Maaga akong gumising para ipagluto sila ng pagkain, specially ang asawa ko :) Habang nagluluto ay naisipan kong tingnan ang mga diplomang naka-dikit sa pader.
Giselle Ashram
Graduated as ValedictorianAshram?!
Kamag-anak ko sya?! O_____O
Napahawak ako sa dibdib ko, sino sya?! Hindi ko sya matandaan! Sarili ko palang kadugo ang karibal ko sa asawa ko.
Gising na ang asawa ko :) Agad ko syang sinalubong at pinaupo na para kumain.
"GoodMorning My King, kain na tayo." Sabi ko.
Ngumiti lang sya at nagsandok. Agad ko naman syang tinabihan, ang gwapo talaga nya .. Wala syang pinagbago.
Habang kumakain kami ay sakto namang dumating si Giselle at Shawn.
"Wow!" Giselle.
Tumayo naman si Blake at pinaupo nya si Giselle sa tabi nya. Ouch! Grabe na ha.
"Ashram pala ang apelyido mo, pareho tayo." Saad ko.
"Huh?!" Giselle.
Tiningnan ko lang sya.
"Trisha Ashram! Anak ni Conrad, e ikaw?" Ako.
"Tito Conrad?!" Giselle.
Tumango naman ako, matatandaan kita kapag may naikwento ka about our past.
"Hindi kita matandaan." Ako.
"A-ako 'to Trisha! Si Gigi." Sabi nya.
Nagulat naman ako bigla sa sinabi nya.
Flashback:
---> Super close na mag-pinsan kami ni Giselle, mas matanda ako ng five years sa kanya. Sya ang paboritong pamangkin ni Papa, dahil only child lang ako ay nag-decide si Papa na ampunin sya. Kung anong meron ako ay meron din sya, kung minsan nga nagseselos na ako kasi madalas lamang sya sa akin. Grade six na ako at naisip ni Mama na i-enroll ako sa mas magandang school dahil honor student ako at deserve ko yun. Naiwan si Giselle kay Papa, nasolo nya ang amang hindi naman sa kanya. Sa tuwing tatawag kami ni Mama sa kanya lagi silang nasa Mall, hanggang sa nagkagusto si Papa sa Mommy ni Shawn :( Ibinalik na din nya si Giselle sa Baryo dahil nga sumama na sya sa Mommy ni Shawn. Ganun na lang yung naging galit ko kay Giselle dahil sya ang dahilan kung bakit kami nagkawatak-watak ng pamilya ko.
End of Flashback:
Medyo naiiyak ako sa naalala ko. Hanggang ngayon mang-aagaw pa din sya! Nuknukan sya ng ... Argh! I really hate this person, kaya pala mainit ang dugo ko sa kanya.
"Trisha sorry." Giselle.
"Humilom na lahat ng sugat na idinulot mo sa amin, and now it's time to payback." Ako.
"Ano ka ba Trisha?!" Giselle.
Sinampal ko sya bigla. At ako pa ngayon ang lalabas na masama?! Ang kapal kapal kapal nya sobra.
Hinawakan ni Blake ang kamay ko at sobrang galit sya sa akin, dapat ako ang kinakampihan nya.
"Wag na wag mong sasaktan si Giselle, mas mabuti pang umuwi na lang kayo!" Blake.
"Blake hinihintay ka na ng mga anak natin!" Ako.
"Wala akong anak!!" Blake.
Tumakbo na ako palabas at sumakay sa kotse ni Shawn 💔 Ang sakit na talaga sobra, hindi ko na keri ang mga nangyayari.
Sumunod naman agad si Shawn, hinimas nya ang likod ko. Iyak ako nang iyak sa mga oras na 'to.
"Trisha uuwi na tayo." Shawn.
"Mas maganda pa nga." Ako.
Agad naman syang nagmaneho paalis. Ipapahinga ko na muna ang sarili at puso ko .. Tama na muna sa ngayon.
Kahit anong gawin ko si Giselle pa din ang gugustuhin nya :(
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss