Alex' POV
"Kamusta yang buhok mo?" nakangising tanong ko kay Kaitlyn.
"Masakit," nakasimangot naman na sagot niya at hindi pa makatingin sa'ming dalawa ni Jay.
"Ginusto mo 'yan, diba? Ba't parang nahihiya ka ngayon?"
"Alex naman, nakakainis na kasi sila. Palagi na lang akong walang ginagawa kapag binubully nila ako. Sa bahay, pag naiisip ko yung ginagawa nila sa'kin, naiinis ako sa sarili ko kasi hinahayaan ko silang ganunin ako."
"Naiintindihan kita pero sa tingin mo kung papatol ka, titigil sila? Hindi naman, diba? Tignan mo kung anong kinalabasan ng pag patol mo. Napahiya ka na, nasaktan ka pa."
"S-Sorry. Hindi ko napigilan," madiin niyang sabi, alam kong naiinis pa rin siya sa nangyari. Nakakuyom kasi ang dalawang kamay niya, parang nakukulangan pa siya sa pananakit na ginawa niya sa babaeng 'yon.
"Tss. Kapag papatol ka, siguraduhin mong hindi mo dadalhin yung sarili mo dito sa clinic. Sabihin mo sa'kin kapag napipikon ka, ako ang sasapak doon sa nang bubully sa'yo."
"Tumigil ka nga, Alexa. Sinasali mo na naman 'yang sarili mo sa gulo," sabat ni Jay.
Nginisian ko siya. "Nagbibiro lang naman ako, kung mag-alala ka parang hindi kita natalo sa sparring noon."
Lumapit siya sa'kin na parang naghahamon. "Pinaalala mo pa talaga. Gawin kaya natin ulit? Hindi mo masapak yung babae kanina, hmm mukang nagbabago ka na ha."
"Kapag sinapak ko 'yon, makikick out ako rito. Kapag ikaw ang sinapak ko, matatalo ka na nga ulit, mas yayabang pa 'ko."
Tumawa siya ng malakas at nakitawa na lang din ako. "Ang kilala kong Alexa, hindi takot makick out."
"Nag-eenjoy pa 'kong makipag laro sa mga estudyante dito--"
Naputol ang sasabihin ko nung biglang bumukas ang pinto at pumasok ang galit na si kuya. "Ano nanamang kagaguhan ang ginawa mo?" galit siya pero kalmado pa rin.
"Ano ba 'yon?" tanong ko sakanya at umastang hindi alam kung anong sinasabi niya.
Ilang segundo siyang nanginginig sa galit bago tumingin ulit sa'kin. "Umayos ka. Umayos ka!" gigil na gigil na sabi niya habang nakaturo pa ang daliri sa sintido ko. "Ano nanamang pumasok sa isip mo at mga babae naman ang binugbog mo? Nababaliw ka na ba?" mahina, madiin at galit niyang tanong sa'kin.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umasta. Tsaka ano 'tong sinasabi niya, wala namang bugbugan na naganap kanina. Tangina pinigilan ko pa ngang hindi gawin 'yon. Tss.
Tumayo ako at lumabas kaysa marinig pa nila Jay ang katangahan ni kuya. Bukod sa ang ingay niya, nakakahiya pa ang mga lumalabas sa bibig niya. Mag kapatid kami pero hindi naman ako ganito umasta. Parang wala sa eskuwelahan ang puta.
Sumunod naman siya agad sa'kin palabas ng clinic at hinila ang braso ko paharap sakanya. "Sana hindi mo na pinapahalata 'yang kabastusan mo sa harap ng mga kaklase mo."
"Sige," kunwaring pag sang-ayon ko dahil gusto ko na talaga siyang layasan.
"Nasosobrahan ka na talaga sa yabang, Alexiandra. Hindi na natapos 'yang kakatihan ng kamao mo at pati tatlong babae binugbog mo."
Mga tunay na abnormal nga naman talaga ang mga tao dito.
"Saan mo nakuha 'yang balita mo? Wala nga akong ginalaw kahit isa sakanila tapos ang nakarating na balita sa'yo, tatlo ang binugbog ko?"
"May mga estudyanteng nakakakita sa mga galaw mo kaya sila ang paniniwalaan ko. Alam ko namang matagal ka nang gago, kaya bakit hindi ko pakikinggan 'yang mga biktima mo?"
"Biktima? Ha! Hintayin mong biktimahin ko sila at hindi mo na kailangang marinig pa sa ibang tao, dahil dadalhin ko 'yon lahat mismo sa harap mo," mayabang kong sagot. Napalingon yung mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin dahil hindi ko napigilan ang pag lakas ng boses ko. Sino ba naman kasing hindi mapipikon sa sinabi niyang 'yon?!
Ngingisian ko sana siya kaso hindi ko inasahan ang mabilis na pagdapo ng kamao niya sa panga ko. Halos umikot ang paningin ko sa sobrang lakas ng pagkakasapak niya.
Nasampal na nga kanina, nasapak pa ngayon. Ganito kaganda ang araw na 'to.
"'Yan ang kapalit sa kagaguhan mo, tumayo ka riyan at 'wag kang umastang kawawa dahil nakakahiya 'yang mga pinaggagawa mo dito."
Hinintay ko munang tumigil ang pag-ikot ng paningin ko at nakangisi akong tumayo. Tinignan ko siya na parang wala lang sa'kin ang ginawa niya kahit ang totoo ay gustong gusto ko siyang gantihan.
"Hindi ako nahihiya sa mga pinaggagawa ko, okay?" natatawa kong sabi para inisin pa siya lalo.
"Pwes, ako ang nahihiya para sayo!"
Hinila ko ng mahigpit yung kwelyo niya. "Kung nahihiya ka, kasalanan mo na 'yon kasi uto-uto ka't pinakikinggan mo yung mga kwentong nakakahiya nga naman talaga.. pero hindi naman ako yung gumawa," pabato kong binitawan ang kwelyo niya. Wala siyang maisagot at inayos niya na lang yung damit niya. "Pwede bang ikaw na lang ang mag-adjust sa'ting dalawa at umalis ka kapag nakikita mo 'ko?"
Ilang segundo siyang nakipag palitan sa'kin ng nanlilisik na tingin, ako na ang nagpakumbaba at tumalikod para matapos na yung eksenang hindi niya naman kayang tapusin nang hindi nagmumukhang tanga.
Saktong pag talikod ko ay nagtama ang paningin namin ni Travis. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bigla na lang akong nakaramdam ng tuwa nang makita ko ang reaksyon niya habang nakatingin sa kuya ko.
Sa sobrang sama ng tingin niya kay kuya, hindi niya na napansin na nakangiti na 'kong nakatingin sakanya.
_