Chapter 49

2.1K 44 2
                                    

Kasabay ng pagbabati namin ni Trisha, nagising na din si Shawn at mabuti na ang kanyang lagay ngayon. Si Carby naman nauna nang umuwi sa kanya, sabi nila babalik daw sa State si Carby.

Tama yun, para mabawasan na ang problema dito. Pupunta kami ni Trisha sa OB-GYNE nya dahil ilang araw na palang kumikirot ang tyan nya.






"Sobra ka bang na-stressed this past few days?" Doc.

"Uhm- to be honest po, nag away po kasi kami." Ako.

"Masama sa buntis ang sobrang nagagalit or sumasama ang loob." Doc.






Sa nakikita ko, malaki na si baby girl sa tyan ni Trisha. She is moving and it's so cute. Pagtapos sya icheck up ay nagpunta na kami sa restaurant para kumain.

Kailangan kong bumawi sa kanya, madami akong pagkukulang kay Trisha and sa aming baby na malapit nang lumabas!






----*






Nandito na kami sa restaurant.






"Gusto kong tikman yung overloaded cheese cake nila. Atsaka yung garden salad." Sabi ni Trisha.

As you wish my Queen 😊 Umorder na ako, syempre pareho na kami. She is so pretty! Nakikita ko na ulit ang kanyang mga ngiti, and it's because of me.





















[Trisha's POV]

Bumabawi si Blake. Pero sa totoo lang medyo nagtatampo pa ako sa kanya, konti lang naman. Nandito kami sa restaurant syempre para kumain :) Hihi.

Ang sarap ng cheese cake nila sobra, umaapaw ang cheese! Yung asawa ko panay ang picture, ay bad shot ako doon ah. Pero kahit nagtatampo ako ang pogi pa din nya 😉

"Gusto mo bang palitan ko yung damit na nasira?" Blake.

"Ikaw bahala." Sabi ko.

Enebe? Nagpapa-kipot nga ako e para ano, alam mo na. Kunwari bagets!

"Galit ka pa no?" Blake.

"Huh? H-hindi na." Ako.

Pilitin mo pa ako sige, dali. Hmp! Masyado na akong pabebe nyan, hinawakan ko ang kamay ni Blake at tiningnan sya ng nakakaloko.

"Anong tingin yan?" Natatawa nyang sabi.

Pati ako natatawa sa ginagawa ko e. Ano nga ba? Wala 'to.

"Wala lang, masama bang tingnan ka?" Sabi ko.

Umiling sya but kinikilig sya. It's my first time to see him blushing. Aaahh! Kinikilig na naman ako. Ang lakas talaga ng aura ng asawa ko e.






Pagtapos kumain ay dumeretso kami sa Mall para bumili ng mga damit. Isang damit lang yung nasira pero ang dami nyang ipapalit, ganun talaga BOSS na ako ngayon e.

Una kaming nagpunta sa isang shop kung saan tinitinda ang lahat ng branded na damit, bags and shoes. Ofcourse lahat yun bibilhin ko, haha charot!

Pumili muna ako ng bag, hmm- gusto ko GUCCI. Ewan ko ba, fan na fan ako ng GUCCI e. Pati tootbrush ko ganun din, haha joke. Last ko na yun!

Dalawang bag ang binili ko, tapos tatlong pair ng shoes and limang damit. Yan, solve na ako!






Pauwi na kami dahil masakit na ang paa ko. Dala ni Blake ang mga pinamili namin, alangang ako ang magdala?

Wag syang mag-alala three months na lang sexy na ulit ako. Sumakay na agad ako sa kotse, awts! 😭😭😰😰 Ang sakit sakit talaga.

"Okay ka lang?" Blake.

"Medyo." Matipid kong sagot.

Mabilis na nagmaneho ang asawa ko, medyo traffic! Argh. Ngayon pa, ngayon pa!

Pero titiisin ko na lang, nandito naman asawa ko e 😉 sus, tampo tampo pa ako hindi ko rin naman pala matitiis.






--
(A/N: Salamat nga pala sa nag-like ng page ko sa FACEBOOK 😊😊😊)

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon