[Shawn's POV]
Maghapon lang kaming nandito sa bahay ng asawa't anak ko. Nanood lang kami ng "THE EMOJI MOVIE" na gustong gusto ni Syred. Ilang beses na nya ding panood yan, pero hindi sya nagsasawa.
"Babe, bakit naman ganun ang pakikitungo mo kay Trisha?" Sabi ni Ebony.
"Sya ang dahilan kung bakit ilang araw kayong wala dito, e di sana mabilis tayong nagkaayos." Ako.
Napasimangot naman si Ebony sa sinabi ko. Sa ngayon, hindi ko pa talaga sya kayang kausapin at pakitunguhan ng maayos.
Pati tuloy Mommy't Daddy ni Ebony nagalit sa akin, nagmukha tuloy akong masama. Magdusa sya sa mga ginawa nya, wala munang kapa-kapatid.
"Magbati na kayo." Ebony.
"I don't know." Sabi ko.
Inilagay nya ang ulo nya sa balikat ko, pasensya na pero kailangan muna kitang tiisin.
Itinuloy na namin ang panonood. Atsaka ilang araw ko naman syang hindi makikita dahil pupunta sila ng Japan.
"Magluluto muna ako." Ebony.
Kiniss ko sya sa lips, mahal na mahal ko talaga ang asawa ko.
"Daddy, I want to watch MINIONS." Sabi ni Syred.
Agad ko namang sinalang yung movie na gusto nyang panoorin, kailangan kong bumawi sa kanila sa ngayon. Malaki kasi ang nagawa kong kasalanan, hindi lang malaki sobrang laki!
Kumalong naman sa akin si Syred atsaka nagdidinaldal habang nanonood, he is telling me kung anong mangyayari sa palabas. Lahat ng bala nya ay ilang ulit na nyang napanood, kaya natatawa na lang kami ni Ebony sa kanya.
Hmm, ang bango naman ng niluluto ng asawa ko. Lalo tuloy akong nagutom.
Maya maya ay tumigil na sa kakadaldal ang anak ko, tulog na pala sya. Dinala ko na si Syred sa kwarto nya, tsaka ako bumaba ulit.
Niyakap at pinaghahalikan ko naman ang asawa ko.
"Aahh, ano ba?!" Ebony.
"Tulog naman si Syred." Sabi ko.
Humarap sya sa akin at ngumiti ng nakakaloko, I know that smile Babe! Dinala ko sya sa guest room namin dito sa baba.
(A/N: Alam nyo na siguro kung ano yun, natulog po sila 😀 haha charot! 😹✌👌)
[Trisha's POV]
Training day.
Nasa science lab kami as usual, final training na namin 'to dahil next week ay aalis na kami.
Tinututukan ko talaga sila ng maigi, we need to win this contest! Isang malaking achievement sa school kapag nasungkit namin ang GOLD MEDAL. Susungkitin lang namin pero di kami lalaban, haha joke.
Nakumpleto na namin ay mga datas and information, nandito na din ang finish product na tinawag nilang "ORGANIC ANTI DIABETES MEDICINE".
Ang gagaling naman nila, I'm so proud talaga promise. Niyaya ko sila sa food park, dahil nahihiya sila sa Japan na lang daw.
"Ma'am, salamat po sa walang sawa nyong pagtutok sa amin ha?" Oscar.
"Ano ka ba? Trabaho ko yun, kaya manalo man or matalo I'am still proud of you." Sabi ko.
Dumating naman ang ibang teachers para tingnan yung ginawa ng mga bata. Atsaka may isang diabetic person na daw ang naka-try ng gamot nila, okay naman daw ang resulta.
Kaya lang kinakabahan ako, kasi yung ibang bansang kalaban namin advanced ang mga gamit nila. Samantalang kami, kahit private school ay nahihirapan pa din.
----*
Tapos na ang final training at pauwi na kami ng asawa ko. Kagagaling lang din nya sa super market, ang daming apples!
Kumuha agad ako ng isa, hindi ko pa nahuhugasan at nababalatan pero kinain ko na. Excited ako e.
"Next week na ang alis natin, sana manalo kami." Sabi ko.
"Tiwala lang." Blake.
Habang nasa byahe, naisipan kong bumisita kina Ebony. Kaso naalala ko nga palang hindi maganda ang mood sa akin ni Shawn.
Sangkatutak na lang ang problema namin, hindi na naubos! Hays -__- Sabi nga ni Gary Valenciano, "Kumapit ka sa akin, at di kita bibitawan." Haha. Naisingit ko pa yun?
Malapit na kami sa condo, ang aga ko naman atang antukin. Aahh! Gusto ko nang mahiga.
"My queen." Blake.
"Yes?" Ako.
"Inaantok ka na?" Tanong nya.
Tumango lang ako at isinandal ang ulo sa bintana, ilang araw na din kasi akong puyat e. Sana worth it yun, gusto ko na talaga mahiga ang bagal mag-drive ni Blake nakakainis.
----*
Sa wakas! Nandito na kami sa condo unit, agad akong nahiga. Hahayaan ko na muna si Blake ang mag asikaso dito, hindi ko na talaga kaya e. Bumabagsak na yung mata ko 😴😴😴😴😴😴😴
BINABASA MO ANG
She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETED
RomanceBook 1: Ang Boss Kong Abuse Book 2: She's The Boss Book 3: Gang's Boss