Alex' POV.
Bahagya kong nilingon si kuya, buti na lang at nakatalikod na rin at naglalakad palayo. Kaya pala ganon na lang kung makatitig 'tong si Travis, akala ko hinahamon na ng suntukan si kuya eh.
Saktong pag harap ko ulit ay nag tama na ang paningin naming dalawa. Kalmado siyang nakatingin sa'kin, dahan dahan siyang naglakad palapit sa'kin kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
"Nakakabwisit yung kuya mo, pareho kayo pero mas lalo siya. Kaya hindi na kita magawan ng kalokohan dahil don e," nakanguso niya pang sabi saka ako hinila paalis sa kinatatayuan ko.
Kahit labag sa kalooban ko ay nagpahila na lang din ako sakanya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa, parang kailan lang isa siya sa mga sakit sa ulo ko sa school na 'to.
Nagtitinginan ang mga nakakakita sa'min, lalo na ang mga babae na mukang selos na selos kung makatingin. Kunot noo lang akong sunod sunuran at nagpapahila kay Travis, sana naman hindi ako nagmumukang kontrabida nito.
Ang akala ko ay sa clinic ang punta namin pero dinala niya ako rito sa kung saan walang katao tao, hindi naman masyadong kalayuan sa building namin at malapit sa building ng elementary. Parang garden 'to na pwedeng pag tambayan at para lang talaga sa dalawang tao dahil maliit ang pwesto.
"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko sakanya at humarap siya sa'kin habang nakangiti.
"Kapag nandon ka kasi sa madaming tao, laging kang nakikisali sa gulo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, eh ano naman ngayon?"
Binitawan niya ang kamay ko, ngayon ko lang napansin na nakahawak pa rin pala siya. Umupo siya sa damuhan at ako naman ay nag-iisip na kung paano ako makakaalis dito. Maganda naman dito pero naiilang akong kasama si Travis sa gan'tong klaseng lugar. Ano kayang trip nito?
Hinila na lang bigla ni Travis ang kamay ko dahilan para sa pilitan akong mapaupo sa tabi niya. Inilabas niya ang panyo niya at medyo nagulat ako nang bigla niyang maingat na idinampi 'yon sa panga ko.
"Alam mo bang mas lumalala ang mga away dito sa VHU simula nung pumasok ka?" seryoso niyang tanong sa'kin.
"'Wag kayong mag simula ng away para walang lumalala. Hilig mo talagang sisihin ako sa lahat ng bagay, nab-bwisit ka sa kuya ko, diba? Pwes pareho kayong bwisit sa buhay ko," dirediretso kong sabi. Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko, siya naman ang nag simula.
"At least hindi mo 'ko kadugo, hindi ko kabisado 'yang ugali mo. Eh, yung kuya mo? Kapatid mo 'yon kaya bakit kung sisihin ka niya parang hindi ka niya kilala."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ba't tuwang tuwa ka nung unang ganon siya umasta?"
"Aba't-- matagal na 'yon. Ikaw na nga 'tong kinakampihan, giniguilt trip mo pa 'ko. Nakakainis 'to," nakanguso niyang sabi.
Ganto ba talaga 'to kapag naiinis, ngumunguso amputa. Kahit sinong tao ang pakitaan nito ng inis, matutuwa na lang e. Gwapo 'to kapag seryoso pero nagiging cute kapag naiinis. Natawa na lang ako sa sarili kong naisip.
"Edi sige, salamat at kinakampihan mo 'ko. Sobraaang laking tulong," sarkastik kong sabi sakanya at ngumisi.
"Bakit ka ba nang-aasar kapag seryoso ako?!"
"Tinatanong mo 'yan sa'kin, hindi ko nga tinanong kung bakit mo 'ko dinala dito."
Sinuntok niya ang mga damo dahil sa inis at mas lalo pa siyang nag mukang cute sa paningin ko. "Alam mo ikaw, nakakaasar 'yang ugali mo. Hindi ka ba marunong makipagbati?!"
"Hindi mo naman yata sinabing makikipagbati ka?"
"Action speaks louder than words, obvious naman diba?" panggagaya niya pa sa tono ng boses ko.