[Trisha's POV]
Hindi ako makatulog, hindi ako sanay, hindi ako komportable. Namimiss ko si Blake, pero yung katawan ko gusto lang mag-stay dito -____- Nakaupo ako sa kama at nakatitig sa phone ko na kanina pa nagba-vibrate.
Iyak din ako nang iyak. Hindi ko na kailangan sigurong pagsisihan ang ginawa ko, tama lang yun para atleast marealize nila na may Trisha na nanghihingi ng pansin at atensyon nila.
"Trisha, mag-gatas ka muna. Gusto mo na ba umuwi, nakapag-isip ka na ba?" Joseph.
"Okay na ako, sasabihin ko na lang sayo kung handa na ako bumalik doon." Sabi ko.
Hinawakan nya ang braso ko. Buti si Joseph, naiintindihan nya ako. Binibigyan nya ako ng pansin, lahat ng atensyon nya nasa akin. Bakit silang malapit sa akin wala? Bakit napaka-selfish nilang lahat? 😔😞
HINDI NILA INIISIP NA MAY TRISHA NA BUNTIS NA KAILANGAN NG TULONG AT GABAY NILA!
"Trisha, kung pwede lang sanang ako na lang ang mag-alaga sa inyo ng baby mo e." Joseph.
Hinawakan ko ang kanyang kamay, drama na naman ba? Magang maga na yung mga mata ko oh.
"Mahal ko si Blake, pero sa ngayon nagpapalipas na muna ako ng galit." Sabi ko.
"Alam ko namang ako lang ang makakatulong sayo e, sige na matulog ka na." Joseph.
Bago sya tumalikod ay napansin kong may luhang pumatak sa kanya, hinawakan ko sya sa braso para humarap sya ulit.
Bakit? Nasaktan ko ba sya? Ano bang nagawa ko?
"Joseph naman, wag mo nang dagdagan ang problema ko! Alam mo namang hindi na pwede di ba?" Ako.
Niyakap nya ako ng sobrang higpit. Ganyan din yumakap si Blake, yung yakap na parang may sinasabi sya.
Lalo tuloy akong naiiyak. Aahh! Ayoko na talaga, nakakainis na.
"Goodnight." Sabi nya.
Nahiga na ako, kung ayos sana kaming lahat e di sana tuloy ang baby shower. Kaso wala e, kailangan ko na lang talagang tanggapin ang katotohanang may isang pangyayari sa buhay natin na hindi talaga natin deserve.
Okay fine, matutulog na lang ako. Sana paggising ko okay na ang lahat 🎭
----*
Maaga akong ginising ni Joseph, ewan ko kung bakit. May dala syang mga bagong damit para sa akin.
Naligo ako at nagbihis, malamang! Uy, pilosopo na ako :) Ibig sabihin ba okay na ako?
"Iuuwi mo na ako?" Tanong ko.
"It's the day of the shower. Tara na." Joseph.
Nagbuntong-hininga ako, handa na ako. Kailangan kong ayusin ang gulong sinimulan ko, pero bakit feeling ko iniaatras ako ng mga paa ko?
Hawak na ni Joseph ang kamay ko pero hinila ko sya bigla.
"Ayoko." Matipid kong sabi.
"No way!" Joseph.
Bumaba na kami at agad na umalis, habang nasa byahe ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.
Ano kaya kung tumalon ako?
Guluhin ko si Joseph sa pagmamaneho para bumangga kam.
Umarte ako kunwari masakit tyan ko.
Argh! Wala na akong magagawa, hindi ko na talaga mapipigilan si Joseph.
Dito nya ako mismo hinatid sa mansyon, nakaabang sa labas sina Blake, Alex, Mommy, Daddy, Papa.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko :( Tumakbo si Blake papalapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. Narinig ko din ang kanyang paghikbi.
"Wag kang mag-alala, walang nangyaring masama sa asawa mo." Joseph.
"Nandito ka pala? Pero salamat ha." Blake.
Tiningnan ako ni Blake, hindi ko pa sya napapatawad, hindi ko pa sila napapatawad. Sunod na lumapit si Papa.
"Anak." Sabi nya.
Iniwasan ko sya at nagmadali na akong pumasok sa loob, nakasunod naman sa akin si Blake.
"Ano bang problema?" Blake.
Tiningnan ko sya, ayoko nang umiyak. Pero hindi ko talaga mapigilan.
"Please, leave me alone. I don't want to talk to anyone including you!" Sabi ko.
Tumaas na ako sa kwarto at nahiga, hinimas ko ang tyan ko na kanina pa kumikirot. Pero dahil mataas ang pride ko, hindi ko na sinabi sa kanila.
Kinuha ko ang phone ko para itext si Joseph.
To Joseph:
"Salamat ha."From Joseph:
"Basta ikaw, pabalik na ako sa condo ngayon. Tawag ka lang kapag may problema ka."Aww :( Ang bait nya talaga. Kinuha ko yung pregnancy book na matagal ko nang binabasa. Matatapos ko na 'to ilang pages na lang.
(NP: One Call Away by: Charlie Puth)
"Baby, just hold on." Sabi ko.
Wala na kasi akong ibang makakausap e, hindi na muna ako lalabas sa kwarto na 'to :( BAHALA SILA!
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomantizmBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss