Chapter 124

1K 34 0
                                    

[Trisha's POV]

Isang linggo na ang nakakalipas magmula nang ipakulong ni Blake si Giselle, nandito kami ni Ebony ngayon para piyansahan sya. She looks so kawawa dahil ang losyang ng itsura nya.

"Sorry." Sabi ko.

Ngumiti lang naman sya at sumama sa amin, bibili muna kami ng mga gamit nya then ihahatid ko na sya sa bahay nya.

Nagpunta kami sa Mall para naman magkaroon kami ng quality time.

"Pwede ko bang makita si Tito Conrad?" Giselle.

"Nasa ibang bansa sya." Ako.

Tumango na lang sya. Naiilang kasi ako sa kanya, hindi ko lubos akalaing pinsan ko pa ang isa sa naging karibal ko sa asawa ko.

Ugh! 😌 Tama na please, ayoko na nang problema. Suko na po ako! 🙇

"Pumili ka na ng mga damit na gusto mo." Sabi ko.

"S-salamat ha." Giselle.

Hindi na ako umimik. Naupo kami ni Ebony habang hinihintay syang pumili. Pero aaminin ko, deep inside galit pa din ako sa kanya.

But na-realize ko na kailangan ko din syang tulungan .. Kadugo ko sya -_-! Baka kasi dumating din yung panahon na kailanganin ko sya, kami din naman ang magtutulungan e.

"Okay na?" Ako.

Tumango sya then dinala ko na sa counter ang mga damit.







Nandito naman kami sa isang department store, bibili kami ng mga groceries na pwede nyang pagkakitaan.

Sobrang bait ko na ba? 😎

"Best, infairness ha." Ebony.

"Last na 'to." Ako.

"What?" Ebony.

"I mean .. Babalik na sya sa kanila, wala nang gulo." Ako.

Tumango naman sya :) Wala na nga ba? Sana nga.






























(After 4 Months)

Okay na ang lahat, wala nang problema. Sa ngayon pumapasok na sina Blunt and Trixie, pareho silang top students and I'm proud of it.

Kami naman nila Ebony at Francesca ay nagtayo ng isang maliit na gift shop.

Habang ang mga asawa namin ay ipinagpatuloy ang kanilang car business :) Si Syred naman patuloy pa din sa pagpapatakbo ng kanyang restaurant.






Hays! 😍






Sana lahat ganito no? Sana lahat wala nang problema.






Hindi na kami tuluyang nagka-ayos ng biyenan ko .. Dito na kami ngayon nakatira sa harap nila Ebony, nabili namin yung bahay na binebenta ng kapit bahay nya.

Pero may isang balita na nakarating sa amin na labis naming ikinaluksa.







Patay na ang daddy ni Blake 💔






Hindi naman kami makapunta sa France dahil galit na galit sa amin ang Mommy ni Blake. Kaya naman idinaan na lang namin sa dasal ang pakikiramay.






Ganunpaman ay patuloy ang paglago ng aming mga negosyo. Si Trixie naipadala sa Singapore para sa isang Science Expo.

NURSING ang kinuha nyang course, ewan ko ba sa batang yan. Pero hinayaan ko na lang ang gusto nya, yun ang passion nya e :)

Si Blunt naman inilaban sa Hong Kong para sa Quiz Bee Math. Oh di ba, ang swerte ko sa mga anak ko?











----*

Vote ❤

Comment 📝

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon