Alex' PoV
"Sweet as sugar, hard as ice. Hurt me once, I'll kill you twice."
Natigilan ang lahat sa sinabi ko.
Kunot noong nakatingin sakin si ma'am. Gusto ko pa sanang iexplain kaso biglang sumama ang tingin sakin ni ma'am.
Halatang hindi niya nagustohan ang sagot ko. Psh.
Bumalik na lang ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang pag tulog.
_
Francis' PoV
Nung unang nalaman ko ang plano ni daddy at Lolo last year hindi ko pinakialaman dahil akala kong pera ang kukuhanin nila at pag tatrabahuhan nila yon sa malinis na paraan. Pero nung isang araw lang, nag family dinner kami kasama si Lolo. Nabanggit niya lahat lahat. Sinabi sakin ni Lolo na gusto niya na kami ni kuya ang papatay kay Alexiandra Cristobal dahil gusto niya daw na mapunta sa pamilya namin ang lahat ng pera at tauhan na meron si Alex ngayon. Hindi ako sumang ayon sa sinabi niya pero laking gulat ko nung pumayag si kuya.
Nagtataka ako kung paano nakuha ni Alex ang ganong posisyon. Babae siya at malalakas ang ibang lalakeng gangster na kaya siyang patayin at madali siyang mapalitan sa pwesto pero mas lalong nakakapagtaka na umabot siya ng halos dalawang taon sa pamumuno ng mga gangster na galing sa iba't ibang bansa.
Ilang tao na kaya ang napatay niya? Kahit ilan pa, alam kong may dahilan.
Kahit ano pang sabihin ni daddy at Lolo sakin, hinding hindi ako papayag sa inuutos nila sakin.
Mukang may gusto pa naman si Travis sakanya.. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang doon. At ayoko ring pumatay ng tao para sa pera.
Nag search ako kanina ng tungkol sa family ni Cristobal at napag-alaman ko na ang lolo niya ang dahilan kung bakit nagsipuntahan dito sa Pilipinas lahat ng gangster na galing sa ibang bansa. Pinatay daw ng lolo ni Alex ang dating namumuno sa lahat ng gangster kaya sa buong pamilya na nila umiikot ang pagiging boss ng mga gangster. At dahil din doon mas dumami ang mga business nila, lahat ng mga restaurant, hotel, buildings na pinatayo ng dating boss ay napunta lahat sa pamilya nila Alex.
Pero hindi lang ang mga bagay na yan ang nakuha ng mga Cristobal, pati na rin ang kasamaan at malalakas na tauhan.
Sumunod daw na namuno ay ang tatay ni Alex pero nawala daw ito at hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon kaya ang step dad ni Alex ang pumalit. Hindi ko nakita ang dahilan kung bakit napunta kay Alex ang posisyong iyon. Ang nakalagay lang doon ay si Alex daw ang namumuno ngayon.
At nalaman ko rin na kapag may pumatay daw sa totoong tatay ni Alex.. mawawala daw sa pamilya nila ang posisyong iyon at mapupunta sa kung sino man ang pumatay sa totoong tatay ni Alex na nawawala ngayon. Tsaka patay na din pala ang nanay at dalawang nakababatang kapatid ni Alex. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya ang napiling boss para maipag higanti at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila.
Isa rin yun sa dahilan kung bakit ayokong sumang-ayon sa desisyon nila daddy.. Kasi gusto ko siyang tulungang mahanap ang pumatay sa nanay at kapatid niya. Malakas din ang kutob ko na may kinalaman sila Lolo at daddy sa nangyari sa pamilya nila.
Bumuntong hininga ako at hinilot ang ulo ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol kay Alex pati na rin yung koneksyon ng pamilya ko sakanila.
Natigil ako sa pag iisip nung biglang may kumatok.
"Bukas yan." walang ganang sabi ko.
Nanlisik ang mata ko nung makita kong si daddy ang pumasok sa loob ng opisina ko.
"Kung pipilitin mo ko ulit tungkol diyan sa patayan na yan, makakalabas ka na. Hindi ako interesado."
