Malapit na ang prom. Kaya naman nireready ko na ang mga gagamitin sa pag-aayos kay Trixie. Sa ngayon kasama sya ni Syred dahil may practice sila.
Nandito naman kami sa bahay dahil bumisita si Ebony.
"Talagang ipapadala nyo sa France si Trixie?" Ebony.
"Oo e. Baka doon magbago na sya." Sabi ko.
"Baka naman lalong lumayo ang loob nya sa inyo." Ebony.
Bahala na, basta ang mahalaga mamulat sya sa katotohanang KAILANGAN NYANG MAGBAGO!
Ang dami-dami ko nang iniisip tapos sasabay pa sya -______- Hays, siguro nga mana mana lang yan.
"E baka naman sa prom ipahiya nya ang anak ko." Ebony.
Ay, grabe sya magsalita oh.
"Hindi naman." Sabi ko.
Ngumiti naman sya, bibihisan ko na muna si Blunt dahil aalis kami, gagala lang :) Hihi.
Hindi kasi sya kagaya noon ng ate nya na panay ang gala. Kaya tingnan mo ugali ni Trixie ngayon ang sama sobra!
----*
Nandito kami sa kid's playroom kung saan din namin dinadala si Trixie noon, nag-eenjoy naman si Blunt. Malaki ang pinagkaiba nila ng ate nya, si Blunt tahimik na bata at seryoso.
Minsan ko lang sya makitang tumawa at ngumiti, napaka-cold nya. Kaninong anak ba yan? 😂
Kaya walang chance na magaya sya sa ate nya, sana nga.
"Hindi ka na ba nagtuturo Best?" Tanong ni Ebony.
"Hindi na e. Magfofocus ako sa mga anak ko, baka naghahanap lang sila ng atensyon." Sabi ko.
Tumango naman si Ebony :) Maya maya ay nagsawa nang maglaro si Blunt, kakain naman kami sa isang fast food.
As usual, fries, chicken and spaghetti pa din. Walang sawa!
"Kailan ang alis nya?" Ebony.
"After nya grumaduate." Ako.
"Ah, maganda yun." Ebony.
Sana, sana, sana nga -__- Mag-dilang anghel ka sana Best. I hope na pag-uwi nya dito maayos na ang lahat.
[Trixie's POV]
Nandito kami sa school ni Syred, ganito pala kapag high school ka na no? Ang dami pang arte. Kasama namin ang friends nya na si Gary and Eric.
Hays, ang gugulo nila!
"Okay ka lang?" Syred.
"Yeah, and please sabihin mo dyan sa mga kaibigan mo wag silang magulo." Ako.
"Miss, anong year ka na?" Gary.
Iniinsulto ba nya ako? Mukha na ba akong matanda?
"Grade six pa lang ako." Sabi ko.
"Wow talaga? Sa porma mong yan, akala ko girl friend ka ni Syred." Gary.
Tumingin ako kay Syred, nakangiti naman sya. Hmp, kinikilig na naman sya. Ayaw pa kasing aminin na crush nya ako.
Okay lang naman sa akin e, but he's not my type :) Bahala syang maghabol.
"Please shut up. Nakakainis na kasi yang bunganga mo." Ako.
Tumigil naman sila sa pang-aasar. Hinawakan naman ni Syred ang kamay ko dahil magpa-practice na ng sayaw.
Ugh! I hate this. Ganito pala ang ginagawa sa isang prom.
"Aish! Pwede ba talagang magsama ng outsider?" Ako.
"Oo nga, e ikaw gusto kong date e." Syred.
I rolled my eyes, eiw! Yuck! Duh! Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Ano ba yan basa yung kamay nya tapos ang lamig pa, kinakabahan ba sya?!
Ayokong mapahiya! Baka kapag rumampa na kami madapa sya, sayang naman yung ganda ng gown na isusuot ko.
Nagstart na din akong mag-diet dahil gusto kong makita nila ang sexy waist ko 👗
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss