Alex' POV
"Wag mo kong katakutan kasi hindi kita sasaktan." seryosong sabi ko sakanya. "Pero ipangako mo saking hindi mo ipagsasabi kahit kanino ang lugar na ito miski sa kaibigan at pamilya mo."
Tumango naman siya at nag iwas ng tingin.
"Subukan mong hindi tumupad sa usapan, ako mismo ang papatay sayo."
Ayaw ko mang sabihin sakanya ang huling linyang nabitawan ko.. pero nalaman at nakita niya ang hindi dapat. Pwede siyang mag sumbong sa pulis. Kitang kita ko sa mga mata niya ang kaba at takot pero hindi ko iyon pinansin dahil sanay na kong makakita ng ganyan sa harap ko. Hindi ko sila kinaka-awaan dahil kinatutuwa ko kapag ako ang dahilan ng takot nila.
May nakita akong park kanina habang naglalakad ako kaya naman napag desisyonan kong dun muna kami pumunta. Hinila ko siya sa daan papuntang parke.
"S-Saan mo ko dadalhin?"
"Basta. Sumunod ka na lang."
Ng makarating na kami sa damuhan mabilis akong umupo doon at pinanood ang mga batang naglalaro.
Umupo si Travis sa tabi ko pero may kaunting espasyo sa gitna namin.
"Saya nila noh?" tanong ko kay Travis para mawala ang pagka ilang niya sakin.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag tango niya.
"Dati nung namatay sila mama, halos lahat ng makikita kong masasayang tao.. binabato ko ng kung anong bagay ang mahawakan ko."
natatawang sabi ko."B-Bakit naman?"
"Para kasing unfair sakin noon na masaya sila tapos ako malapit ng mabaliw sa kakaiyak."
Hindi siya sumagot.
Ramdam ko parin ang pagkailang niya pero alam kong nabawasan naman iyon kahit kaunti. At ramdam ko rin na may gusto siyang itanong.
Mga limang minutong walang nagsalita samin..
"Paano mo nakilala ang mga ganong klaseng tao?" kinakabahang tanong niya.
"Sa pamilya namin.."
"I-Ibig sabihin g-gangster kayong lahat?"
"Oo. Ang pinaka unang boss nila ay yung lolo ko sumunod ang totoo kong tatay pero dahil nga kinulong siya at wala pa rin kaming balita sakanya hanggang ngayon.. ang step father ko ang pumalit kaso namatay siya sa sakit na cancer kaya ako ang pumalit."
"Bakit ikaw pa? Bakit hindi na lang yung kuya mo?"
"Actually, gusto nila na si kuya ang nasa pwesto ko ngayon pero hindi ako pumayag dahil sa kagustuhan kong mapalaya yung papa ko na hawak noon nila Reyes. Alam kong hindi namin kakayanin nila Jay na kalabanin sila Reyes at Adrales kaya ang mga tauhan ng pamilya namin ang naisip ko na makakatulong sakin." medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil may nasabihan ako ng sikretong matagal ko ng tinatago.
"Pwede namang kuya mo na lang ang gumawa non, wala ka pa nga sa tamang edad para sumali sali sa mga ganyan. Alam mo naman ba kung nasaan si Adrales?"
Aba, mas marunong pa sa'kin. Tsk tsk.
"Oo. Nasa ibang bansa."
Tumango tango siya, "Bakit parang magka galit kayo ng kuya mo?" tanong niya ulit.
"Dahil sa pera." seryosong sabi ko at kumunot naman ang noo niya. "Dahil nga ako ang pumalit na pamunuan ang grupo ng mga gangster, every 5 months may dumadating na libo libong pera sakin at galing yon sa mga grupo ng drug seller na napapabagsak ng mga tauhan ko."
"Drug seller?"
"Oo."
"Kung hinuhuli niyo yung mga nagbebenta ng droga, edi hindi naman kayo gangster? Sa pagkakaalam ko kasi ang mga gangster, masasamang tao." curious na curious na tanong niya habang nakakunot pa ang noo.
"Hindi namin sila hinuhuli at taga utos lang ako. Pinapatay nila yon.. lahat."
"Deserve naman ng mga taong 'yon na mamatay--"
"Deserve nga nila pero yung mga pumatay, wala silang karapatan kasi diyos lang ang pwedeng gumawa non."
Hindi na ako nagtaka nung umatras siya ng kaunti palayo sa'kin. "Alam mo naman pala na wala silang karapatan na pumatay, bakit mo pa inutusan?!"
"Binibigyan ko lang sila ng trabaho, kapalit non ay ang napakaraming pera at pagkain para sa pamilya nila." mahinahong sagot ko.
"Kahit na! Mali pa rin yon!"
"Alam ko. Pero eto ako eh, pinili ko 'to. Ako ang may kailangan sakanila at kapalit non ay bibigyan ko sila ng trabaho." pilit na pagpapaintindi ko sakanya sa sitwasyon ko. Tumataas na ang boses niya at bakas ang inis sa muka niya sa hindi ko malamang dahilan.
"Bakit ba kasi naging boss ang lolo mo noon?!"
"Sobrang yaman nila lolo at lola bago siya maging boss. Lumaki ang ulo ni lolo at pinatay niya yung kasalukuyang boss noon. Tapos doon na nag simulang mapunta sa pamilya namin ang karapatan na bumuo ng malakas na grupo na maaaring pumatay ng kahit sinong tao."
"Anong klaseng karapatan yan?! Kasasabi mo lang na walang--" pinutol ko agad ang sasabihin niya.
"Oo alam ko. Kahit hindi ko gusto ang karapatan na binigay samin, desperada naman akong mahanap si papa at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mama at kapatid ko. Nawalan ako ng pamilya Travis, hindi mo 'ko masisisi kung naging ganito ako."
Biglang umamo ang muka niya dahil sa sinabi ko, titig na titig siya sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin. Tss, hindi ko kailangan ng awa mo.
"Tama na. Andami mo ng nalaman, peste. Mag gagabi na. Saan ang sasakyan mo?" tanong ko at tumayo na.
"Teka lang may tanong pa 'ko eh."
"Kanina ka pa tanong ng tanong, hindi ka pa nakuntento don?!"
"Last na, edi madaming gustong pumatay sayo?"
"Malamang." Pft, obvious naman magtatanong pa.
"K-Kung ganon, bakit ang lakas ng loob mong lumabas nang wala kang dalang tauhan? Pumapasok ka pa sa school, pano kung madamay ang school natin dahil sa mga gangster na gusto kang patayin?"
"Isa lang ang dahilan diyan, kasi alam nila na mas malakas ako sakanila. Kung magdadala ako ng tauhan bawat labas ko, magmumuka akong mahina at duwag. Pero kung, mag-isa lang ako.. isang tingin pa lang nila ay alam na nilang hindi ako natatakot sakanila."
Sinamaan niya ako ng tingin, "Ang yabang."
"Totoo naman."
"Eh pano kung barilin ka nila?"
"May baril din ako at mabilis akong makaramdam kapag may isang tao na tutok na tutok sakin."
"Ha? Paano?"
"Hindi ko alam, dala na rin siguro na nasanay akong magmasid sa paligid ko dahil aware ako na nanganganib ang buhay ko tsaka halos dalawang taon din akong naghanda." sagot ko sakanya at nanahimik na rin siya sa wakas, "Tara na. Tumayo ka na diyan. Sabay ako sayo pauwi ah."
Tumayo siya, "Mas naging interesado tuloy ako sayo, tsk tsk."
__