Chapter 4

2.7K 51 0
                                    

Alex' POV

Ramdam kong may nakatingin sa akin, nilibot ko ang mata ko pero halos lahat sila ay tutok lang sa pagkain.

"Mr. Enriquez!" napatingin ako sa sumigaw na tindera.

At nakita ko si Travis na nakatingin sa akin habang nakangisi. Tinitingnan niya ako mula ulo hangang paa. Hindi niya ata napansin na nakatingin na rin ako sakanya at ang tindera na pilit kinukuha ang atensyon niya.

"Mr. Enriquez, oorder ka ba?! Kanina ka pa nakatulala riyan, mahaba pa ang pila!"

Sabay sabay na nagtinginan ang lahat sa gawi nila dahil sa galit na tono ng tindera. Tumahimik ang lahat dahilan para marinig namin ang nahihiyang boses ni Travis habang umoorder.

Matapos niyang magsalita ay bumaling ang naiinis na paningin niya sa'kin na ikinagulat ko naman. Nakita kong handa na ang pagkain niya kaya napagdesisyonan kong tapunan siya ng nakakaasar na tingin para hindi niya ulit mapansin yung tindera.

"Earth to Enriquez! Naghihintay ang pagkain mo, kanina ka pa ha!?"

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sakanya habang nakangisi. Kinuha niya na yung pagkain niya at tumalikod.. mag iiwas na sana ako ng tingin nang muling nagbunganga ang tindera.

"Hindi 'yan libre! Nasaan ang bayad mo?!"

Kingina, kawawa ang isang 'to. Doble doble na ang kahihiyan.

Itinaas ko ang kaliwa kong kilay nang ibayad niya ang buong limang daan at basta na lang umalis.

Siya pala 'tong mayabang!

Nagkasalubong nanaman ang paningin namin at bakas sa mukha niya ang pagkapikon. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin bago pa siya makagawa ng susunod na katangahan niya dahil sa'kin.

"Alex! Kanina pa kita hinahanap! Nauna ka na pala dito," nakahinga naman ako ng maluwag dahil dumating na ang kasama ko, si Kaitlyn.

"Upo ka."

Hindi ko naman inaasahan ang bigla niyang pag-upo sa tabi ko. Kunot noo ko siyang tiningnan, medyo pinigilan ko pa ang matalas na tingin ko sakanya dahil baka mahiya 'to sa'kin.

"Hindi diyan. Doon." Tinuro ko ang nasa harap kong upuan.

"Ayyy. Bawal tumabi?" tumango agad ako, mabuti naman at mabilis siyang lumipat. "Alam mo bang gutom na gutom na ako."

Hindi na ako sumagot at ipinagpatuloy ko na lang ang pag kain. Hindi yata nauubusan ng sasabihin 'tong si Kaitlyn.

"Pwede bang makiupo?"

Tumingin ako sa lalakeng may hawak ng pagkain na nasa harap ng mesa namin.

"Ahm. Pwedeng makiupo?" ulit niya pa dahil hindi kami sumagot.

Tiningnan ko si Kaitlyn at pasikreto akong ngumiwi. Kaya pala hindi sumasagot, namumula na ang pisngi niya.

"Doon ka," turo ko sa tabi ni Kaitlyn kaya mas lalo pa siyang namula. Ngiting ngiti siya tumabi kay Kaitlyn at nagsimulang kumain.

"Anong section niyo?" nakangiti niya pa ding tanong.

"Last," maikling sagot ko.

"I see, btw I'm Ethan Lorenzo. Nice to meet you."

Tango na lang ang naisagot ko sa pagpapakilala niya pero hindi pa rin doon natapos ang sasabihin niya.

"Parang ngayon lang kita nakita dito. Transferee ka ba?

Tumango ulit ako. Tsk makiki-table na nga lang dadaldal pa.

"Anong name mo?"

"Xia."

"Nice name."

Hindi ko alam kung nice ba talaga o wala lang siyang masabi.

"Siya. Hindi mo tatanungin ang pangalan niya?" tukoy ko kay Kaitlyn at kitang kita ko kung paano nataranta si Kaitlyn nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Actually, I know her. Kaitlyn Deguzman, right?"

Ay biglang nag english.

Naiilang namang tumango si Kaitlyn sakanya.

"Ang titipid niyo namang magsalita. Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo?"

Hanep.

"Joke lang."

Grabe naman ang joke na 'yon, hindi nakakatawa at may halong katotohanan.

Gwapo nga naman kasi siya.

Nang hindi ko na magustuhan ang mood dito ay nagpaalam na 'ko, "Mauna na ako. Enjoy," nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Kaitlyn, nangungusap ang mata niya sakin pero hindi ko 'yon pinansin.

"Hintayin mo ak--"

"Diyan ka lang. Gutom ka diba?"

"Oo p-pero 'wag kang aali--"

Tinalikuran ko na sila agad para hindi na tumagal pa ang usapan.

So, saan ako pupunta ngayon?

Nakalabas na ako ng canteen at diretso akong naglakad palabas ng building. May isang oras pa bago mag bell ulit.

Marami rami ring studyante ang nakatambay dito. Nakahilera ang mga bench, wala man lang bakante. Hanggang sa marating ko na yung pinaka dulong bench pero wala talagang bakante.

Bumalik na lang ulit ako sa building pero sa kabilang side ako dumaan. Nakarinig ako ng babaeng nagsisigawan. Nag patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may nakita akong dalawang lalakeng nagsasapakan.

Tinignan ko ng mabuti ang muka ng isa at hindi pa ko naniwala sa sarili kong paningin nang makita ko ang pagmumuka ni Travis na nakikipag sapakan kay Nathan Reyes.

Ang bilis naman atang makapunta ni Travis dito? Kakakita ko pa lang sakanya kanina sa canteen.

Dumadami ang studyanteng nanonood dito. Punong puno na ng pasa ang muka ni Nathan kaya walang mangyayari kung tutunganga ako dito. Hindi na ako nakatiis at huminga muna ako ng malalim bago sumigaw.

"Hoy! Kung magpapatayan kayo 'wag dito!" sigaw ko kaya natigilan si Travis at nasapak siya ni Nathan ng malakas sa muka.

Sinugod pa ni Nathan si Travis at pinaulanan ng suntok.

Mabilis akong lumapit at hinila ko ang braso ni Nathan, pilit ko siyang inihaharap sakin. Itinaas ko ang kamay ko para suntukin siya pero hindi ko na itinuloy. Madadamay pa ako ng tuluyan dito.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Nathan dahil sa nagdudugo niyang noo.

Malakas din pala sumuntok si Travis. Halatang malaki ang galit.

"B-Bitawan mo 'ko!" nauutal na sabi niya habang pilit na kinukuha ang kamay niya sakin kaya pabato ko iyong binitawan.

Umiling naman ako. Nakasandal si Travis sa pader ng nakaupo habang pinupunasan niya ang dugo sa bibig niya at kunot noong nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako at tumalikod.

Bahala kayo sa buhay niyo! Hindi na lang magsaksakan para tapos agad!

"Hoy! Enriquez!"

Napalingon ulit ako dahil sa sumigaw na parang naghahamon ng gulo ang tono ng boses.

Dalawang malalaking tao. Kumunot ang noo ko at tinitigan sila ng mabuti.

"Dito ka pa rin nag-aaral. Iba talaga 'pag anak ng mayama--" naputol nung lalake ang sasabihin niya nung makita nila akong nakatayo malapit sakanila.

Napakaliit nga naman talaga ng mundo.

Napangisi naman ako ng malaki nung mapansin kong kinakabahan na sila at hindi ako nagkakamali na sila ang mga dambuhalang 'yon.

Inayos ko ang tayo ko at mayabang na tumingin sakanila.

"Nagkita ulit tayo."

_

- mchllexo -

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon