[Trixie's POV]
You know me naman siguro, ang nag-iisang prinsesa nila Mommy and Daddy. Nakakainis lang kasi dumating pa sa buhay namin si Blunt, nawawalan tuloy sila ng atensyon sa akin.
Nanalo ako ng 5 gold medals last week sa figure skating sa Japan, pero wala manlang celebration na naganap. Tapos ang sumama pa sa akin noon sa Japan si Ninang Ebony at si Syred.
See?! Gumagawa na ako ng paraan para mapansin nila ako, pero wala!
"Hey Trixie!" Si Syred.
Nandyan na naman ang weird! He will make asar on me na naman, naiinis na talaga ako sa kanya.
"What's your problem ba ha? And paano ka nakapunta mag-isa dito?" Sabi ko.
He brought me my favorite chicken at french fries. Eiw! Diet ako ngayon. Pumasok na ako sa loob para maglaro.
"Trixie anak, nandyan si Syred ah? Hinatind sya dito ni Ninong Shawn mo dahil wala syang kasama sa kanila." Mommy.
"So what's my pake?" Ako.
Nakita kong galit na si Mommy, ayan na naman sya. Mas kakampihan pa nya ang ibang tao keysa sa sarili nyang anak.
"It's okay Tita Ninang, babantayan ko na lang po si Blunt then magbake na po kayo." Sabi ni Syred kay Mommy.
He is so pasikat! Argh. Nakakainis na! Nag-cellphone na lang ako.
"Trixie, tulungan mo ako." Utos ni Mommy.
"Mom I'm so tired!" Ako.
[Trisha's POV]
Kahit kailan talaga ang batang yan, nakakainis na. Manang-mana sa daddy nya, yan ata ang next generation ni Blake e.
Spoiled pa sa mga lolo't lola, aah! Akala nila ang daling disiplinahin ng batang yan, sobrang hirap grabe!
"Mommy!!" Malakas na sabi ni Trixie.
Agad naman akong lumabas para tingnan kung ano ba ang nangyayari, hawak nya sa buhok si Syred.
Inawat ko naman sila.
"Ano ba?!" Inis kong sabi.
"E kasi e." Trixie.
"Imbes na ikaw ang nag-aalaga sa kapatid mo inuuna mo yang cellphone mo!" Sabi sabay kuha ng phone.
Nakita kong papaiyak na sya, umakyat naman sya sa kwarto nya. Aish, nakakabwiset na talaga!
Bumalik na ako sa kusina para tapusin ang aking ginagawa, idedeliver ko na din 'to mamaya.
"Tita Ninang." Syred.
Dala dala nya si Blunt na may hawak na biscuit.
"Oh, bakit?" Tanong ko.
"Bakit po ganun si Trixie?" Syred.
Tumawa naman ako, oo nga bakit nga ba ganun?
"Hindi ko din alam. Pero kaya ko namang baguhin ang ugali ng batang yan!" Ako.
"Wag po kayong mag-alala, pipilitin kong maging friends kami para mabago ko din po sya." Syred.
Aww 😥 ang sweet naman nya, niyakap ko sya at hinalikan ang noo. Ang swerte ni Ebony sa anak nya.
Sana magaya sa kanya si Blunt, huhuhu :'(
Natapos ko na ang lahat ng orders, kasama na din ang mga birthday cakes.
Isinama ko naman si Syred and Blunt para ideliver ang mga ito.
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss