Chapter 57

1.9K 35 0
                                    

Patuloy pa din kami sa paghahanap ng makaka-date ni Alex. Sinisigurado kong papasa sa taste nya ang mapipili namin. Nandito kami ng pamilya ko sa sementeryo, miss ko na kasi si Mama e.

Tapos mamaya dederetso na ako sa driving school, kinakabahan na naman tuloy ako.

"My queen gusto mo sunduin ka namin mamaya?" Blake.

"Wag na. Pagpahingahin mo na lang si Trixie." Sabi ko.

Tumango sya. Hindi naman kami nagtagal at inihatid na nya ako sa driving school, nakaabang agad ang instructor ko sa labas.

Shocks! Ito na ba yun?






----*






Nanginginig ang mga paa't kamay ko habang nagda-drive. Minsan kasi kapag tumitigil kami nagbubusina agad yung mga kasunod ko. Masyadong excited!

Mabilis lang naman ako natuto pero kailangan kong tanggalin ang kaba at nerbyos sa katawan ko.

Parang gusto ko nang bumili ng kotse ah? :) Hihi. Tama na sa akin ang SUBARU XV, basta magkaroon lang ako ng sariling sasakyan. And sana pumayag si Blake!






----*






"Talaga?" Tanong ni Blake.

"Yeah, I really want it na. Okay na naman na ako, kaya ko na. Please my king! Can we buy na? Please." Sabi ko.

Pailing-iling si Blake pero nakangiti sya, papayag na yan. Naabutan ko syang nakahiga sa sofa habang si Trixie ay tulog sa crib, he's a perfect house husband.

"Okay sige, para sayo my queen. And you're the boss!" Blake.

Lumundag naman ako sa tuwa at excitement, at last! Hindi na ako aasa sa iba para ihatid at sunduin ako.

Gusto ko na magdrive agad! Pero bago yun magluluto muna ako ng merienda namin. Tama na ang chocolate pancake tapos mixed fruits para kay Trixie.

"My queen." Bulong ni Blake.

Langya! Sumunod pa talaga sya sa akin, hawak nya ang bewang ko. Humarap ako sa kanya and tiningnan ko sya ng masama.

Ano na naman bang gusto nya? Nang-iinis na naman sya, hindi nya ako naiintindihan!

"Blake ano ba?" Inis kong sabi.

Napasimangot sya sa sinabi ko, bumitaw sya sa pagkakahawak nya sa akin at padabog na umalis sa harapan ko.

Agad kong tinapos ang ginagawa ko para kausapin sya.

"Sorry." Sabi ko.

"Naiintindihan kita Trisha." Sabi nya.

Aww 💔 Tampo na sya sa akin sobra, gusto kong umiyak. Pero ayoko nang palakihin pa 'tong tampuhan namin. Baka kung saan pa mapunta.

Niyakap ko sya, naririnig ko ang pagkakasabi nya ng "TSK!". Oo na makulit na ako pero ayoko nang mag-away kami.

"Sorry na." Naiiyak kong sabi.

Nagpunta sya sa kwarto namin, ako na lang mag-isa ang kakain. Si Trixie tulog pa -___- Hays! Moody talaga sya sobra. Hindi na nagbago!

Nang dahil sa ano mag-aaway kami, hindi rin naman kasi sya makaintindi e. Ang hirap kaya mag-alaga ng bata! Nagpapasulsol kasi sya sa mga kaibigan nya e.

E di sila gumawa ng sarili nilang baby, para syang TANGA!






*waaah!*






Oooppssss, gising na ang baby ko. Agad ko syang kinarga para padedehin, ayaw nya talaga sa akin. Gusto nya sa feeding bottle or kaya sa trainung cup, masyadong advanced ang batang 'to e.

"Baby Trixie, nagtatampo si Daddy sa akin." Sabi ko.

Ngumisi naman sya, akala mo naman naiintindihan nya ako :)




















[Blake's POV]

Masakit para sa isang lalaki ang tanggihan. Argh! Masyado lang akong nagiging TANGA, bakit ko yun ginawa sa asawa ko? Bakit ako nagalit ng ganun sa kanya? Hays, siguradong galit na din sya sa akin.

Nagdecide ako na silipin sya, but I saw her feeding our baby.

"Baby Trixie, nagtatampo si Daddy sa akin." Sabi nya.

Parang dinudurog tuloy ang puso ko sa naririnig ko. She's out of her mind! Bababa dapat ako pero naisip ko .. Magtatampo pa ako ng ilang minuto :)

Gusto ko syang i-good time. Bibili pa naman kami ng kotse nya bukas, at may bright idea ako 💡






(7:00 PM)

Hindi rin ako nag-dinner. Hanggang ngayon nasa sala pa din sila ng baby namin. Kaya naman bumaba na ako para kunin sa kanya si Trixie.

"Tumaas ka na din, matutulog na tayo." Sabi ko.

Pagtalikod ko sa kanya ay hindi ko maiwasang mangiti. Kaya nagmadali na akong tumaas dahil tawang-tawa na ako.

Nahiga na ako .. Hays! Hindi pa din sya sumusunod.

"Trisha!!" Malakas kong sabi.

Agad naman syang sumulpot at nahiga sa tabi namin ni Trixie. Naririnig ko ang paghikbi nya, sorry my queen .. Pero kailangan kong magpanggap dahil may sorpresa ako para sayo bukas.






----*
(Kinabukasan 9:30 AM)

Hindi na ako nagpaalam sa kanya na aalis ako, kasama ko si Alex na magaling pumili ng kotse.

Nandito kami sa isang sikat na car shop, ang daming chicks ha. Kaya pala dito ako dinala ni Alex, pero hindi naman ako interested. Kuntento na ako sa asawa ko :)

"Miss, okay ba 'to?" Alex.

Hinawakan nya sa bewang yung babae, yuck! Hindi na nahiya. Hinila ko naman sya at lumipat ng pwesto.

"We're looking for a car, hindi babae!" Sabi ko.

"Sorry Bro. Hindi ko lang mapigilan e, ito ito maganda 'to oh. Bagay na bagay sa misis mo, kulay pink!" Alex.

Natatawa ako sa kanya, gwapo sya pero mukhang tanga. Haha ano yun? 😂😂 nahahawa na talaga ako sa asawa ko.

Binayaran ko ng cash ang kotse na sinabi ni Alex, bagay nga kay Trisha ito. She likes color pink naman e, si Alex ang nagdrive nun at pinark namin sa labas ng mansyon.

I need to surprise my wife.






"Surprise!" Sabi ko sabay tanggal ng scarf sa mata nya.

Niyakap nya ako ng napaka-higpit at naiiyak sa tuwa. Ibinigay ko sa kanya ang susi and she kissed me.

"Salamat! Akala ko galit ka sa akin e, ang ganda." Trisha.

"Syempre naman, reyna ko ang gagamit e." Sabi ko.

She drive her new car papasok sa garage namin na inayos ko kaninang 3AM. Yeah, seryoso ako. Ganun ko kamahal ang asawa ko.

Nandito na kami sa loob dahil nagluto ng dynamite ang asawa ko, wow! Ang dami nyang alam no? 😍 Haha.

"Salamat talaga." Trisha.

"I love you." Sabi ko.

"Wag naman kayong ganyan, nandito ako oh." Singit ni Alex.

Nagtawanan naman kami, ay oo nga pala :)

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon