Chapter 1

11.2K 109 5
                                    

Someone's POV

Nabaling ang aking atensyon sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa gitna ng covered court. Malakas ang mga hiyawan nila at dinig ko mula sa aking kinatatayuan ang kalabog ng sahig sa bawat sigawan ng mga estudyante.

Nagsitakbuhan palayo sa eksena ang lahat nang marinig nila ang ingay ng pito ng school security guard. Hindi ko inaasahan na bubungad sa aking paningin ang babaeng hinihingal na nakaupo sa semento habang namimilipit sa sakit ang mga lalake sa paligid niya.

Ngising ngisi ang mukha ng babaeng ito at inayos niya pa ang kanyang buhok bago tumayo. Naglakad siya paalis na parang walang nangyari, habang papalapit siya sa aking direksyon ay mas nakita ko ang kanyang itsura at saka ko lamang siya namukhaan.

Siya ang estudyanteng palaging ibinabanggit ng lola ko, which is ang principal ng school na 'to. Ngayon, alam ko nang isa siya sa dahilan kung bakit hindi gusto ni lola na dito ako mag-aral, ubod daw kasi ng katigasan ang ulo ang mga estudyante dito.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hinarang na siya ng lola ko, "Come to my office!" galit na sigaw ng aking lola habang nakaduro kay Alexiandra Cristobal.

Bago siya sumunod sa dean ay napatingin muna siya sa gawi ko. Hindi ko ipinahalata ang pagkagulat ko at nakipagtitigan ako ng ilang segundo, tila kinakabisado niya ang itsura ko.

__

Alexiandra's POV

"Come to my office!!" narinig ko nanaman ang mga salitang iyon mula sakanya. Nakaramdam ako ng kaunting pagkasabik dahil baka ito na ang pinaka hihintay ko.

Magsisimula na sana akong mag lakad nang biglang mahagip ng mata ko ang isang babaeng nakasalamin at diretsong nakatingin sa akin.

Halata sa mata niya ang pagkagulat kaya't nakipagtitigan ako. Susundan ko na sana ang babae pero nakita ko naman ang dean na kasalukuyang masama na ang tingin sakin. Sumunod na lamang ako papasok sa office niya at umupo.

As usual, pulang pula nanaman ang mukha niya dahil sa galit, inilapag niya sa harap ko ang record na hindi ko naman iniintindi kung ano. Ito yata ang bad record ko na palagi niyang ipinapamuka sa'kin.

"Hindi ka ba naaawa sa record mo sa eskuwelahang ito? Kung ibang estudyante ang gumagawa ng mga ginagawa mo, baka matagal na silang napatalsik sa eskuwelahan na 'to. Balak mo pa bang suklian ng kabutihan ang pasensyang ibinibigay ko sa'yo?" kalmado siya pero ramdam ko ang galit niya sa'kin sa bawat salitang binibitawan niya.

"I'm sorry, ma'am" nakayukong sagot ko sakanya, I'm not even sorry.

"'Yan na lang ba ang maririnig ko mula sa'yo? Grow up, Ms. Cristobal. Hindi yung puro na lang pasensya, nakakasawa na."

"Do I have to explain my side?" I respectfully asked.

"Sure, kahit sobrang linaw na sa cctv kung ano yung ginawa mo."

"I suggest po na lagyan ng cctv ang likod ng building namin, tinapon nila ang lahat ng laman ng bag ko doon."

"Sapat na rason ba 'yan para bugbugin ang mga lalakeng 'yon? Teachers, security guard, and I are here for a reason, Ms. Cristobal. Hindi mo pupwedeng isagot ang violence sa bagay na pwede namang masolusyonan sa paraan na malayo sa gulo."

"I'm sorry, ma'am, but I prefer to handle my own problems. What I did is what they deserve base on how they treated me for the past few days. I tried my best to control my temper, if you think that I did something wrong, then I'm sorry. Hindi ko na po uulitin."

Sorry not sorry.

Alam kong hindi niya malunok ang mga pinagsasabi ko. Ramdam ko ang pagkainis niya pero hindi ako nakakaramdam ng takot.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon