Chapter 6

2.9K 56 0
                                        

Travis' POV.

Maaga akong pumasok sa school ngayon at wala pang masyadong students na nakatambay sa labas ng gate kaya tuloy tuloy lang akong nag lakad papasok. May iilang students na rin na naglalakad sa hallway pero karamihan ay puro nerd na may hawak na libro.

Napangisi ako nung mahagip ng mata ko si Alex, may hawak din siyang libro habang naglalakad. May naisip nanaman akong kalokohan kaya sinadya ko namang dumaan sa dinadaanan niya para mabangga niya ako.

Nahulog yung librong binabasa niya at hindi ko naman sinasadyang matapakan yon. Hindi man lang siya nag reklamo.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" kunwaring galit na sigaw ko sakanya.

"Papansin ka talaga," kunot noong sabi niya pero hindi naman galit.

"Sino?! Ako?!"

"Papansin ka."

"Bakit naman ako magpapa--"

"Tatanggi pa, halatang halata naman na sinadya mo."

Umirap ako, "Hindi kaya! Bakit ko naman 'yon gagawin?!"

"Sa kinalawak lawak ng pwedeng daanan, dito ka pa sa gilid dumaan?"

Nginisian niya ako kaya hindi ko napigilang mag-iwas ng tingin.

Bakit ba kasi ang aga nitong pumasok? Kung hindi ko siya nakita, edi sana hindi ko siya mapapagtripan.

"Baka pwede mo nang alisin 'yang paa mo sa libro ko, para naman maka-alis na ako." Dagdag niya pa pero mas diniinan ko pa ang pag tapak, "Ayaw mo ba akong paalisin?" nang aasar na sabi niya.

Mabilis kong inalis ang paa ko at tinapak tapakan ko pa lalo ang libro niya.

"Gago ka talaga 'no?" malutong na pagmumura niya pero kalmado pa rin ang itsura niya.

"Napakayabang mo eh!"

"Ano nanaman bang ginawa ko sayo?"

"Nakakainis kasi 'yang pagmumuka mo!"

Itinigil ko na ang pag tapak sa libro niya kaya mabilis niyang kinuha 'yon at inayos. Bigla namang sumulpot sila Angel sa harap namin at mala demonyong ngumiti habang nakatingin sakin, "Do you need some help, handsome? We can do anything for you." malanding tanong niya sakin. Napatingin naman ako kay Alex, masama ang tingin niya kila Angel.

_

Alex' PoV

Nasa harap namin ngayon ang tatlong nantrip sa cellphone ko. Ang sarap basagin ng pagmumuka ng mga 'to.

Hindi ko maintindihan kung anong trip ng mga 'yon. Kung hindi ko lang nililimitahan ang kilos ko, matagal ko nang nabugbog ang mga baliw na 'yon. Kahit pangalan nga ng mga babaeng 'yon hindi ko alam eh. Yung nasa gitna talaga nila ang nakakaubos ng pasensya. Mukha pa lang niya ang makita ko, ubos agad ang pasensya ko.

Napatingin ako sa relos ko. Bente minutos pa bago mag simula ang klase. Hindi ko na nagawa ang assignment ko. Sa loob ng 30 minutes, apat na gago na agad ang nakabangga ko. Pano pa kaya kapag isang araw na? Baka hindi na 'ko makauwing buhay.

Inis kong binuksan ang pinto ng room at tinatamad na 'kong gumawa ng assignment kaya pinanood ko na lang ang mga kaklase ko sa mga kalokohang ginagawa nila.

Makalipas ang ilang minuto pumasok na sa room ang subject teacher namin. Kasabay lang pumasok ni sir si Kaitlyn. "Magandang umaga. Pasensya na kung nalate kami ng 30 minutes kasi may biglaang meeting kanina."

May ibinigay na folder si Kaitlyn kay sir. "Next month na ang intrams. Kailangan niyo ng representative para sa volleyball girls and boys, basketball girls and boys, at badminton girls and boys. Sana may sumaling babae sa inyo sa basketball dahil sa syeteng seksyon na napuntahan ko seksyon 1 lang ang may representative," mahabang paliwanag ni sir.

Hold You TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon