa lips. Binilisan nya ang pagliligpit kaya nahiga na sya sa lap ko at nagcellphone.

"Ang saya ng queen ko kanina ah." Blake.

"Syempre naman. Salamat nga pala ha?" Sabi ko.

Tumayo sya at hinalikan ako, heto na naman sya. Sinubukan kong pumalag pero mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin.

Enebe?! Haha. Kyah wag po, kyah. 😀😂😁 Inihiga nya ako sa kama, nabitawan ko naman yung librong binabasa ko.

"B-blake." Sabi ko.

"Ssshhh." Tinakpan nya ang bibig ko.

My gaaaaaad! Blake ikaw ha, sobra na yan. Wala naman akong nagawa dahil naisip ko mag-asawa at kasal naman kami kaya walang problema at walang masama doon.

Naiipit si baby :( OMG. Wawa naman sya, ito kasing si Blake e.






Paggising ko .. 5:00 PM na pala. Tumayo ako para iinit ang lasagna sa oven, nagtimpla din ako ng hot chocolate para sa aming mag-asawa.

Bumalik ako sa kama. Ang himbing pa ng tulog ng asawa ko, ang gwapo gwapo nya sobra! Pinaghahalikan ko ang buong mukha nya, his lips is so kissable.

*ting!* hudyat na mainit na ang lasagna. Ginising ko na si Blake para kumain.

"Hi my queen." Bati nya sa akin.

"Come here na." Ako.

Naupo naman sya at kumain, ang gwapo nya kapag bagong gising sya. Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya.

"My queen, ang ganda mo." Sabi nya.

Naramdaman ko namang nag init ang mukha ko, it's turning red again. Dati tinatawag nya akong UGLY or PANGIT, ngayon panay na ang puri nya sa akin.

Kasi ang totoo maganda talaga ako, opo maganda ako sobra. Kailangan confident, pak lang nang pak mga Beshies.

"Akala ko ba pangit ako?" Saad ko.

"No, you are so pretty." Blake.

Sabay kindat sa akin, aahh! Naiihi na naman ako sa kilig, I can't even. Ito kasing si Blake e panay ang banat.

Yan ang hirap kapag ano e .. Kapag ano .. Wala, wala 😂

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon