Alex' POV
"Check this out then, but you better swallow every words that is written in that paper."
Nanginginig kong kinuha saka binuklat ang folder. Unang bumungad sakin ang ID picture ni Axel Reyes, ang information tungkol sakaniya, ang lahat ng tungkol sakanya. Gusto kong burahin ang pangalan namin ni mama na nakasulat sa family backgrounds niya.
_
FLASHBACK (Alexiandra's past: the day when he lost his mother and sister)Naikuyom ko ang kamao ko nang pagsaraduhan nila ako ng pinto kung saan nandoon si mama sa loob. Ilang tama ng bala ang mayroon si mama, kampante akong magiging maayos si mama kasi naidala ko siya agad dito sa hospital.. pero ang kapatid ko, sigurado akong hawak siya nila Adrales at Reyes ngayon.
Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko rin naman pwedeng pabayaan si mama, wala akong magawa kundi maglakad nang pabalik balik. Putangina, kailangan ako ng kapatid ko! Papasok na dapat ako sa elevator pero naalala ko na pwedeng patayin si mama dito sa hospital kaya bumalik ulit ako. Pag-aari ni Adrales ang hospital na 'to pero wala akong choice kundi dito isugod si mama kasi ito na ang pinaka malapit.
Gusto kong maiyak sa kalagayan ko ngayon pero wala akong oras para magmukmok. Yung mga tao sa paligid ko nadadamay dahil sa katangahan ko. Ako ang may kasalanan pero sila ang napapahamak.
Naupo ako sa mahabang upuan at napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko ang lahat ng taong tinawagan ko kanina. Ni-isa sakanila ay hindi man lang sumagot, hindi ko pwedeng ipaalam kay lolo ang nangyayari sa'min dahil wala na daw silang mapapala samin ni mama simula nung namatay ang step father ko.
Kinuha ni lolo ang nag-iisa kong kuya, siya lang ang lalake sa'min kaya siya ang susunod na magmamana sa posisyon ni lolo-- agad akong tumayo at lumapit sa doktora na kalalabas lang.
"I'm sorry--"
Nilagpasan ko na lang ang siya dahil ang bagal niyang magsalita at nagmamadali na 'ko, kailangan ko nang ialis dito si mama at dalhin sa ligtas--
"M-Mama?"
Tinatakpan nila ng kumot ang buong katawan ni mama, kahit nanginginig ang buong katawan ko sa kaba ay agad akong lumapit at tinanggal ang kumot. "Anong nangyayari?! Ano 'to?! Pinagloloko niyo ba 'ko?!" nanatili lang silang nakatayo at nakatingin sa'kin. Inagaw ko ang stethoscope ng isa sakanila, ipinasak ko ito sa tainga ko at pinakinggan ang puso ni mama, tuluyan na 'kong napaluhod nang malaman kong hindi na tumitibok ang puso niya.
Nanginginig kong hinawakan ang pisngi ni mama kasabay ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko, "Ma, hindi pwede 'to. Gumising ka diyan."
Dahan dahan kong hinaplos ang buhok ni mama habang niyuyugyog ang balikat niya. "Mama, kailangan kita ngayon! Ano ba, ma! Paano na 'ko nito?!"
"M-Miss.. Ililipat na nam--"
Mabilis akong tumayo, "A-Anong ginawa m-mo sa mama ko?!" umiiyak kong tanong sakanya, nakikita kong na kung saan saan siya tumitingin, pinaglalaruan niya rin ang daliri niya habang sunod sunod ang paglunok niya. Nabubuo ang ideya sa isipan ko, nanlilisik ko siyang tinignan at agad na sinugod nang magtangka siyang maglakad palabas. Mahigpit kong hinawakan ang panga niya, "Binayaran ka ba nila?!"
"Ano? H-Hindi ko alam a-ang pinagsasabi mo! Bitiwan mo 'ko!"
"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin! Isang tanong isang sagot! Binayaran ka ba nila!?!"
"Bitawan mo sabi ako eh!"
"Wag tayong mag lokohan dito! Dalawa sa balikat at isa sa hita lang ang tama niya! Wala pang limang minuto, dinala ko agad siya dito! Kaya paano nangyaring umabot sa ganito?!" hindi siya naka sagot. "Kapag sa ibang tao ko nalaman ang kawalang hiyaan mo.. ako mismo ang magbibigay ng kamatayan mo!" malakas na sigaw ko sa mismong tenga niya.
