Chapter 17

2.1K 42 6
                                        

Alex' POV

Napag pasyahan ko na hindi muna pumasok sa first subject namin. Sobrang dami na ng iniisip ko, hindi na yata kayang umintindi ng mga lessons.

"Ang hilig mo talagang mag cutting," nilingon ko kung saan nanggaling ang boses ni Jay, nakapamulsa siyang naglalakad palapit sa'kin.

"Bakit ka nandito? May klase pa," kunot noong tanong ko sakanya.

"Nagpaalam ako kay sir na mag c-cr, nakita kita mula sa bintana namin na nag yoyosi."

"Oh, eh ba't nandito ka? Kailan pa 'ko naging cr?" Malakas niyang pinisil ang ilong ko kaya mariin akong napapikit, kinuha niya mula sa dalawa kong daliri ang yosi ko at humithit ng isa saka tinapon ang natira. Sinamaan ko siya ng tingin. "Lakas mo, sinayang mo yung syete ko."

"Napapadalas 'yang pagyoyosi mo. May problema ka ba?"

"Wala namang bago, kailan ba 'ko nawalan ng problema?"

"Kamusta naman pala yung kabit ni Axel Reyes? Matagal nang nakalabas sa kulungan 'yon diba?"

Hanggang ngayon iniisip ko kung paano ako makakapag higanti sa babaeng 'yon. Wala akong pakialam kung makalabas siya kasi kulang para sa'kin na mawalan siya ng kalayaan, gusto ko ring iparanas sakanya yung naranasan ng pamilya ko.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na patayin siya noon bago ako dalhin ni lolo sa ibang bansa, pero dahil nga nakita ko yung mga anak niya na naghihintay sakanya, hindi ko tinuloy. Ako na nga yung kinakawawa, mas lalong ako pa yung naaawa.

Ang nanay ni Nathan ang doctor na pumatay sa mama ko, hindi man siya yung bumaril pero siya yung tumapos sa buhay ni mama. Bigla nanamang pumasok sa utak ko kung gaano kagulo ang utak ko sa oras na 'yon--

"'Wag mong hayaang kainin ng galit 'yang utak mo. Ayokong maulit yung nangyari sa'yo dati."

"Ano ka ba? Para 'yon lang, easy lang sa'kin ang mga matatandang 'yon. Isang bala lang kayo," pag bibiro ko at pinosisyon ko pa ang kamay ko na parang baril at saka kunwaring pinaputok iyon. Nagtagumpay naman akong baguhin ang emosyon sa mukha ni Jay, tss masyadong seryoso.

"Tangina naman, Alexa. Nagustuhan mo pa yata yung krimeng ginawa mo. Seryosong usapan naman!"

"Bakit? Seryoso naman ako," nakangiting sagot ko.

"Baliktad ka lagi! Kapag seryoso nagbibiro, kapag nakikipag biruan biglang mang-iinis!"

"Masyado ka naman kasing thoughtful, pinapakilig mo yata ako. Hindi gagana 'yan sakin," pang-aasar ko pa at hindi ko inaasahan ang pamumula ng mukha niya. "Gago, ikaw yata 'tong kinikilig," natatawang sabi ko at kinurot ang baywang niya.

"A-Aray! Ano ba!?"

"Mas babae ka pa sa'kin."

"Ang lakas mo, Alexa. 'Pag ikaw pinatulan ko kingina mo."

"Kailan mo gagawin? Puro ka salita," pamimikon ko pa sakanya at malakas na humalakhak. "Tara na nga, pikon ka na naman. Late ka na ngang pumasok dito, wala ka pang matututunan kakasunod mo sa'kin."

"Sabay tayo?" ngingiti ngiting tanong niya.

Nginiwian ko siya, "Malamang. Hintayin muna natin si Kaitlyn."

"Kaitlyn?"

"Yung babae kanina," nakangisi kong sagot, nanlaki naman agad ang mata niya at sinamaan ako ng tingin.

"Bakit kailangan pang kasama 'yon?!"

"Ano naman kung kasama siya? Ikamamatay mo?" nang-aasar kong tanong kaya nag-iinarte siyang lumayo sa'kin.

Maya maya pa.. nag bell na. Nagsilabasan na ang lahat, pero wala pa rin si Kaitlyn. Nilibot ko ang paningin ko sa buong campus, baka kung saan saan nanaman 'yon pumunta.

Dumapo ang paningin ko sa mga babaeng naghihiyawan at nagkukumpulan, mukang may kaguluhan na namang nangyayari. Mabilis akong lumapit doon para makisali.

Pinaghahawi ko ang mga harang sa daraanan ko para makita ko ng maayos ang nangyayari. Ang inaasahan kong nagkakagulo ay mga lalakeng nagyayabangan, pero itong dalawang babae lang naman pala. Aalis na sana ako dahil ang boring nilang tignan pero malakas na lang akong napamura nang makita kong si Kaitlyn ang isa.

Nakikipagsabunutan siya kay Angel habang pagulong gulong sila sa sahig at syempre, ako naman 'tong epal, lumapit sakanilang dalawa.

"Tangina, tumigil nga kayo!" sigaw ko habang pinaghihiwalay ang dalawa.

Dumating si Jay at sinenyasan ko siyang buhatin si Kaitlyn. Mabilis at malakas naman ang kilos ni Jay kaya agad silang napaghiwalay.

"Ano bang nangyayari?!" iritadong tanong ko at walang sumagot sakanila. "Sasagot kayo o ako ang kakalbo sainyo?!"

"Pinag-aawayan nila si Ethan, Alex!" sagot nung isang babae. Napaikot naman ang mata ko, sana hindi ko na tinanong.

"Dalhin niyo na nga 'yan sa clinic, baka nasisiraan na ng ulo." Nang-iinsultong utos ko sa dalawang buntot nung Angel at tumalikod na.

"Hoy, Cristobal!" malakas niyang tawag sa'kin. Matinis ang boses niya at masakit sa tainga.

Kusa akong napaharap. "Oh?"

"Ilayo layo mo 'yang kaibigan mo kay Ethan Lorenzo, masyadong malandi! Pareho kayong malandi at ikaw, layuan mo si Travis!"

"Okay," simpleng sagot ko na ikinakunot na naman ng noo niya.

Tatalikuran ko na ulit siya pero hindi ko nakita ang mabilis na pagtaas ng kamay niya at dumapo agad 'yon sa pisngi ko. Naghiyawan ang mga lalakeng tutok na tutok, kingina nitong mga 'to nag-aabang pa ng round 2. Kahit papano wala akong balak na patulan ang baliw na babaeng 'to..

"Hey! What was that for?!" galit na sabat ni Jay at hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis ko iyong binawi bago niya pa 'ko mahila.

"'Wag mo 'kong idamay sa kabaliwan mo sa mga lalake rito, angkinin mo lahat kung gusto mo. Hinding hindi kita papakialaman," nagpipigil na sabi ko. Nginig na nginig ang kamay ko, hindi ko na 'to kayang pigilan kapag may ginawa pa siyang ikagagalit ko. "Ilang sampal na ang natanggap ko noon pero sa'yo ang pinaka mahina," mayabang na sabi ko. Ayoko na sanang inisin pa pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaganti kahit sa salita lang.

"So, gusto mo pa ng isa?"

"Gawin mo, tanga. Magtatanong ka pa, baka unahan kita."

Nagsitawanan naman ang lahat. Hindi na siya nakapag salita kaya umakto akong tatalikod pero ang atensyon ko ay nasa kanya pa rin kaya nakita ko na tinaas nanaman niya ang kamay niya para hilahin ang buhok ko kaya mabilis kong hinawakan at pinanggigilan ang braso niya. Binuhos ko ang lahat ng galit ko ron para mas lalo siyang masaktan.

"O-Ouch! Bitawan mo nga ako!"

"Hindi mo ba alam kung paano tumigil? Ilang beses ka nang tinatalikuran, lumalaban ka pa. Hindi ako papatol sa katawa tawang kagaya mo kaya tigilan mo na 'ko." Pabato ko nang binitawan ang braso niya nang makita kong naluluha na siya sa sakit.

Malakas siyang nag iyak iyakan sa harap ko at tumakbo paalis, nagsunuran naman ang dalawang kasama niya.

Nagkatinginan kami ni Travis, siya na ang kaharap ko mula sa malayo layo matapos ang madramang pag walk-out ng tatlo. Ang gwapo talaga nito, walang kupas.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya at nilapitan ko na agad si Kaitlyn na ngayon ay ngumingiwi na rin. "S-Sorry Alex. Nadamay ka pa."

"Ngayon iiyak iyak ka?! Tubig na ba 'yang tingin niyo sa lupa at lumangoy langoy kayong dalawa diyan?!" pasigaw kong tanong na may kasamang biro. Si Jay naman ay walang emosyong nakatingin sa'kin. Alam ko namang hindi siya tatawa sa biro ko. "Tsk. Tara na sa clinic."

__

- mchllexo -

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon