Kurt's PoV
"Nabasura lang lahat ng plano namin dahil sa gagong Xiaon na 'yon," problemadong sabi ko kay Francis na ngayon ay may hawak hawak na bola, katatapos niya lang mag basketball at pinuntahan ko pa siya dito sa court.
"Thank me for telling you to sleep early, kung hindi ako nag set ng maagang meet up edi sana nagreport ka sa kumpanya ni Dexter Cristobal sa gabing 'yon."
Sinamaan ko siya ng tingin, "'Yan pa talaga ang naisip mo, I rather be with lolo Dexter than to be here doing nothing. I can't even protect them from your grandfather. This is so frustrating, ano nang gagawin ko?"
Umupo siya sa tabi ko, "There's a reason for everything that happened. Masyadong simple ang plano niyong paaminin si Adrales sa harap ng lahat, y'all planned it like it's the easiest thing to do but it's actually not. Adrales is not alone in this war, hindi dapat kayo nagpakampante porket hawak niyo siya noon, tignan mo ang nangyari ngayon."
"We worked hard for years just to caught Adrales, hindi 'yon ganon kadali," kunot noo kong sagot.
"You know what, if I were to share my opinion, let Alex handle and finish everything. Ang dami niyong impormasyon na pinagdamot sakanya, pinagmumuka niyo siyang tanga sa mga taong kinagagalit niya na biktima rin naman pala. Siya yung pinakabiktima dito, siguro naman may karapatan siyang gawin ang gusto niya sa mga kriminal na nagsimula ng gulong 'to. May boses din siya sa pamilya niya at ilang taon siyang nagpakahirap maghanda, kayang kaya niya 'yon.."
I can't help but to deeply stare at him while he's talking. May punto siya at parang unti unti akong nakakaisip ng paraan. Alex ain't well trained for nothing, the least thing that I could do to help is give her the informations she deserve to know and let her handle the rest of the plans.
"B-Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi?!" malakas kong naitanong sakanya at gulat naman siya napalingon sakin.
Nagkibit balikat siya, "Malay ko bang kailangan mo pa pala ng opinyon ko. 'Wag mo kasing minamaliit si Alex, you saw how she saved us from those Italian guys. Mataas ang tingin ko sakanya at ikaw masyado kang nag-aalala sakanya to the point that you just want her to stay still until everything is fixed."
"Yeah, I was wrong. I think today is the right time to tell her but in a most difficult situation."
Mahina siyang tumawa, "Idiot, sinabi mo na dapat sakanya nung nasa field trip pa lang tayo para hindi na umabot sa ganito."
"I don't know. Ang nasa isip ko lang talaga that time ay wala akong karapatang sabihin sakanya and our plan must go on."
"Wait lang, bakit ba kasi sinisekreto lahat ni Dexter sa apo niya? Hindi niya ba nakikita na mas nahihirapan si Alex?" nagtatakang tanong niya at ngumisi ako nang maalala ko ang dahilan ni Dexter.
"Alexiandra is not asking."
Ang mata niya ay nag-aabang pa ng susunod kong sasabihin hanggang sa galit siyang tumingin sakin, "What the fuck? That's it?!"
"She never asked anything related to his father after what happened, she never asked who killed her mother and sister. She believes in her own thoughts, she don't trust anyone at kasalanan 'yon ni Adrales kasi napakalaking tiwala ang binigay niya sa taong 'yon, ang ending si Alex ang nawalan."
"Putangina, bakit kailangan pa kasing itanong ni Alex?! Bawal siya magkusa?!"
Nagkibit balikat na lang ako, "They are weirdos, hindi sila open sa isa't isa. Kulang sa communications, mas open pa sila sa mga taong hindi nila kilala kagaya ko. But I can completely understand Alex, she was traumatized. Imagine the pain she had, no, not just pain, excruciating pain."
