Alex' PoV
Busog na busog akong tumayo matapos kong kumain ng napakarami. Ito kasing kupal na nasa tabi ko ibinibigay sakin kung ano man ang madampot niya na hindi niya daw magustuhan. Ako naman 'tong si tanga natakam sa pagkain.
"Busog ka na ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Malamang! Nakita mo ba kung gaano karami yung binigay mong baboy sakin? Isuka ko 'to lahat sayo eh. Kukuha kuha ka, hindi mo naman kayang ubusin!"
Tinawanan niya lang ako kaya kinurot ko siya ng malakas sa tagiliran.
"Aray ko! Baka nakakalimutan mong may sugat ako."
"Pake ko diyan?! Dagdagan ko pa 'yan eh!"
"Ha! Kung makapag banta akala mo hindi nag-alala kanina!"
"Kapal ng muka mo--"
Natigilan ako sa pagsasalita nung makita ko sa gilid namin si Kaitlyn na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa. Pumikit na lang ako ng mariin dahil sa pagkapikon sa lalakeng 'to.
"Doon na daw tayo, dumidilim na oh."
Agad na nanigas ang katawan ko at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Kaunti na lang ay didilim na ng sobra, bigla akong gininaw dahilan para tumaas ang balahibo ko. Ikinuyom ko na lang ang kamay ko para mapigilan kong mag panic.
"N-Nasaan silang lahat?"
"Nandoon na sa kabila, hinahanda yung apoy tsaka mga kakainin mamayang 10 pm."
Binalot ng kaba ang sistema ko at hindi ko mapigilan ang panginginig ng tuhod ko.
"Okay ka lang? Namutla ka bigla." tanong ni Kaitlyn sakin at sinapo niya pa ang noo ko.
"P-Pwede bang huwag na 'ko sumama sainyo mamaya? Inaantok na ako eh."
"Hala, sumama ka. Masaya pa naman 'yon."
"Hindi ko na kaya, babagsak na yung mata ko." pagdadahilan ko kaya sumimangot siya.
"Sige, ikaw bahala. Kaso ikaw lang ang mag-isa don sa kubo."
"A-Ano?"
"Ikaw lang ang mag-isa don."
"Anong oras na?" biglang tanong ni Travis nang hindi ako makasagot.
"5:30, bakit mo natanong?"
Hindi ko na kinaya ang panginginig ng tuhod ko kaya muli akong umupo.
"Hala okay ka lang ba talaga Alex?"
Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang kaba. Bumabalik balik sakin ang nangyari noon, 'yon kasi ang pinaka unang pangit na nangyari sa buhay ko at sobrang detalyado pa sa utak ko ang mga nangyari.
"Wait lang Alex, tinatawag ako nila sir doon. Magpahinga ka muna, mukang hindi ka okay eh."
Tinanguan ko na lang siya pero ang tingin ko ay nasa lamesa. Pinipigilan kong tumingin sa paligid dahil paunti unti nang dumidilim. Gusto ko ring ipikit ang mata ko pero mas natatakot ako pag wala akong nakikita.
Naramdaman ko ang kamay ni Travis sa likod ko.
"Gusto mong samahan kita doon sa kubo hanggang sa makatulog ka?"
Umiling ako, gusto ko siyang samaan ng tingin dahil basta basta siyang nagsasalita nang hindi nag-iisip pero nanatili lang akong nakatingin sa lupa.
Pinipilit kong mag-isip ng mga magandang pangyayaring sa buhay ko pero hindi ko mapigilan na makapasok sa isip ko ang nakakatakot na boses ng lalake nung araw na 'yon.