K I N A B U K A S A N
Travis' PoV
"Kwentuhan mo naman kami sa nangyari kahapon tol!" nang aasar na sabi ni Calvin
"Oo ngaaaaa."
"Psh! Mamaya na! Manahimik muna kayo." inis kunwaring sabi ko habang kumokopya ng assignment. Hindi ko na kasi nagawa kahapon dahil late at pagod na rin akong nakauwi.
Hindi nga pala papasok ngayon si Francis dahil dumating daw ang lolo niya galing sa ibang bansa..
"Tsk tsk.. sino kayang pinuntahan ni rav kahapon??" kunyaring tanong pa ni Ivan at nagtawanan silang dalawa ni Calvin!
"B-Binisita ko lang sa hospital yung kaibigan ni Alex!"
"Asus! Hahaha! Kunwari ka pa!"
"Oo nga!"
"Oh? Kamusta naman si Alex-- este ung kaibigan at kapatid ni Alex?"
"Psh! Di ko nakamusta ung mga kaibigan nya kasi pagkapunta ko dun may n-nangyari. Pero yung k-kapatid nyang babae...."
"Ano?" Sabay pa nilang tanong!
"P-Patay na."
Nanlaki ang mata nilang dalawa.
"Di nga?!! Halaa.. seryoso ka?"
"Tangina sayang! Mukang maganda pa naman!" nanghihinayang pang sabi ni Ivan!
"Pano mo nasabi, pre?! Di mo pa nga nakikita?!"
"Malamang! Kung maganda si Alex, syempre maganda rin yung kapatid! Matic na yun!"
dO__Ob!
Umaatake nanaman yung pagiging malandi niya!
"G-Gago ka talaga. Puro ka kalokohan!" inis na sigaw ko kay Ivan!
"HAHAHAHA! Nagsalita ang hindi loko loko!" sarkastik na sabi ni Calvin!
Saglit pa silang nagtawanan habang kunot noo naman akong nagsusulat!
"Pano na si Alex niyan?" biglang tanong ni Ivan.
"A-Anong pan----"
Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang...
"Pre!! Andyan na pala yung inaantay mo!!" biglang sigaw ni Calvin!!
dO__Ob
Si Alex??
Lumingon agad ako sa tinuro ni Calvin!
Hindi pa nga ata magaling yung sugat niyan!!
Napaka yabang talaga!!
Tiningnan ko siya ng nakasimangot hanggang sa umupo siya sa damuhan, malapit lang sa kubong inuupuan namin.
Mukang may ka-text siya----
T-Teka.. diba ang sabi niya wala siyang cellphone?!
Sinungaling talaga!
"HAHAHAHAHA!! Anong klaseng muka 'yan pre?!"
Mabilis kong nilingon si Ivan at sinamaan siya ng tingin!
"Bakit ba?!"
"HAHAHA--- aray ko ah!"
Inis kong binato kay Ivan ang notebook na hawak ko at sapul naman sa mukha niya.