Chapter 5

2.8K 62 0
                                    

Alex' PoV

Ang kaninang maangas na muka nila ay napalitan ng takot.

Alam kong kilala nila ako dahil sa naging reaksyon nila matapos nila akong makita. Gusto ko talagang malaman kung bakit sila tumulong sa pagbugbog sakin non samantalang wala naman akong ginawang masama sakanila.

"Mag kakilala kayo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Travis habang palipat lipat ang tingin samin.

"Hindi nga eh," sagot ko, ipinarinig ko sa dalawang dambuhala ang problemadong tono ko.

"Sino ka ba?!"

"Hindi niyo talaga maalala? Nakakalungkot naman."

"Anong gusto mong mangyari?!" pasugod at matapang na sigaw ng isa dahilan para suminghap ang mga nanonood.

"Ang tapang mo naman, malapit na yata akong matakot kaya pwede na kayong umalis hangga't hindi pa umaabot sa tatlo ang tahimik na pagbibilang ko," nagbabantang sabi ko at sabay silang nagkatinginan saka umalis. Hindi pa naman ako desperado sa gulo ngayon, nakakatamad. Bumaling ako kay Travis at nakita kong sinusubukan niyang tumayo.

"Ayos ka lang? "

"O-Oo."

"Okay," saglit ko pa siyang tinignan bago tumalikod at mayabang na nilagpasan silang lahat.

"Sa likod mo, Alex!" Biglang sigaw ni Travis at nagtilian naman ang mga babae kaya napalingon agad ako sa likod ko. Tangina, pang-ilang exit ko na ba 'to?

Kitang kita ko kung paano iangat ni Nathan ang kutsilyo. Hinawakan ko agad ang kamay niya, itinutok ko sa mismong mukha niya ang kutsilyong hawak niya. Nang makita kong nanginginig na ang kamay niya ay hinablot ko na 'yon mula sakanya.

Nasobrahan sa tapang ang isang 'to

"Nag-iisip ka pa ba?" kalmadong tanong ko, mukhang wala siya sarili. Nag-iwas siya ng tingin, parang kahit anong oras ay babagsak ito. Hindi ko alam kung anong kaawaan ang pumasok sa utak ko nang maisipan kong gusto ko siyang alalayan, mabuti na lang ay may pumito samin.

"Dito mo talaga naisipang gawin 'yan?!"

Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko nang matahimik ang lahat dahil sa galit na sigaw ni kuya. Bumuntong hininga na lang ako at walang nagawa kundi manahimik.

"Pinalampas ko yung ginawa mo kanina--" ayoko nang marinig ang susunod niya pang sasabihin kaya agad akong nagsalita.

"Hindi ko na uulitin," sinabi ko na lang para matapos na. Ayoko ng mahabang usapan, nakakatamad makinig at mas lalong nakakatamad makipag plastikan.

"Pagkatapos nung ginawa mo, yan lang ang sasabihin mo?! Muntik ka ng makapatay--"

Hindi na bago sakanya ang ganito, kung ano ano lang ang pinagsasabi niyan para malinis ang tingin sakanya ng mga studyante.

"Dulo lang ang nakita mo. 'Wag kang bobo."

"Ano?! Ikaw nanaman ang inapi?!" sarkastik na tanong niya at peke akong natawa dahil sa nakakadiri niyang pagpapanggap.

"May nabubuong ideya sa isip ko sa mga kinikilos mo, kuya. Wag mo nang subukan, alam mong mahirap akong kalabanin."

Hindi na siya nagsalita kaya naglakad ako palapit kay Travis.

Hinawakan ko ang braso ni Travis at tinulungan siyang tumayo, "Salamat kanina."

Dadalhin ko na lang 'to sa clinic para na rin makatakas sa usapan at sa mata ng iba, umiinit na kasi ang usapan.

Malapit lang ang clinic kaya wala pang ilang minutong paglalakad ay nakarating kami agad.

"Oh, anong nangyari?" bungad nung nurse samin pagkabukas ko ng pinto.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon