Travis' POV
Katatapos lang ng practice namin kasama yung mga girls at hindi man lang dumating si Alex. Ano pa nga bang aasahan ko sa babaeng 'yon?!
"Pre, kain tayo sa labas--"
"Ayoko!" inis na tanggi ko kay Ivan. Parang gusto kong bawiin ang pag sigaw ko dahil matatalim na ang mga tinginan ng mga kaibigan ko sa'kin.
"Kanina ka pa naninigaw at naka busangot, awang awa na 'ko sa mga babae kanina," seryosong sabi ni Francis.
Hindi ko rin naman maintindihan ang iniaasta ko ngayon, parang may gusto akong makita o gawin pero hindi ko talaga alam kung ano. Kaninang madaling araw, okay naman yung gising ko pero kaninang nag papractice kami naiinis ako sa bawat kilos ng kahit sino sakanila.
"N-Nakaka badtrip kasi sila turuan! Hindi sila marurunong!" pag dadahilan ko na lang.
"Matututo rin yung mga 'yon," Si Ivan.
"Ang aarte nga eh, pano matututo?" kunot noo pa ring tanong ko.
"Lakas ng topak mo ngayon, pre. Kulang ka yata sa alak," natatawang sabi ni Calvin.
"Intrams muna bago alak, mga ugok. Kulang tayo ng isang player, mukang hindi naman marunong si Nathan maglaro at wala siyang balak umattend sa practice," nag aalalang sabi ni Francis.
"Si Delgado na lang ang isali natin. Malaki naman ang katawan, kahit tumakbo takbo lang siya sa court basta makalaro yung section natin," suhestyon ko.
"Volleyball boys 'yon pre. Baka sa volleyball naman tayo mawalan ng representative kapag kinuha natin si Delgado."
Isa isa kong tinignan ang mga problemado nilang muka, hinihintay kong makaisip sila ng paraan. Inis akong tumayo sa kinauupuan ko. "Tara, ireklamo natin si Nathan. Tangina, ang laki niyang problema."
Dadamputin ko palang ang bag ko nang biglang may matinis na boses ang tumawag sa pangalan ko, "Ravi, baby brother! Guys!" inis kong nilingon ang babaeng lagi akong binibwisit. Siya lang naman yung kapatid kong tumatawag sa'king baby in public, lalo na kapag kasama ko yung tropa ko. Nakakainis!
"Anong ginagawa mo rito?!" sinamaan ko ng tingin sila Calvin na tumatawa dahil alam nilang naasar ako sakanya.
"Tinotoyo ka na naman, baby. Baka gusto mong magpalamig ng ulo may alam ako kung saan pwede. Tapos na rin naman yung klase niyo diba?" nagpapacute niyang sabi, itinataas baba niya pa ang kilay niya habang abot tainga ang ngiti.
"Alam kong mas totoyoin ako pag sumama ako sayo," inis ko siyang tinalikuran, and as expected from this persistent daughter of my mother, hinarangan niya ang daanan ko.
"Hindi na kita pagbubuhatin ng shopping bags ko, promise."
"Hmm, saan kayo pupunta? Baka pwede kaming sumama, medyo mainit din kasi ang ulo namin," kunwaring nahihiya pa na sabi ni Calvin, sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya man lang ako pinansin.
"Sure."
Nagliwanag ang mukha nilang tatlo, "Mauna na kami sa sasakyan mo, baby Rav. Mag talking talking muna kayo diyan," nakakaasar pa niyang sabi at nag-unahan na sila patakbo sa parking lot.
Bumaling ako kay Trinity, "Pinagmamalaki mo sakin 'yang boyfriend mo diba, bakit hindi mo siya ayain?"
"H-Hiwalay na nga kami ni Grey.." nakangusong sabi niya. Kitang kita ko kung paanong mabilis nagbago ang emosyon ng mata niya kahit pilit niyang tinatago sakin.
